Chapter 3

1539 Words
PABALIK na ako sa Pure Hearts Cafe ng makita iyong lalaking nahuhuli sa paglalakas, iyong isa sa limang dumating na bisita na kaibigan ni Sir Miller. Grabe naman kung makapag-wish granted ang angel ko, kanina lamang ay hinihiling ko na makita ko siya then ngayon nakikita ko siyang naglalakad na malapit sa pangpang habang nakapamulsa siya sa suot niyang short. Naka-board short siya na kulay asul, white shirt at may suot siyang tinted na eyeglasses. Ang gwapo niyang tignan at the same time ang bango niya dahil sa suot niya ngayon. Para siyang model, iyon nga lang nakasimangot na model. Habang naglalakad ako pabalik sa cafe, hindi maalis ang tingin ko sa kanya para siyang magnet at hindi maalis tingin ko sa kanya. Gusto ko siyang lapitan pero may trabaho pa akong kailangan tapusin. Kaya imbis na titigan siya ay iniwas ko talaga ang aking tingin, ayokong matanggal sa trabaho ko ngayon. Nang makabalik ako sa cafe ay agad din akong nagserve ng mga order sa Cafe, dumadami na ulit ang mga customer namin, may bago kasi mga turista ang nagbakasyon dito except doon sa limang kaibigan ni Sir Miller. "Isla, last customer natin ngayong araw!" Kinuha ko kay Mia ang isang slice ng chocolate cake at nilapag sa table number one. Kanina pa siya rito nagbabasa ng magazine. Pagkatapos kong ihatid niyon pumunta na ako sa likuran ng Cafe para tanggalin ang apron na suot ko. Nandoon na rin kasi ang kapalitan namin. Papunta na ako sa locker room namin ng matanaw ko ulit ang lalaki kanina. Hindi ba siya umalis d'yan? Gusto kong malaman ang pangalan niya. Hindi ko alam pero pangalawang beses na ito na nagtagpo kami. Ano kaya pangalan niya? Basta ang alam ko lang ay kaibigan siya ni Sir Miller. Napatago ako sa puno ng niyog nang tumayo siya, sumilip ako at nakita ko siyang naglalakad na pabalik sa hotel. Umalis ako sa aking pagkakatago at nakita ko roon ang isang susi. Dinampot ko ito at tinignan kung anong susi niyon, doon ko nakita na susi ng hotel room niya ito! Tumakbo ako nang napakabilis upang mahabol siya. "Sir! Iyong susi niyo po nahulog!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo pa rin. "Sir! Sir na naka-board short na kulay blue!" Tawag ko ulit sa kanya at sa punto na iyon lumingon siya sa akin. Muntik pa ako masubsob sa kanyang katawan buti na lang na-balance ko ang aking sarili. "Sir, nahulog niyo susi ng room niyo." Pinakita ko sa kanya ang susi na hawak ko. Kinuha niya ito sa akin at tumalikod na. "Ay! Ang sungit niyo naman po, hindi man lang kayo nagpasalamat!" Sigaw ko sa kanya pero lumingon lang siya ulit sa akin at saka dumiretso papasok sa hotel. Sungit naman niya, akala mo ka-gwapuhan! Hindi maalis sa isipan ko ang lalaking kasama ni may-ari ng resort na ito. Akala mo ka-gwapuhan, akala mo ka-mukha ni Ian Veneracion kung maka-snob siya kanina. Wala pa nga siya sa talampakan nu'n. “Huy, anyare sa'yo? Ba't parang fiesta na ng patay n'yang mukha mo, Isla?” Napasimangot na tumingin ako kay Chloe. "Iyong isa sa mga kaibigan ni Sir Miller, nakita ko kanina sa may pampang. Pero, ang snobero naman. Hindi man lang niya ako pinasalamatan.” Nakita kong kuminang ang mga mata ni Chloe. “Siya lang ba nandoon?” pagtatanong niya sa akin na siyang kinangiwi ko. Die-hard fan talaga siya ni Sir Miller. Tumango ako sa kanya. “Oo, siya lang. Ang sungit nga hindi man lang ngumiti. Siguro pinaglihi niyon sa sama ng loob, ano? Gano'n ba talaga kapag mayayaman? Mahal ang ngiti nila?” pagtatakang tanong ko kay Chloe. “Ewan,” Kibit-balikat niya sa akin. “Gano'n siguro kapag gwapo at makalaglag panty, Isla.” May ngiting sabi niya sa akin na siyang lalong kinangiwi ko. “Oh, siya tara na Isla and Chloe. Mamaya na kayo mag-day-dream d'yan. Uuwi na tayo!” Rinig naming sabi ni Zoe sa amin kaya binuhat ko na ang aking bag. Palabas na kami sa resort nang matanaw ko na naman ang lalaking niyon. Mag-isa na naman siya sa may pampang. Ano bang mayro'n sa pampang? Ngayon lang ba siya nakakita ng dagat? Hays, Huwag nga natin siya isipin, Isla. Snobero naman niyan. Bumalik na ulit ako sa harapan ko at sumabay na ulit sa paglalakad. MAAGA akong pumasok sa Love Island Resort, mas nauna nga akong pumunta rito dahil tinawagan ako ni Mia. Maaga raw kaming magbubukas ngayon araw dahil dumadami raw ang mga tourist sa Love Island. Nakakapanibago dahil