NAPAILING na lamang ako sa tanong ko sa aking sarili. Huminga ako nang malalim, tinitigan ko pa siya at saka ako lumakad papunta sa kanilang pwesto. Bahala na kung magalit siya sa akin, basta matulungan lamang siya. Pakiramdam ko kasi ay ilang talaga siya sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. “Um, Mister Ryde!” Malakas na tawag ko sa kanya pangalan. Napatingin siya sa akin at maging ang dalawang babae na nasa harap niya. Nagtataka siguro siya baʼt ko siya tinawag. “Ah, p-pinapatawag po kayo ni Sir Miller...” Iyon lamang ang naisip kong dahilan. Napatingin ang tingin ko sa dalawang babae. “Pasensya na po kung naistorbo ko kayo.” Mahinang sabi ko sa kanila. Pero, ganoʼn na lamang ang pagkabog ng aking dibdib nang makita ang pagtaas ng kilay ng isang babae sa akin. Mukhang nagalit dahil na