Chapter 2

1750 Words
“Welcome to Pure Hearts, Sir and Ma'am!" Bati ko sa dalawang taong pumasok sa Cafe. Konti pa lang naman ang mga tao rito kaya hindi kami nagmamadali sa pag-aasikaso. Akala ko nga nandito rin iyong tatlong kaibigan ko pero hindi ko pala sila kasama. Si Chloe naroon sa mismong hotel, doon siya nilagak ni Manager, isa siya roon sa mga taga-serve ng mga pagkain ng mga VIP. Sina Zoe and Penelope naman magkasama sa may Fine Dinning Restaurant dito sa resort. "Isla, pahatid naman sa table #3!" Mabilis akong lumakad papuntang counter ng tawagin ako ni Mia, ang cashier dito sa Pure Hearts Cafe. "Okay, Mia!" Binitbit ko ang tray papunta sa table number 3, dalawang lalaki ang nakaupo roon malapit sa bintana ng cafe. "Here's your order, sir!" Masayang bati ko sa kanila at nilapag sa table ang dalawang kape at isang choco mousse cake. "Enjoy po! Have a nice day!" Paalam ko sa kanila. Pagsapit ng alas-onse ng tanghali, naging sunod-sunod ang pagpasok ng mga customer sa amin kaya naging busy kaming tatlong waiter na nandito. "Sir, here's your carbonara po!" Lapag ko sa table number five at hinanap naman ang table number seven para ibigay ang pesto na order niya. Nararamdaman ko na ang pangangalay ng mga paa ko dahil kanina pa ako nakatayo 'di kasi kami p'wede umupo kahit wala naman gaanong tao kanina. "Pesto pasta?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa table number seven, nang tumango ito saka ko nilapag ang order niya. Pabalik na sana ako sa cashier ng may kumalabit sa akin, "lunch niyo na, Isla, kami na muna rito." Napalingon ako sa aking likod at nakita ko roon ang kapalitan namin. Tumango ako sa kanya at siyang kuha naman niya sa tray na hawak ko. "Salamat, ha? Sige, kain muna kami, ga?" Umalis na ako sa Pure Hearts Cafe at pumasok sa likuran para tanggalin ang suot naming apron, sinabit ko ito sa pangalan ko at lumabas na ng Cafe. Naiwan ko kasi ang baon kong kanin sa locker room namin. Sana hinintay ako nila Zoe kumain. Nagugutom na rin ako. Pagkarating ko sa locker room, kinuha ko agad ang aking bag at pumunta sa canteen, natanaw ko roon si Penelope na pinapaikot-ikot na naman ang brush na hawak niya sa buong mukha niya. Huwag mong sabihing dala-dala niya iyan habang nagseserve sila? "Hi, late ako, ga! Hindi ko namalayan ang oras. Ang daming tao ngayon sa Cafe." Sabay kamot sa aking buhok. "Gaga ka talaga, kapag nakita mong 12 noon na d'yan sa orasan mo, umalis ka na. Hindi ka si wonderwoman. Tandaan mo niyan, okay? Tara, kain na tayo!" Nasermunan tuloy ako ni Chloe. Sanay naman na ako sa pananalita niya ganyan lang talaga si Chloe pero mahal kami niyan. "Maayos ka lang ba sa work mo, Isla?" Napatigil ang pagsubo ko ng magtanong si Zoe sa akin. "Oo, ayos lang, ga. Mababait naman ang mga kasama kong waiter doon pati ang mga cashier. Iyon nga lang nagulat ako kanina dumagsa ang mga customer nu'ng malapit na ang tanghalian. Nawindang ako!" Balita ko sa kanila at sabay tawa ko. "Ganyan lang talaga sa umpisa, Isla! Pero, keri mo niyan! Ikaw pa ba?" Pagpapalakas loob sa akin ni Penelope habang nakaturo sa akin ang brush niya. "Puro sila nag-e-english buti na lang undergraduate tayo sa college kaya nakapagsabayan ako sa kanila." Masayang balita ko sa kanila. "Gaga, mild pa lang iyon sa Cafe niyo. Ikaw ang magsilbi sa VIP, dudugo ang ilong mo! Nakakaloka kanina, ang lalalim ng mga english nila at ang gwapo ng accent!" Kinikilig