Habang nanunuod sila ng TV sa sala, nagpaalam si Francis kay Sam na may date sila ni Coleen.
"Sam, aalis ako mamaya, huh. Magkikita kami ni Coleen. First date ko ito kaya pagbigyan mo na ako, please." Hinawakan ni Francis ang ilong ni Sam at ginulo niya ang buhok nito.
"Wow, ang bilis naman ninyo! Seryoso ka, Francis?" tanong ni Sam.
"Oo naman, Sam. Seryoso ako. Gusto kong masubukan kung ano ang feeling na may girlfriend," sagot nito.
"So, ganoon lang? Gusto mong i-try? Okay, sige magbaon ka ng condom at baka magka-HIV ka!" singhal ni Sam.
"Sam, grabe ka naman. HIV agad? Ang sama mo talaga sa akin. Virgin pa ako alam mo 'yan," sagot nito habang hinawakan niya ang balikat ni Sam.
"Francis sa hitsura ni Coleen, akala mo ba papayag 'yon na kumain lang kayo sa labas? Hitsura niya manyakis!” singhal ni Sam.
"Umalis ka na. Magpakasaya kayo! Goodluck sa first date ninyo! Enjoy!” Tumayo si Sam at umakyat sa kanyang kuwarto at binagsak niya ang pinto niya.
Tumayo si Francis at pumunta sa kuwarto ni Sam, pero naka-lock na ito. Hindi naman ugali ni Sam ang mag-lock ng kuwarto. Ngayon niya lang ito ginawa.
“Sam. Sam, bakit ka nag-lock ka ng door? Galit ka ba?" tawag niya kay Sam.
"Hindi ako galit matutulog lang ako nang maaga. Umalis ka na nga!" sigaw ni Sam.
Napakamot si Francis sa kanyang ulo. Bumaba siya sa sala at kinuha niya ang duplicate key sa kuwarto ni Sam. Binuksan niya ang kuwarto nito, nagulat si Sam dahil nakapasok si Francis. May mga luha pa ang kanyang mga mata. Tumalikod siya at papasok sana siya sa banyo pero nahawakan ni Francis ang braso niya.
"Bakit ka ba pumasok dito, Francis? Akala ko ba aalis ka na?" tanong ni Sam habang nakatalikod kay Francis.
"Sam humarap ka sa akin. Sige na," hinawakan ni Francis ang buhok ni Sam pero tinulak siya nito. "Sam, ano ba? Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak para alam ko. Sige na. Mag-bestfriend tayo, Sam, dapat wala kang lihim sa akin, 'di ba?" malungkot nitong sabi.
Umupo si Sam sa sahig at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya. Umupo si Francis at niyakap niya si Sam. Alam niya kapag ganito ang gagawin ni Sam ay kailangan nito ng comfort. Siya lang naman ang nakakaintindi sa ugali ni Sam, dahil mula pagkabata sa kanya lang ito naniniwala. Umiikot ang mundo ni Sam kay Francis, kahit mga parents nito ay hindi siya kayang amuhin. Kay Francis lang siya masaya, mula nang namulat siya ay si Francis lang ang naging kaibigan niya. Wala siyang ibang kasama sa school kung hindi si Francis lang talaga. Hanggang sa nakatapos sila ng kolehiyo, hindi nagkaroon ng girlfriend sa Francis dahil alam niyang masasaktan si Sam. Dahil ang gusto ni Sam sila lang dalawa ang mag-bestfriend forever, kasi kung magkaroon sila ng girlfriend/boyfriend baka ito pa ang dahilan sa pagkawala ng friendship nila. Hindi naranasan ni Sam na magkaroon ng manliligaw dahil natatakot sila kay Francis at iniisip ng ibang lalaki na magsyota si Francis at Sam.
"Sam, I'm sorry kung nasaktan kita. Alam ko ayaw mong magkaroon ako ng girlfriend dahil 'yan ang usapan natin na tayo lang dalawa. Pero Sam, mag-bestfriend lang tayo, kailangan ko ng babaeng aasawahin ko at bibigyan ako ng anak. Sam, ikaw din kailangan mo rin 'yan. Paano tayo pagtanda? Walang magaalaga sa atin?" umangat ang ulo ni Sam, at tinititigan niya si Francis.
