Pagdating nila sa kotse ay nilagyan ng seatbelt ni Francis si Sam, tawa-tawa pa rin si Sam, nagkagulo na ang tatlo kanina pero wala siya sa kaniyang sarili dahil sa sobrang kalasingan. “Sam huwag mong tanggalin ang seatbelt, umayos ka n please.” “Francis gusto ko pang uminom eh bigyan mo ako ng alak sige na please.” Wika ni Sam, pinaandar na ni Francis ang sasakyan pero si Sam ay sobrang likot tinatanggal niya ang kaniyang seatbelt. “Sam, tumigil ka na please!” kanina pa ako naiinis sa ‘yo alam mo ba ‘yon? Sam, naman eh! bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? bakit ka pumasok sa condo ni Aaron?! babae ka Sam! bakit mo binaba ang sarili mo? hindi ka na ba nagkaroon ng hiya sa akin?! paano kung hindi ako dumating ? ang suwerte naman ni Aaron kung siya ang makakuha sa p********e mo!