KINABUKASAN, sinabi ko na nga kina Kuya Jerome and Manager John ang about sa pagre-resign ko, binigay ko na rin ang copy ng resignation letter ko kay Manager John, kay kuya Jerome at sa HR department. Iyon din kasi ang sabi ni Mister Ryde sa akin. Tinanggap naman nila pero hindi pa ako pwedeng umalis sa Cafe dahil need ko pang hintayin ang magiging ka palitan ko. Nagpahanap naman na agad sila sa akin, at hindi rin naman daw iyon tatagal ng one week. “Iiwan mo na kami rito, Isla! Pero, mamimiss ka namin! Balitaan mo pa rin kami kapag nasa Manila ka na, ha?” sabi ni Mia sa akin at tumango ako. “Oo naman! Babalik din naman ako rito lalo na kapag Christmas break.” sabi ko sa kanila at ngumiti. “Sa ngayon, may ilang araw pa ako para nandito sa Cafe kaya huwag muna kayong malungkot!” Ngiti
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books