"I'm sorry, Francis. Hindi kasi ako sanay na mayroon kang ka-date. Pero promise, hindi na mauulit. Behave na ako. Basta ayaw kong saktan ka nya, huh? Kalmutin ko siya kapag paiyakin ka niya," saad niya habang humagulgol sa pag-iyak sa dibdib ni Francis.
"Tahan na. Ito oh, parang baby. Ang tanda mo na, Sam. 25-years-old na tayo. Tapos ganyan ka pa rin," saad ni Francis habang yakap-yakap niya si Sam.
"Francis nagsasawa ka na ba sa akin? Ayaw mo na ba sa ugali ko? Ikaw lang naman ang nag-aalaga sa akin mula noong 5 years old ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit darating tayo sa point na magkakaroon tayo ng taong mamahalin at aasawahin. Mula ngayon, Francis, hindi na kita pagbabawalan pa. Ang totoong kaibigan masaya siya kung masaya ang kaibigan niya. At pilitin kong maging masaya para sa 'yo. Umalis ka na, Francis. Promise okay lang ako."
"Sam, magkaroon ka rin ng lalaking mamahalin mo, huh. Maghintay ka lang pero sa ngayon, ako muna ang mauna, okay? Aalis na ako, Sam. Baka nabagot na si Coleen sa kahihintay sa akin." Umalis na si Francis para sunduin si Coleen ngunit bago siya umalis ay hinimas niya muna ang buhok ni Sam at hinalikan niya ito sa noo. Pag-alis ni Francis mas humagulhol ng iyak si Sam at pumasok ito sa banyo para hindi marinig ng Tita niya.
"Hi, Coleen. I'm sorry, medyo late ako," Saad ni Francis.
"Hello, Francis. Its okay at least dumating ka. Halika na."
"Coleen, saan tayo pupunta?" tanong ni Francis.
"Shhhh. Ako ang Bahala sa 'yo, Francis. Sa lugar na magustuhan nating pareho. Gamitin natin ang sasakyan mo, Francis. Ako ang mag-drive," nakangiti nitong sabi.
"Okay, Coleen. No problem," tugon ni Francis.
"Francis, just relax. Pinagpawisan ka yata?" Habang nagmamaneho si Coleen ay hinila niya ang mini-skirt niya pataas.
Nag-iinit ang katawan ni Francis. Nakita niya ang maputi nitong mga hita kaya nang dumating na sila sa lugar na sinasabi ni Coleen ay sumakay sila ng elevator at hindi pa nga bumubukas ang elevator ay hinubad na ni Coleen ang kanyang damit.
Lumaki ang mga mata ni Francis sa ginawa ni Coleen. Pagdating nila sa condo ni Coleen, pagkabukas ng pinto ay agad siyang hinatak ng dalaga at hinalikan siya sa labi. Habang naghalikan sila ay hinuhubaran ni Coleen ng damit si Francis. Mapangahas ang mga halik ni Coleen, ang mga dila niya ay labas-pasok sa bibig ni Francis. Itinulak niya si Francis sa kanyang kama at hinalikan niya ang leeg nito gamit ang kanyang mapangahas ni dila. Nag-aapoy ang katawan ni Francis dahil sarap na sarap siya sa ginawa ni Coleen. Bumaba ang dila ni Coleen sa kanyang tiyan, kaya mas lalong nakakaramdam ng sarap si Francis. Sinipsip ni Coleen ang tiyan niya at dinidilaan ito.
Parang sumasayaw si Francis sa sobrang sarap. Hinubad ni Coleen ang pants ni Francis at brief, lumantad ang malaking p*********i ni Francis. Hindi nya napigilan ang kanyang ungol nang biglang isubo ni Coleen ang kanyang ari.
"Ahhh,” ungol niya. “s**t! Ahhh," sarap na sarap siya sa bawat pagkain ni Coleen sa ari niya.
"Francis, ilabas mo ang ungol mo, please." Nahihiya pa si Francis dahil first time niyang makatikim ng langit kaya pinipigilan niya ang kanyang ang mga ungol niya.
"Coleen, first time ko 'to. Virgin pa ako," saad nito. Sunod-sunod na pag-ungol ang pinakawalan ni Francis. Sinisipsip ni Coleen ang kanyang ari at pinaglaru-laruan niya sa kanyang dila.
"Francis, ang swerte ko pala sa 'yo kasi virgin ka pa."
"Yes, Coleen. Ang sarap ng ginawa mo sa akin. Ahhhh," ungol ni Francis.
Binilisan ni Coleen ang pagkain ng kanyang ari. Tigas na tigas na si Francis at nararamdaman niya na gusto na niyang ipasok sa ari ni Coleen ang kanyang ari. Hinubad ni Coleen ang kanyang underwear at pumatong siya kay Francis.
"Coleen, Ahh. Coleen ang sarap mo. Ahhh."
"Francis, masarap ba ako? Francis masarap ba ako?" bulong niya sa tenga ni Francis.
"Coleen, yes. Oh, ahhh. Ang sarap mo. Ang galing mong gumiling. Mas lalo akong nalilibugan sa ‘yo."
"Francis, umungol ka. Gusto kong umungol ka.” Hinawakan ni Coleen ang mga kamay ni Francis at inilagay niya sa kanyang maumbok na dibdib.
"Ganyan, Francis, hawakan mo. Lamasin mo para mas lalo kang masarapan," saad ni Coleen habang nakapatong siya kay Francis.
"Francis, ahh. Ganyan nga, s**t! Ang sarap, ahhh," ungol ni Coleen.
"Coleen, ahhh. Coleen, ahhh. I'm cumming."
"Francis, sabay tayo. Ahhh," ungol nito kaya binilisan pa lalo ni Coleen ang kanyang paggiling. Sarap na sarap naman sina Coleen at Francis.
"Francis, ahhh,” ungol nito. Naramdaman ni Francis na lalabasan na siya kaya hinila niya ang kanyang ari.
"Ahhh, Coleen. Ahhh, s**t! Ang sarap mo, Coleen. s**t!" Sabay nilang naabot ang ulap sa sobrang sarap.
Samantalang hindi makatulog si Sam dahil iniisip niya kung ano ang ginagawa nina Francis at Coleen sa mga oras na 'to. Ala-una na nang madaling araw ay wala pa rin si Francis. Hindi pa ito nakauwi.
Hindi siya makatulog kaya nakaupo lang siya sa kanyang kama at hinihintay niya ang pagdating ni Francis. Nakaramdam na siya ng kirot sa kanyang dibdib dahil naramdaman niya na may nangyayari kina Coleen at Francis. Pinilit niyang makatulog kasi may work pa siya kinabukasan.
“I hate you, Francis. I hate you,” bulong niya. “Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang naramdaman ko ngayon. Sobrang sakit, Francis. Ang sakit-sakit.” Hinayaan ni Sam ang kanyang mga luha na tumulo. Kailangan niyang iiyak na lang ang sakit na nararamdaman niya. Wala siyang kaibigan na mapagsasabihan ng sakit na kanyang naramdaman. Si Francis lang ang nag-iisang tao na kanyang karamay sa tuwing nasasaktan siya. Si Francis ang yayakap sa kanya sa tuwing may tampo siya. Pero ngayon si Francis ang nanakit sa kanya. Sino ang mag-comfort sa kanya?
Nagising si Sam sa lakas ng tunog ng kanyang alarm clock kaya bumangon siya at naligo. Medyo inaantok pa siya kasi late na siyang natulog kagabi.
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya agad at naglagay ng make-up sa mukha niya. Paglabas niya sa kanyang kuwarto ay wala pa rin si Francis. Hindi pa bukas ang pinto nito. Sinubukan niya itong itulak kung mayroon bang tao sa loob pero walang tao. Wala pa rin si Francis. Hindi umuuwi si Francis. Bumaba siya sa sala at nakita niya ang tita niya na naghanda ng breakfast. Nilapitan niya ito at tinanong kung nakauwi ba si Francis.
