Chapter 7

2129 Words
NAKABALIK na ako sa bahay namin, hinubad ko na ang aking sapatos at damit ko. May uniform pa naman ako bukas dahil dalawang uniform ang binibigay ng resort. “Nakauwi na po ako, Mama at sa tatlo kong kapatid!” Malakas na anunsyo ko, pagkapasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko si Mama na nagluluto. “Nahuli ka yata sa pag-uwi, Isla? Akala ko alas-singko ng hapon ang uwian niyo?” tanong ni Mama sa akin. Napakamot ako sa aking buhok. “Hinintay ko pa sila ʼga, Mama. Kaya nahuli ako ng uwi.” sabi ko sa kanya. Niyakap ko siya sa kanyang bewang. “Sorry na po, Mama.” sabi ko pa sa kanya. “Mukhang masarap iyang niluluto mo pa, ha? Adobong sitaw na the best recipe niyo.” Pag-iiba ko sa usapan namin. “Ganyan nga, Isla! Iniiba mo ang usapan, mana ka talaga sa Papa mo. Siyempre masarap ito, dito kaya na-in-love ang Papa mo sa akin. Hala sige, magpalit ka na ng damit mo. Ako na bahala maglaba d'yan. Magpahinga ka na muna.” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Thank you po, Mama. Kaya the best po talaga kayo!” sabi ko sa kanya. Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanyang bewang at pumasok sa k'warto naming magkakapatid. Nagpalit ako ng damit at lumabas na rin para ilagay sa palanggana naming maliit ang aking uniform. “Isla, kumain ka na. Maaga ka pa ulit bukas. Luto na iyong ulam!” Malakas na tawag ni Mama sa akin. Napatayo ako at pinatay na ng gripo ng tubig. Binabad ko muna ang aking uniform. “Nandyan na po!” Malakas din na sabi ko at lumabas na sa banyo. “Nasa palanggana na po iyong uniform ko, Mama.” sabi ko sa kanya nang makitang naghahain na siya ng pagkain sa maliit naming mesa. “Sila Iris po, Mama? Hindi pa ba sila kakain?” tanong ko kay Mama. “Naku, tinatapos pa ang assignment nila. Alam mo naman ang mga kapatid mo dedicated sa pag-aaral, simula tumigil ka para matulungan mo sila sa panggastos nila sa pag-aaral.” sabi ni Mama sa akin. Napangiti tuloy ako sa tatlong kapatid ko na nag-aaral doon sa maliit naming center table. Kapag sumahod ako ay bibili ako ng malaking table para kasya silang tatlo. Nilihis ko na ang tingin ko sa kanilang tatlo. “Gagawin ko ang lahat para matulungan ko kayo, Mama!” Nakangiti kong sabi sa kanya. Ginulo na lamang niya ang aking buhok. “Aasahan ko iyan, Isla. Basta maging masaya ka rin.” sabi niya sa akin kaya tumango ako. Kumain na ako nang marami dahil gutom na rin ako. Kumukulo na ang tiyan ko dahil sa pagod kanina pero worth it naman ang pagod dahil kinuha ni Mister Ryde ang sticky note na ginawa ko sa kanya. Magpa-plano na ulit ako kung anong gagawin ko para bukas. Anong pick-up lines naman ang ilalagay ko sa kanyang mug. Sana nga lang talaga ay makita ko siyang ngumiti, ano? Wala naman bayad ang pagngiti. Kinabukasan, inagahan ko ang aking paggising, pangalawang araw para sa aking mission na pangitiin si Mister Ryde. Inunat ko ang aking magkabilang braso at saka lumabas na sa k'warto namin, dala ang aking towel. Alas-sais ng umaga ang call time sa Cafe, nagising ako ng wala pang alas-singko. Nagpakulo muna ako ng tubig at hinintay munang kumulo iyon. Malamig ang tubig kapag ganitong oras, hindi ko kakayanin. Nang tumunog na ang takure saka ko pinatay ang kalan namin. Kinuha ko iyon at sinalin sa palangganang malaki, tinimplahan mo rin iyon para maging maligamgam. Hindi ko naman kakayanin kung maiinit ang ipangliligo ko, baka magkaroon pa ako ng lapnos. Nang maramdamang okay na ang init ng tubig para sa akin ay naligo na ako. Nagmadali ako sa pagligo baka kasi ay ma-late ako sa trabaho. Humiram na rin pala ako kay Penelope ng make-up niya, iyong hindi na niya gaanong ginagamit. Magta-try akong maglagay para masanay ako at hindi na humingi ng tulong sa kanila ni Chloe. Nang matapos makaligo ay saka na ako bumalik sa k'warto, sinuot ko na ang aking uniform at nag-make-up na rin ako. Mahimbing pa rin natutulog ang tatlong kapatid ko. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin ng aming aparador, nag-mukha akong clown ng mag-make up ako. “M-mali na naman!” Dismayado kong sabi sa aking sarili. Kaya tinanggal ko ang aking make-up sa mukha. “Paano ba kayo gamitin, ha? Sabi ni ʼga ay face powder daw ito, then, heto naman square na lalagyan ay pang blush-on pero iyong pisngi ko, para akong sinampal nang malakas. Tapos, itong liptint ay naging sobrang pula sa labi ko! Tama ba iyong ginawa ko?” Kausap ko sa aking sarili habang nasa harap ako ng salamin. Kanina pa ako napapabuga ng hangin dito. Kumuha ako ng wet tissue at pinunas ko iyon sa aking mukha para mawala ang make-up. “Ayoko na! Hindi talaga ako marunong mag-make up sa aking sarili. Maglalagay na lamang ako ng polbo sa mukha ko.” Suko kong sabi sa aking sarili at nag-polbo na ako. Hindi talaga ako marunong. Kaysa naman pumasok ako sa Cafe na mukhang clown, ʼdi ba? Baka walang pumasok sa Cafe namin tapos masisisi pa ako. And, worst, baka ma-bash ako sa social media. Kaya no thanks! Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sahig at niligpit ang hiniram kong make-up kay Penelope. Dinala ko pa rin iyon, magpapaayos na lamang ako kila ʼga, or pwede rin kina Sheena or Mia. Marunong din sila mag-make up. Pero, ako, wala akong tiwala sa sarili ko. “Ma, alis na po ako! Mahuhuli na po ako sa trabaho ko!” Paalam ko kay Mama at kumatok pa ako sa pinto ng banyo namin. Naliligo na rin kasi siya, magtitinda na siya sa palengke. “Mag-iingat ka, Isla. Nasa lamesa na ang pang-tanghalian mo!” Rinig ko sabi ni Mama. Nakuha ko na ang pang-lunch break ko. “Nasa bag ko na po. Sige po, alis na po ako!” Paalam kong sabi ulit at lumabas na sa bahay. May kadiliman pa sa buong paligid nang lumabas ako sa bahay. Napayakap din ako sa aking katawan nang maramdaman ang lamig ng hangin. Summer naman pero malamig kapag madaling araw, maganda talaga kapag nasa probinsya. Nag-umpisa na ako maglakad papunta sa Beach resort, pwede naman lakarin iyon at aabutin ka lamang ng almost twenty five minutes pero kapag mag-ta-traysikel ka ay nasa five minutes lamang ang layo. “Isla! Isla!” May narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako. Napalingon ako sa aking likod, nakita ko si ʼga Zoe. Napangiti ako at kumaway sa kanya. “Ga! Good morning!” Masayang bati ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin. “Good morning din, Isla! Ang aga mo yata ngayon?” sabi niya sa akin. Nag-umpisa na ulit kaming maglakad. “Six ng umaga ang call time namin, iyon kasi ang sabi nila Mia kaya maaga ako. Eh, ikaw, ʼga Zoe? Maaga na rin call time niyo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti at tumango siya sa akin. “Yes, six thirty ng morning ang oras ng call time namin. Pero, hindi ko na hihintayin si Penelope, matagal kumilos ang isang iyon. Sinabihan ko naman siya kahapon na maaga ako papasok.” sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at lumakad na ulit kami. “Sakay na lang tayo ng traysikel, Isla? Or, lakarin na lang natin?” Narinig kong tanong ni Zoe sa akin. “ʼga, wala pa akong make-up. Hindi talaga ako marunong, nag-try ako kanina pero nagmukha akong clown.” Napalabi kong sabi sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at napatingin siya sa akin. “Kaya ba maaga kang aalis, ha?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Oo, ʼga. Naglagay lang ako ng polbo sa mukha ko. Magpapa-help nga ako kay Mia or kay Sheena na magpa-make up. Ikaw ba, ʼga, marunong ka ba?” tanong ko sa kanya. Narinig ko an pagbuga ng kanyang hininga. “Hindi ako marunong sa mukha ng iba, Isla. Baka maging clown ka rin kapag ako ang gumawa. Magpatulong ka na lang kina Mia or Sheena, alam ko marunong sila. Mag-traysikel na lang tayo para mapadali ang dating natin doon.” saad niya. Kaya nang dumating kami sa kanto namin, naghintay kami na may dumaan na traysikel. Nang may dumaan ay nagpara na kami. “Kuya, sa Love Island Beach resort po!” sabi ni Zoe kay kuyang traysikel driver. Nakita naming tumango siya sa amin. Mabilis ang pagmamaneho ni Kuyang driver kaya nakarating na rin kami agad sa beach resort. Si Zoe na nga ang nagbayad para sa aming dalawa. Pumasok na kami sa loob ng beach resort, pagkapasok namin ay sobrang mailaw pa dahil na rin sa mga design na nandito. Lumakad na kami papunta sa locker room namin, sana nga lang nandoon na sina Mia and Sheena. Kailangan ko talaga mag-ayos para maging presentable ako sa harap ng mga turista. Tahimik sa hallway na nilalakaran namin ni Zoe, na papunta sa locker room naming mga empleyado. “Mukhang tayo pa lang yata ang nandito.” Mahinang sabi ko kay Zoe. Ume-echo pa nga nang mahina ang aking boses. “Mukha nga, ang night shift kasi ay hanggang three in the morning lamang ang duty.” sabi sa akin ni Zoe, kaya tumango ako. Lumiko na kami ni Zoe dahil na sa kanan ang aming girl's locker room at sa left side naman ay boy's locker room. Pagkarating namin sa tapat ng locker room ay may ilaw na agad doon. “May tao na yata sa loob, Zoe.” sabi ko sa kanya at tinuro ang mga ilaw na nakabukas. "Mukha nga,” Iyon lamang ang sinabi niya at binuksan na namin ang pinto. “Good morning, Isla and Zoe!” Bati sa amin ni Mia. Si Mia pala ang unang dumating. “Good morning din po, Mia! Ikaw pa lang po ang nandito?” tanong ko sa kanya. Lumakad ako na ako papunta sa locker ko. “May mga kasama na ako rito, Isla. Mga nasa lavatory lamang,” sabi sa akin ni Mia. Napatango ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita. “Ganoʼn po ba?” Iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. Binuksan ko ang aking locker at nilagay room ang bag na bitbit ko. “Mia, marunong ka po ba mag-make up?” Malakas na tanong ko sa kanya. May narinig akong yapak na palapit sa akin. “Bakit, Isla?” Nagulat ako nang nasa gilid ko na si Mia. “Nagulat po ako sayo, Mia. Hindi ako marunong maglagay ng make-up, nagmukha akong clown nang sumubok akong ayusan ang aking sarili.” Napanguso kong sabi sa kanya. “Tulungan kita, Isla? Pero, may allergy ka ba sa make-up?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “May organic make-up ako! Galing ito kay Penelope, pinahiram niya sa akin.” sabi ko sa kanya. Dali-dali kong nilabas ang make-up na pinahiram sa akin ni Penelope. “Heto, oh, Mia!” Pinakita ko sa kanya ang make-up na pinahiram ni Penelope. Tinignan niya ang make-up na binigay ko sa kanya. “Organic nga ang make-up na ito. Tara, Isla, upo ka roon para ma-make-up-an kita.” sabi niya. Ngumiti ako at sinarado ko muna ang aking locker. Umupo ako sa upuan na mahaba na mayro'n sa locker room namin. Nakita ko nga si Zoe na pinapanood kami. Ang gaan ng kamay ni Mia habang ginagalaw niya ang aking mukha. Mukhang makakatulog ako habang inaayusan niya ako. “Tapos na agad, Isla! Light make-up lang ang ginawa ko sayo. Binagay ko ang color ng make-up sa morena skin mo.” Ngiting sabi niya sa akin. Hinarap ni Zoe sa aking mukha ang salamin na maliit. “Bumagay nga sayo ang make-up, Isla.” Nakangiti ring sabi ni Zoe sa akin. “Ang ganda nga! Paano ka natutong magmake-up, Mia? Gusto ko rin matuto para ako na mismo ang gagawa sa mukha ko.” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa salamin na hawak ko. “Sa YouVid, Isla. May step by step na procedure lalo na sa mga newbie na katulad mo sa make-up. Doon pang din ako natuto.” saad niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa mukha ko na nasa salamin. Manonood ako sa YouVid para hindi ako na humingi ng tulong sa kanila at baka ma-in-love rin sa akin si Mister Ryde. Gagawin ko talaga ang aking mission ngayong araw. Second day of mission na pasayahin at pa-ibigin siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD