“Manang luto na ba ang soup ni Maxine? akin na yaya at dalhan ko siya sa kuwarto niya mainit pa ang ulo niya kaya ayaw sumabay sa amin ni Coleen.” Wika ni Francis, naglagay siya ng hotdog, tocino at fried rice sa pinggan. At binigyan siya ni manang ng chicken soup na nakalagay sa boul. “Sabihin mo Francis ubusin niya ‘yan para magkalaman ang kaniyang tiyan. Alam mo naman na lapitin sa sakit ang best friend mo sa sununod huwag mo nang painumin g alak si Sam alam mo naman na meron ulcer ang kaibigan mo. Wala ang mommy mo kabilin bilinan niya na alagaan mo si Sam alam mo naman kung gaano niya kamahal ang ‘yan. Mas mahal pa niya kesa sa ‘yo.” Nakangiting turan ni manang. “Francis okay ka lang ba? bakit kailangan mo siyang dakhan ng pagkain sa kuwato niya utusan ka ba niya? t’saka hindi t