"Tita Mariam, goodmorning po. Hindi po ba nakauwi si Francis kagabi?" tanong nito.
"Sam, hindi ko alam. Maaga rin kasi akong natulog kagabi," sagot nito.
"Umalis kasi siya, Tita. May date daw sila ni Coleen. Wait lang, Tita. Tawagan ko lang po saglit."
"Okay, iha. Huwag kang mag alala kay Francis, malaki na 'yon. Hayaan mo na lang siya na mag enjoy habang bata pa. Ikaw din kailangan mo na rin magka-boyfriend para may mag-alaga sa 'yo," saad ng tita niya.
"Tita, mag-breakfast ka na gutom lang 'yan. Wala po akong panahon sa ganyan. Alam mo na 'yan, Tita.”
Nakailang tawag na si Sam Kay Francis pero hindi sinagot ni Francis ang kanyang cellphone.
"Tita, uuwi muna ako sa bahay naming. Kukunin ko ang isang kotse. Hindi pa kasi umuwi si Francis."
"Gamitin mo muna ang kotse ko, iha. Wala naman akong lakad ngayon."
"No, Tita. Thank you. Kailangan ko ng kotse. May girlfriend na si Francis tulad ngayon hindi siya umuwi. Sige, Tita. Aalis na ako. Bye, Tita."
"Sam, mag-breakfast ka muna, uy. Sam, bumalik ka muna rito." Hindi na pinakinggan ni Sam ang kanyang Tita. Pumara siya ng taxi at pumunta siya sa bahay nila. Para kunin niya ang kanyang kotse. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha. Masakit pa rin ang kanyang dibdib. Namamaga na rin ang mga mata niya sa kaiiyak. Pagdating niya sa bahay ay kinuha niya agad ang kotse niya at nagmadali siyang bumalik sa opisina.
Pagbukas niya sa pinto ng kanilang office ay nabigla siya nang makita niya si Francis at Coleen.
"Hi, Sam. Good morning," bati ni Coleen.
"Hello, Coleen. Good morning," saad ni Sam na parang walang nangyari.
"Sam, I'm sorry. Umaga ko na ibinalik ang bestfriend mo," saad ni Coleen habang abot-tenga ang ngiti nito.
Hindi umimik si Sam at hindi niya tiningnan si Francis. Umupo siya sa table niya at nag-umpisa na siyang magtrabaho.
"Sam, dito na ako naligo at nagbihis sa office. May mga damit naman ako rito. Hindi na ako umuwi kasi late na ako gumising. Hinatid na rin ako ni Coleen," paliwanag ni Francis. Patuloy lang sa kanyang ginagawa si Sam.
"Paano kasi, Sam, ang bestfriend mo makulit. Grabe, hindi niya ako tinigilan hanggang madaling araw," saad ni Coleen habang tumatawa. Parang sumabog ang dibdib ni Sam sa naririnig niya at kunting-kunti na lang tutulo na ang mga luha niya.
"Miss Coleen, excuse me. Aakyat muna ako sa taas, may kailangan ako sa secretary ko. Maiwan ko muna kayo."
"Sam, 'di mo na kailangan umakyat, may intercom tayo. Tawagan mo na lang," utos ni Francis.
"It's okay, Francis. Personal po at hindi mo dapat marinig," sagot ni Sam. Paglabas ni Sam sa opisina nila ay dumiretso siya sa comfort room at doon niya malayang pinakawalan ang kanyang mga luha.
Hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi umiyak. Nasasaktan siya sa kanyang narinig. Hindi niya napaghandaan ang lahat. Nabigla siya at nasasaktan. Hindi muna siya lumabas sa comfort room dahil kinalma niya muna ang kanyang sarili. Walang nag-comfort sa kanya dahil nasa iba na ang nag-iisang lalaking yayakap sa kanya sa tuwing nasasaktan siya at kapag malungkot siya. Pag-aari na ng iba ang lalaking pinakamamahal niya.
Pagbabalik ni Sam sa office ay wala na si Coleen. Dumiretso siya sa kanyang table at hindi niya pinapansin si Francis.
"Sam, are you okay? Umiiyak ka ba?" tanong ni Francis.
"Huh, hindi ah. At bakit naman ako iiyak, anong dahilan?” tanong nito.
"Galit ka ba sa akin, Sam? Dahil hindi ako umuwi last night?" tanong nito.
"Hindi rin. Bakit naman ako magagalit sa 'yo, buhay mo 'yan. Kaligayahan mo 'yan, 'di ba?”
"Ang ibig mong sabihin, Sam, hindi mo na ako pakikialaman? Yehey. Thank you, Sam. Thank you at naintindihan mo rin ako sa wakas," saad ni Francis at tumatawa pa ito sa sobrang tuwa.
Lumapit si Francis sa table ni Sam at yayakapin sana niya si Sam pero umatras si Sam. Nakasimangot ang mukha ni Francis dahil hindi siya pinansin ni Sam.
"Sam, bakit ayaw mo na ba magpa-hug sa akin?" seryosong tanong nito.
"Francis, iba na kasi ngayon. Mayroon ka ng girlfriend. Ayaw kong magkaproblema kayo ni Coleen. First love and first s*x mo pa naman siya," sagot ni Sam.
"Sam bawal na ba akong humawak sa 'yo?” tanong ni Francis.
"Oo, bawal na. Kahit buhok ko hindi mo na p’wedeng hawakan," sagot ni Sam.
Tinititigan ni Francis si Sam pero hindi ito tumingin sa kanya. Naguguluhan si Francis sa attitude ni Sam at bigla niyang hinampas ang table ni Sam.
"So, ayaw mo na rin ba akong tingnan, Sam? Pati ang tumingin sa akin, bawal na rin ba, Sam?” singhal ni Francis.
"Francis, sa ngayon, hindi pa kita kayang tingnan. Kailangan ko pa mag-adjust. Hindi rin ako sanay, Francis, pero kailangan. Tsaka ginawa ko lang kung ano ang makabubuti sa ating tatlo. Mabuti na rin na mag-ingat kaysa dumating ang araw na harasin ako ng girlfriend mo," saad ni Sam.
"Sam, hindi p’wede. Nasanay na ako na palagi kang nasa tabi ko. Don't tell me nagka-girlfriend lang ako, ganito na ang mangyayari sa atin?"
"Francis, bestfriend mo pa rin naman ako. Ikaw pa rin si Francis at ako pa rin si Sam. Walang magbabago. By the way kinuha ko ang kotse ko sa bahay. Kung gusto mo nang umuwi mauna ka na tapusin ko muna ang mga ginagawa ko," saad ni Sam habang nakatalikod kay Francis.
"Sam, pati ba 'yan? Kailangan pa baguhin? Nasanay na ako na kasama kita araw-araw. Sam, ano ba? Bakit mo 'to ginagawa sa akin?"
"Francis, kailangan natin masanay. Hindi madali sa akin 'to pero kailangan Francis. Twenty years, araw-araw magkasama tayo. Panahon na para papasukin natin ang ibang tao sa buhay natin, para hindi tayo maiwan sa ere balang araw. At alam kong ito na rin ang gusto mo. Inuunahan lang kita." Malungkot na turan ni Sam habang nakatalikod siya kay Francis.
"Sam, are you serious? Wow! Hindi ako makapaniwala! Oh my god, Sam! Gagawin mo ba talaga sa akin 'to?” sigaw ni Francis.
"Oo, Francis. Mula ngayon, gagawin natin para sa kabutihan ng bawat isa. At simulan natin ngayon, mauna na ako sa 'yo.” Kinuha ni Sam ang bag niya at lumabas na siya agad sa kanilang opisina. Naiwan na mag-isa si Francis at hindi siya makapaniwala. Hindi niya matanggap ang sinasabi ni Sam.
"Sam, anong plano mo? Hindi p’wede. Hindi ako papayag sa gusto mo!” Nagmamadali siyang lumabas para sundan si Sam pero hindi na niya ito naabutan.