NAPATINGIN ako sa orasan, nakita kong malapit na mag-tanghali at dama kong papunta na si Mister Ryde rito sa amin. Kaya hawak-hawak ko na ang phone ko para incase na tumawag siya ay masagot ko agad. Hindi na ako mapakali rito at maging si Mama ay todo ayos sa lamesa namin, luto na kasi ang lahat ng pagkain na niluluto niya kanina. Mayro'n kaming biko, lumpiang shanghai, spaghetti at menudo, siyempre kanin din. Nanlaki ang aking mga mata nang umilaw ang aking phone. “Si Mister Ryde!” Malakas na sabi ko, kaya maging sila Mama ay napatingin sa akin. Sinagot ko agad ang tawag. “N-nasaan ka na, Mister Ryde?” tanong ko sa kanya. “We're here, baby. Kasama ko si Rayder. Nag-traysikel lang kami papunta rito. And, we don't know kung saan ang bahay niyo.” sabi niya sa kabilang linya. Kaya dali-