na balita sa amin ni Chloe. Pati tuloy kami kinilig sa sinabi ni Chloe. Natapos ang lunch namin na puro k'wentuhan ang nangyari. Bumalik na ulit ako sa Cafe kung sa'n ako naka-assign, konti na lang ulit ang pumupuntang customer. Siguro busog na ang lahat ng turista kaya nandoon na naman sila sa dagat o sa ibang activities na mayro'n ang resort. Nagpapasalamat kami kay Sir Miller na dito niya naisipang magpatayo ng resort dahil dagdag kabuhayan din ito para sa aming mga nasa Love Island lalo na rin sa mga mangingisda na ang nahuhuli nilang isda ay dito na nila hinahango, binibili ni Sir Miller ang mga isda sa mas mahal na presyo dahil sariwa ang mga ito at nakatulong na rin siya sa mga mangingisda. "Isla, Jerome and Ingrid, inom muna kayo. Wala pa naman customer." Tawag sa amin ni Mia kaya kumuha kami ng tig-iisang cold chocolate drink. Swerte ko rin na sinama ako sa mababait na katrabaho. Dumating ang alas-singko ng hapon, tapos na ang duty ko ngayon. Nagpaalam na kami kay Mia, hihintayin pa kasi ni Mia ang kapalitan niya. May panggabi rin kasing pasok dito sa resort, hindi p'wedeng magsarado ang mga stall dito lalo na't dumadami na ang turista dahil malapit na mag-summer. "Kumusta ang first day mo, Isla?" Humikab ako sa tanong ni Zoe. Inaantok na agad ako. "Ayos lang naman, 'ga. Pero, nakakangalay sa binti dahil sa maghapon na nakatayo." Sabi ko sa kanya at sinukbit ko ang aking kanang kamay sa kaliwang braso niya. "Gano'n talaga, Isla pero masasanay ka rin." Pi-nat niya ang aking ulo. Nakasunod lang kami ni Zoe kina Chloe at Penelope na nangunguna sa amin sa paglalakad. Naglalakad lang kami kasi malapit lang naman ang bahay namin sa resort saka sayang ang pamasahe. "Good night, guys!" Paalam ko sa kanila ng makarating kami sa tapat ng bahay namin. "Good night, btch! Tulog ka na agad maaga!" Tumango ako sa sinabi ni Penelope at pumasok na sa loob ng bahay namin. Isang bungalow ang bahay namin pero hindi natapos dahil namatay si Tatay, hindi nga naipalatada man lang, wala ring kulay dahil kapos na kapos kami. Sapat lang ang kinikita ni Nanay sa pagtitinda ng mga gulay para sa baon ng tatlo kong kapatid. Kaya sisikapin ko talagang mabuti ang pagtatrabaho ko para makapag-ipon at makabalik ulit ako sa pag-aaral ko. Gusto kong tapusin ang kinuha kong kurso na Hotel and Restaurants Management, kasi balang araw makakapagpatayo rito ako ng sarili kong business at aahon din kami sa hirap. KINABUKASAN, maaga akong nagising at minake-up-an ulit ako ni Chloe dahil hindi raw p'wede humarap sa maraming tao kapag 'di maganda ayon ang sabi niya sa akin. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. "Isla, table number 3 and table number 8!" Masigla sabi ni Mia sa akin at kinuha ko ang tray kung saan nakalagay ang mga order na iseserve ko. "Coming up, Mia!" Una kong pinuntahan ang table number 3, mas malapit kasi ito sa p'westo ng cashier kaya binigay ko agad ang order niyang Hawaiian pizza. "Enjoy the food, Ma'am!" Sunod na pinuntahan ko ay ang table number 8 na nasa sulok, hinatid ko sa kanya ang order niyang macchiato, "here's your hot macchiato, Sir! Enjoy po kayo!" Tumango siya sa akin at bumalik sa binabasa niyang newspaper. May kinuha ulit akong order ng may marinig kaming sigawan galing sa labas. Napasilip kami sa bintana at tinitignan kung sino iyong tinitilian nila. Maging si Mia ay sumilip din sa tabi ko. "Sino iyong mga dumating?" Tanaw namin dito ang isang yate na malapit sa pangpang. "Hindi ko rin makita, Isla. Nahaharangan ng mga tao." Pilit namin makaaninag sa labas pero ang dami ng tao sa paligid. Lumingon ako sa likuran ko, wala na kaming customer mukhang nagsilabasan sila dahil sa narinig nilang sigawan at tilian. May artista kayang dumating? Hindi na ako makapakali kaya lumabas ako ng Cafe, naggayahan naman ang ibang kasama namin sa loob. Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao, pagkasiksik ko nakita ko roon sina Penelope at Zoe na tinitignan din kung sino lalabas sa yate. "Ga? Artista ba ang nandyan?" Pagtatanong ko sa kanila habang humahaba ang aking leeg kakatingin sa yate. "Btch! Aatakihin ako sa puso sa'yo, hindi ka man lang nagsabi nasa gilid kita!" Napangiwi ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang hindi hawak ang kanyang brush. "Sino ba nandyan? Artista?" Pagtatanong ko ulit sa kanilang dalawa. Atat na akong malaman. "Hindi namin alam, btch! Pero, nakarinig kami ng bulungan kanina sa restaurant, darating daw ang mga kaibigan ni Sir Miller. Baka ito na ang mga iyon." Nakatunghod kami rito habang hinihintay ang mga taong nasa yate. Ang tagal naman bumaba. Ang init kaya, sikat na sikat iyong araw ngayon. Lahat ng mga turistang nandito sa resort napatigil din sa mga ginagawa nila. Kung ikaw ba naman ang makakita ng yate na nakaparada ngayon dito, diba? Syempre makikiusoso ka na rin. "Ayan na, btches may lumalabas na!" Kinikilig na pahayag ni Penelope habang pinapalo kami ni Zoe sa braso. Ganito siya kapag kinikilig. Sadista. May limang lalaki ang bumaba roon sa yate. Napanganga ako dahil sa gwapong taglay nila. Kumaway sila sa amin na siyang kinatili ng ibang kababaihan at maging si Penelope. Nakarating sila sa pangpang habang masayang nag-uusap ang apat, mukhang may masaya silang pinag-uusapan. Napansin ko ang gawi sa dulo nila, isang lalaki na seryoso ang mukha at nakapamulsang naglalakad sa likod ng apat. Wala itong kangiti-ngiti sa kanyang labi kahit malayo ako sa kanya tanaw ko rito ang malakas niyang karisma. Napakurap at napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa gawin namin. Nakita ba niya akong nakatitig sa kanya? Hindi naman siguro dahil ang dami namin dito ngayon. "Ang gagwapo, btch! Lalo na iyong may balbas." Kinikilig na tsismis niya kay Chloe na hindi pala nakalabas kanina dahil busy sila sa mga VIP. "Siguro kung luluhod niyon sayo, balbas pa lang lalabasan ka na!" Napaiwas at napailing na lang ako kay Penelope. Sa ganitong usap match na match sila ni Chloe. "Pero, gaga, alam mo namang loyal ako kay Sir Miller. Sa kanya lang ako luluhod at mag-lo-lollipop!" Sagot naman ni Chloe at nag-apiran pa silang dalawa. "Bibig niyo nga, kumakain kami rito!" Saway sa kanila ni Zoe na siyang pinakamabait sa aming apat. "Gaga, kung ibubuka mo man niyan Zoe doon na dapat sa lalaking kaya kang buhayin!" Napairap na lang si Zoe sa sinabi ni Chloe. Baka mag-away na naman sila dahil d'yan. Natapos ang lunch break namin na ang topic nina Chloe and Penelope ay ang mga bagong dating na kaibigan ni Sir Miller. Nakinig lang ako sa kanilang usapan maging si Zoe ay gano'n din ang ginawa. Dahil hindi mawala sa isipan ko ang lalaking huling naglalakad kanina, talaga ba sa akin siya tumingin? O, nagkataon lang na napatingin sa gawi namin? Hay, hindi ko alam pero gusto ko ulit siyang makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD