Rebound Girl For Hire
Chapter 4
"I DON'T f*****g need any of those! I have my own life and business is out of it. You know me well, Klyde!" Galit na giit ni Kleaus sa kapatid na matamang nakatitig sa kanya.
Klyde, the eldest of the Ricaforte brothers. Ito ang pinakaseryoso at halos buong buhay nito ay ibinubuhos lamang sa pagpapatatag ng kanilang negosyo. Kahit nga yata s****l life nito ay hindi maisiksik sa priority list nito. Klyde's face was expressionless, emotionless pero hula ni Kleaus ay binubugbog na siya ng kapatid sa utak nito.
"I only asked you just for once, Kleaus. And you know me very well also. I don't take no for an answer. It's a demand after all. Not a request so you don't have a say on this."
"Be damned! So you are saying na iwan ko ang career ko dahil lang-"
"If badly needed, yes, you have to. Pero kung maayos mo namang patatakbuhin ang Atlas Motor Corporation, I guess you can find some time to insert your hobby in your sched. Nang sa gano'n ay hindi ka gaanong mainip sa buhay mo."
"Career 'yon." Pagtatama niya rito.
Ginulo ni Kleaus ang wala sa ayos niyang buhok at minura ang kapatid sa ilalim ng kanyang isipan.
Bakit ngayon pa siya gigitgitin ng kapatid gayung magulo pa ang utak niya? Plus the damn fact na wala talaga sa isipan niya ang mamahala sa ano mang negosyo ng kanilang pamilya. He doesn't want it for Pete's sake! He doesn't want his father's money!
"Putangina! Huwag mong ipilit sa akin ang bagay na ayaw ko. Spare me from this bullshits, Klyde!"
Suwabeng hinilot ni Klyde ang kanyang panga at bumuntong hininga. Bakas ang stress sa mukha ng kanyang kapatid at hindi na iyon bago sa kaalaman ni Kleaus. Klyde is a damn workaholic, an exceptional tycoon since his very young age. Ito ang sumunod sa yapak ng kanilang Ama na s'ya namang kinamumuhian ni Kleaus.
Anyong lilisanin na ni Kleaus ang opisina ng kapatid nang marinig niyang may kausap na si Klyde sa intercom system.
"Blaise, tell Kleos to freeze all the bank accounts of our goddamn brother Kleaus. ATM, credit and debit cards, everything. Even his premium passes to Aquarium o sa lahat ng nightclub na binibisita ng gagong 'to. Put him in the block list! And ask Wolf to revoke his passport para hindi na makaalis itong magaling kong kapatid sa Pilipinas. Good! Do it now!"
"What the actual fvck, Klyde?" Galit na naibulalas ni Kleaus nang hinarap niyang muli ang kapatid. Namumula ang mestizo niyang mukha gawa ng galit.
Batid niyang hindi nagbibiro ang kapatid at batid din niyang kayang-kaya nitong i-freeze ang lahat ng access niya sa bangko. Sisiw lang dito ang tuparin lahat ng banta nito sa kanya. Knowing his brother's connections ay wala na nga talaga siyang kawala.
Klyde never interfere with his personal affairs. Pero oras na makialam ito ay tiyak na masusunod at masusunod talaga ang nais nito.
"What? Leave then, brother! Help yourself out." Simpleng taboy sa kanya ni Klyde. Lalong tumaas ang presyon ng dugo ni Kleaus nang ginawaran siya ng nakakainsultong ngisi ng kapatid.
Ginigipit talaga siya nito. Sadyang napakaruming maglaro ng lintik kapag may mga bagay itong gustong makuha.
"You can't do that! Lahat ng baryang nasa bank account ko ay pinaghirapan ko iyon kaya ano'ng karapatan mong pakialaman ang pera ko? Nanggagago ka ba?"
Umuusok na sa galit ang ilong ni Kleaus habang si Klyde naman ay kalmante pa ring nakikipagdiskusyon sa kanya.
"No. Just because I can, Kleaus. I could even turn you into a poor s**t if you still refuse to run our automotive business. Try me, Kleaus!"
"Fvck this! I don't want that shit."
"Yeah? But that s**t needs you. Thousands of people depends entirely on what you are so called s**t. Kung ako lang din ay kaya kung bitawan ang kompanya na iyan pero iniisip ko rin ang libu-libong empleyado na umaasa sa atin at mawawalan ng hanap-buhay. For once and for all, bro. Take the company. Papa can't handle it anymore because of his condition."
Kaninang umaga lang ay nakarating kay Kleaus ang masamang balita na isinugod daw sa ospital ang kanyang Ama na si Claudius. Naabutan daw itong nakabulagta sa loob ng opisina nito. Nag-collapse dahil sa matinding pagod sa pagtatrabaho.
Nang magdesisyon itong iwan ang mundo ng pulitika ay sa negosyo na nito ibinuhos ang buong oras nito. Sa edad nitong singkwenta y nuwebe ay tutok na tutok pa rin ito sa negosyo ng kanilang pamilya. Sa ngayon ay tanging si Klyde lamang ang katuwang nito sa pamamalakad ng kanilang kaliwa't kanang kompanya dahil on leave si Kleos ng ilang buwan para sa honeymoon.
"Then why don't you take Kleos back here and let him handle everything? Total siya naman palagi ang magaling. Siya ang bida. Bakit hindi siya ang magpatakbo nitong kompanya? Nag-aaksaya lang siya ng oras sa letseng honeymoon na iyan. Daming alam ng gago! Tapos ako ngayon itong mapeperwisyo." He remarked bitterly.
"Parang naiinggit ka." Tahasang akusa ni Klyde kay Kleaus dahilan upang mapikon na naman siya. Ang galing lang mambuska ng kapatid niya. "Don't tell me you want Kleos to be here instead at ikaw ang sasama kay Bianca sa honeymoon? Wasn't it what you are thinking? Poor, loverboy."
"Oh shut up! Basta ayaw ko pa rin." Pinal na saad ni Kleaus at umalis. Kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng hilig sa pagnenegosyo. Polo club is his only life. Doon siya masaya.
"Ang tigas ng ulo mo!" Himutok ni Klyde na pigil na pigil ang inis.
Kleaus just smirked then put his dirty finger in the air.
"Selfish bastard!" Naihabol pang singhal sa kanya ni Klyde bago niya naibagsak ang pinto ng ubod ng lakas.
Tila sasabog sa inis ang dibdib ni Kleaus nang wala na ang sasakyan niya nang binalikan niya ito sa parking lot. Ayon sa guwardya ay hinatak daw 'di umano ang kotse niya ng tow truck.
Dali-dali niyang inilabas ang kanyang cellphone at bayolenteng nagtipa ng mensahe roon.
To Klyde:
Pati ba naman ang kotse ko? Tangina mo ka!
Nawala na sa isip ni Kleaus na mas matanda pa sa kanya ang lalaking minumura niya. Galit siya sa mundo!
From Klyde:
The offer is still negotiable. Have a nice day, idiot!
He could imagine the mischievous grin from Klyde while sending him the text message.
That man! Sinusubukan niya talaga ako.
Nagtaxi na lang si Kleaus papunta sa ospital kahit labag na labag iyon sa loob niya. May appointment siya ngayon sa pinsan niyang doktor na si Wilde para sa follow-up check-up ng kanyang injured na braso. Makikibalita na rin sa lagay ng kanyang Ama.
"Your arm is getting to a worsen state imbes na gumaling. I would like to suggest you to get a woman and let your heat out in her kaysa inilalagay mo sa alanganin ang braso mo. Ikaw rin, baka sumuko na rin si Mariang Palad."
"Damn you, Wilde!" Tahasang asik ni Kleaus sa doktor na sumusuri sa injured niyang braso. It's his cousin.
Wilde just answered him a throaty chuckle and returned to his swivel chair to write a new prescription drug for Kleaus.
"S-so, kailan daw ba madi-discharge si Papa? Kumusta naman daw ba siya?" Sinikap ni Kleaus na maging kaswal ang kanyang pagkakatanong no'n.
Kagyat na nagtaas ng tingin si Wilde sa kanya. Wilde is staring down at him with a pure disbelief in his expression.
Hindi niya ito masisisi kung nagulat man ito sa biglaan niyang tanong. Sa loob ng halos isang dekada ay ni minsan hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na isingit sa usapan ang kanyang Ama na si Claudius.
Nang makabawi si Wilde ay tumikwas ang gilid ng labi nito. "Private suite 108. Ask him personally, you díck! You want no hassle then use my private lift." Suhestyon ng pinsan niya.
That hospital by the way, is one of the property of his mother's family. Ang Ama ni Wilde ang namamahala niyon na kapatid ng yumaong ina ni Kleaus.
Napairap si Kleaus. Parang nagtatanong lang naman siya. Wala siyang balak na ipaalam sa sino man na nag-aalala siya sa Ama. His pride is unbreakable.
"No thanks." Matabang na usal ni Kleaus at hinablot ang resita sa desk ni Wilde nang walang pag-iingat.
"Which floor is the hospital's pharmacy?" Seryosong tanong ni Kleaus na ikinalito ng kanyang pinsan.
"Lobby, right wing. Next to Dad's office. Bakit?"
"Hihingin ko ng libre 'tong mga gamot na iniresita mo." Mapaklang tugon ni Kleaus.
"Oh? Well, good luck." Meaningful na pahabol ni Wilde sa kanya.
Napapatiim-bagang siya. Tiyak niyang sa mga oras na iyon ay nagtagumpay na si Klyde na i-freeze ang bank accounts niya at mga credit cards. Nasa tatlong libo na lang din ang natitirang cash sa pitaka niya. Naghihingalo na ang mundo niya. Ubos na pa naman ang alak sa bachelor's pad niya. Tangina!
Mabibigat ang mga hakbang ni Kleaus nang tuntunin niya ang naturang pharmacy. Bawat babaeng nadadaanan niya ay walanghiyang kinikilig habang nagmamasid sa kanya. But he doesn't care about them at all. Wala siyang kagana-ganang ngumiti. Kahit pekeng ngiti ay hirap niyang maitawid.
Sinikap niyang hindi siya mapapansin ng mga media na nakaabang sa lobby at todo tungo siya.
Magaan na sana ang kanyang pakiramdam nang nagtugampay siyang iwasan ang media ngunit naasar na naman siya nang singilin siya ng pharmacy attendant.
"Bale, three thousand six hundred po ito lahat, Sir." Sabi ng babae.
Dumilim ang mukha ni Kleaus. "Don't you know who I am, do you? Pamangkin ako ni Dr. Wendell Atlas, ang presidente ng ospital na 'to. Lolo ko ang founder nito kaya bakit mo ako sinisingil? Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Akina! Ibigay mo sa akin ang gamot." Maawtoridad na utos ni Kleaus sa attendant.
Lalo siyang napipikon sa poker face ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong babaeng nag-busted sa pinsan niyang si Wilde.
"Walang personalan, Sir. Trabaho lang! Magbayad ka na para tapos na." Bored na balik ng babae.
"Fvck! Sabi ko pamangkin ako ni Tito Wendell. Are you deaf?"
"No, Sir. I'm Ramona."
Kleaus can't help himself but to scowled at the unshakable woman. Natukso siyang suntukin ang glass partition ng pharmacy department nang...
"Sagot na kita, Kap!"
Natigilan si Kleaus at halos mapaubo siya nang walang pag-aalinlangang isiniksik ng bagong dating na babae ang katawan nito sa pagitan ng marble top counter ng pharmacy at ng katawan niya. Hindi sinasadyang nasagi ng pang-upo ng babae si Kap na nasa gitna ng mga hita niya.
"Ops, soree. Nasagi si bespren." Insincerely, the woman apologized while giggling. Nag-abot ito ng cash sa pharmacist na si Ramona kapalit ng gamot na pakay niya.
Nagkusa na siyang umatras. Inilayo ang sarili sa panganib. Pinag-initan siya ng pakiramdam. Hindi sa inis kundi ibang dahilan. Tila pagpapawisan siya nang mapagtantong naalarma na ang kanyang p*********i.
Damn it!
"Thank you!" Labas sa ilong na pasasalamat niya sa babae. Mabilis siyang naglakad palayo nang makuha niya ang gamot.
"Walang eggs naman 'to! Pambihira! Hindi ko kailangan ng thank you. Hindi iyon nakakabusog." Bumuntot sa kanya ang babae. This time, he took the other way out of the hospital. Kung saan walang nakakalat na media.
"Tigilan mo 'ko, babae! I already said thank you. Makuntento ka. Huwag puro demand. Kaya nagmumukha kang ewan."
"Hala! Nagsalita!" Hindi ito sumuko na sumunod sa kanya. Sa isang kisapmata lang ay nakaharang na ito sa daraanan niya. Nag-ngising aso.
"Ano bang kailangan mo?" Matapat niyang tanong. Halos pasinghal. Puno ng bagsik ang boses pero hindi man lang nag-abala ang babae na magpakita ng takot. Iba!
Ewan ba niya kung bakit nagkakaalta-presyon siya sa tuwing nagkukrus ang landas nila ng babaeng iyon. Mas makulit pa ito kay Condom-ang alagang aso ng pinsan niyang si Waris Atlas.
"Ayoko sa thank you mo. Halatang walang lasa. Tse." Maarteng utas ng babae sa mukha niya. Animo'y nanghahamon.
"Remember, I didn't ask for your help. Hindi ko kasalanan kung sadyang epal ka at basta mo na lang babayaran ang mga gamot sa resita ko. Puwede ba, just accept my gratitude and get out of my sight."
"Utang mo na iyon sa ayaw at sa gusto mo. At don't English me, ha? Or I will Japanese you? Pasikat ka rin e. Bayaran mo 'ko, Kap!" Imimuwestra nito ang palad sa mismong harap ng mukha niya. Naalibadbaran siya.
"Tigilan mo 'ko! Babayaran kita kapag may pera na 'ko."
"No puede, sir! Maniningil ako sa paraang gusto ko." Naging mapanglinlang ito sa mga mata ni Kleaus. Kinutuban siya ng masama.
"What do you want then? Name it!"
"s*x!" Tahasang sagot ng babae na para bang sumagot lang ito ng one plus one. Noon napipilan si Kleaus.
Hindi niya mapigilang mapatulala sa mukha ng babaeng ni hindi niya alam ang pangalan pero nakasama na niya sa iisang pad sa loob ng isang gabi.
Shit! Ang ganda-ganda pala nito sa malapitan. Flawless face, mestiza. Animo'y alagang-alaga ang balat ng mamahaling body soap at beauty products. Her cheeks look so soft. Nakakatuksong pisilin. Her lips were innocent. Nga lang nagmimistulang armalite kapag nagsasalita. And they're enticing. Tila ibig niyang sakmalin ang mapupulang labi ng babae.
Agarang kinastigo ni Kleaus ang sarili sa ilalim ng kanyang isipan.
"What again?" Sa wakas ay nahanap na ni Kleaus ang boses.
Slow motion na ibinuka ang bibig upang magsalita ulit ngunit nawala roon ang atensiyon ni Kleaus nang nahagip ng kanyang paningin ang babaeng nanonood sa kanila 'di kalayuan.
Si Bianca.
Ano ang ginagawa nito roon?
Parang may nag-udyok kay Kleaus na sunggaban ng mapusok na halik ang nakakairitang babae sa harapan niya. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito dahil sa ginawa niya. Kinabig pa niya ang katawan nito palapit sa kanya.
At noon naman tumalikod si Bianca at tumakbo palayo. Sa ganoong simpleng paraan ay maisasampal niya sa mukha nito kung sino ang pinakawalan nito.