“Aalis ako ngayon pero babalik ako para sa kasal namin ni Francis!” Galit na singhal ni Coleen. Paglabas ni Coleen agad hinaplos ni Francis ang ulo ni Sam, alam niya na nasaktan ang kaniyang mahal sa pagsabunot ni Coleen sa buhok niya. “Sam, okay ka lang ba? masakit ba ang ulo mo? pasensiya ka na Sam, ako ang dahilan kung bakit nasasaktan ka.” Malungkot na wika ni Francis, habang nakayakap siya kay Sam. “Francis, wala kang kasalanan huwag mong isipin ‘yan, Sadiyang baliw lang talaga ang babaeng ‘yon parang wala na sa katinuan.” Seryosong wika ni Sam. “Mahal na mahal kita Sam, sana hindi mo ako iiwan dahil lang kay Coleen hindi ko siya hayaang sirain ang pagmamahalan natin, huwag tayong magpaapekto sa mga pananakot niya Sam, huwag mo akong iwanan okay?” Wika ni Francis habang hinaha