Napabayaan na ni Francis ang kanilang company. Kaya ang mommy niya ang umupo muna sa opisina habang busy si Francis sa paghahanap kay Sam, Lumipas ang mga mga araw nagulat si Francis dahil biglang sumulpot si Coleen sa kanilang bahay. Tumayo si Francis at sinalobong niya, at may dalang malaking bag si Coleen. "Coleen ano'ng ginagawa mo rito? singhal na tanong ni Francis. "Hello Francis I'm home. . . hindi ka ba natutuwa na magkasama na tayong dalawa sa isang bahay?" Saad ni Coleen habang abot tenga ang ngiti niya. "Ano? at sinong nagsabi sa 'yo na puwede kang tumira dito? ganiyan na ba ka walang hiya Coleen?" tanong ni Francis kay Coleen. "Francis ganiyan ba ang ugali mo? ikaw ang daddy ng baby ko, buntis ako Francis dapat lang na dito kami ng anak ko tumira kasama ka." Saad ni C