BAGSAK ang aking balikat na bumalik ako sa counter. Sana man lang mabasa niya iyong sticky note na nilagay ko sa cup niya. Maganda pa naman iyong pick-up lines na sinulat ko ngayon. “Ano? Ngumiti ba ulit si Sir Ryde sa nilagay mo, Isla?” tanong agad ni Mia sa akin. Malungkot na tumingin ako sa kanya, at saka ako umiling. “Hindi niya napansin,” Malungkot na sabi ko. “Basta na lamang niya kinuha iyong cappuccino niya then nauna na umalis. Sa kanya kasi iyong hiniwalay ko sa lalagyan.” sabi ko kay Mia. Ngumiti sa akin si Mia. “Malay mo mapansin naman niya mamaya, kaya think positive lamang, Isla. By the way, ano ba iyong sinulat mong pick-up lines?” Usisa niyang tanong sa akin. Napakamot ako sa aking buhok. “Um, ano...” Napayuko ako baka kasi hindi maganda para kay Mia itong nilagay ko.