ako pa lang ang tao sa locker, wala pa rin sila Mia. Natatakot tuloy ako baka kasi may makita akong multo. Pinasok ko agad ang aking gamit sa locker. Tumingin ako sa mirror na mayro'n sa aking locker at inayos ang nagulo kong buhok, naglagay ako ng gel sa mga baby hair kong nakataas, hindi kasi kaaya-ayang tignan. Kinuha ko rin ang cologne na nabili ko sa tindahan sa tapat namin, naglagay lang ako sa aking kamay at pinahid na sa aking leeg and sa aking dibdib. Tama naman ang sinabi ni ‘ga Chloe kailangan ko rin maging presentable sa mga tourist dito sa beach resort. Nang makitang maayos na ako at okay na ang aking itsura saka ko na sinarado ang locker ko. “Good morning, Isla!” Napalingon ako sa pinto ng may bumati sa akin, nakita ko si Mia na kararating lang. “Good morning din, Mia!” bati ko sa kanya pabalik. “Sorry, ha? Ngayon lang ako dahil inasikaso ko pa ang mga kapatid kong nag-aaral. Pasensya na talaga, Isla, ha?” Hingi niya sa akin ng paumanin. “Wala iyon saka napaaga lang talaga ako.” sabi ko sa kanya. “Sabay na tayo pumunta sa Pure Hearts, Mia, hintayin na kita!” Nakangiti kong sabi sa kanya. “Dumadami ang mga tourist ngayon simula dumating ang mga kaibigan ni Sir Miller. Hindi ko rin naman masisisi ang mga babae kung hinahabol nila ang kaibigan ni Sir Miller, mga gwapo naman kasi.” Rinig kong sabi ni Mia habang nag-aasikaso siya ng kanyang sarili. Tumango ako sa kanya. Hipokrita naman ako kung hindi ko sasabihing gwapo silang magkakaibigan, iyon nga lang may snobero sa grupo nila. “Siguro sikat ang mga kaibigan ni Sir Miller sa Manila, ano, Mia?” pagtatanong ko sa kanya kasi kung ‘di naman sikat ang mga kaibigan ni Sir Miller hindi dadami ang mga babaeng tourista ngayon. Nakita kong nagkibit-balikat sa akin si Mia. “Siguro? Kaya dumadami mga tourist ngayon sa beach resort. Mas okay sa atin iyon dahil kikita tayo lalo dahil sa mga tips nila.” P'wede kasi kaming tumanggap ng tips galing sa customer, may nagbigay nga sa akin kahapon na 100 pesos, e. Dagdag kita rin para sa amin iyon. Narinig ko ang pagsarado ng locker ni Mia. “Tara na, Isla?” yaya niya sa akin at tumayo na rin ako para sumunod sa kanya. Habang palabas kami sa locker room namin, nakita namin si Sir Miller. “Good morning po, Sir Miller!” sabay pa naming sabi ni Mia. Tumango lang ito sa amin, mukhang pagod si Sir Miller. Ano kaya nangyari? “Mukhang pagod si boss, ha? Napansin mo iyong mga mata niya, ang lamya and iyong suot niyang polo ang gulo parang nakusot.” Napapikit ako sa sinabi ni Mia kaya nilingon ko ulit si Sir Miller, may gusto nga ang suot niyang polo. Nakalimutan ba niyang i-plantsa niyan? “Baka siguro nakalimutan niya lang plantsahin? O, design niyan?” Hindi ko rin kasi sure, e. Ayoko naman mag-overthink. “Baka. Tara na nga, Isla, tayo pa magbubukas ng Pure Hearts Cafe!” Hinila na ako ni Mia at lumakad kami nang mabilis. Maaga pa pero ang dami ng taong naglalakad sa pampang mukhang ang iba ay pinanood ang sunrise kaninang 5:45 ng umaga, iyon kasi ang sabi sa balita gano'ng oras daw ang bukang-liwayway ngayong araw. “Oo nga pala, Isla, maaga ang uwi natin ngayon, ha? Mga 4 ng hapon p'wede na tayo mag-out dahil maaga na tayong mag-o-open starting today.” Tumango ako sa sinabi niya sa akin. “Okay, Mia! Copy!” saad ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan sa Pure Hearts Cafe. Sumingkit ang mga mata ko ng may makitang naka-upo roon sa nakatumbang kahoy na malapit sa pampang. Teka? Iyon ‘yong snoberong kaibigan ni Sir Miller! Kahapon bago umuwi nakita ko siyang naka-upo rin d'yan then ngayong umaga nakita ko na naman siya. Ano bang mayro'n d'yan sa p'westo na iyan? Lagi ko na lang siyang nakikitang naka-upo malapit sa pampang. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan siya nang mabuti. Wala naman siyang ginagawa roon, nakayuko lang siya at mukhang malalim ang iniisip niya. May malalim na problema siguro ang kaibigan ni Sir Miller. Kawawa naman siya. Siguro na-busted iyan? O, baka naman hiniwalayan na ng jowa niya dahil sa kasungitan niyang taglay. Tama siguro ako, pinaglihi siya sa sama ng loob. “Isla!” Nataranta ako ng malakas na tawagin ni Mia ang pangalan ko. “Heto na, Mia!” Malakas ko rin sagot sa kanya at tumakbo na papunta sa Cafe namin. Munti ko ng makalimutan si Mia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD