Rebound Girl For Hire Chapter 5 “LIKE WHAT I've said, kahit anong kapalit na hihilingin mo ay ibibigay ko— what's your name again?” Kunwari ay na-offend si Natasza. Naalala niya kasing hindi lang tatlong beses niyang nabanggit ang pangalan niya kay Kleos. Sadya nga bang makakalimutin ito o talagang wala lang itong interes kahit man lang sa pangalan niya. Nagpadulas ng maarteng ‘boo’ si Natasza at kapagkuwan ay inangat niya ang sarili mula sa visitor's chair na nasa harapan ng working desk ni Konsehal. Tantya niya ay mas mahal pa iyon sa buhay niya. Nagpakita ng pagkaalarma ang lalaking kanina lang ay prenting nakaupo sa trono nito nang walang pasabing tumalikod si Natasza at hinatak pa pababa ang kaliwang sleeve ng kanyang floral printed na off-shoulder. “Pornstar!” Singasing ni K