CHAPTER 2

2472 Words
Rebound Girl For Hire Chapter 2 “KAKUSA KA ba ni Madame Auring o ‘di kaya ay ipinaglihi ka ng Nanay mo sa K9 German Shepherd kaya naamoy mo kung saan ako nakatira? Lupit mo!” Puno ng sarkasmong kuro-kuro ni Captain America sa kung paano natunton ni Natasza ang bachelor's pad nito. Sinuklian niya ulit ng pagkatamis-tamis na ngiti ang masungit na Kapitan. Ang kanya namang mga mata ay may sariling paraan upang magpaawa sa lalaking lantarang hindi natutuwa sa presensiya niya sa pad na iyon. “Ito naman. Getting to know each another forever agad. Pati kung saan ako ipinaglihi ng Nanay ko e aalamin mo pa. Cute mo talaga, Kap! Pakurot ng pisngi mo mamaya ha, Kap!” She giggled. Nilantakan ulit ni Natasza ang instant noodles na siyang available lang sa pad ng lalaki. Kapal-mukha kasi siyang nanghingi ng pagkain kanina at mabuti na lamang at may ginintuang-puso ang lalaking nagbukas ng pinto kanina at binigyan siya ng tatlong large cup ng instant noodles. Sinilip niya ang reaksiyon ng lalaki at hindi nga siya nagkamali nang makita ang mapanganib nitong mukha. Nakaupo ito sa high stool ng bar counter habang siya naman ay nasa dining table, lumalamon. “Walanghiya ka talaga ‘no.” He commented, irritation swirled in his eyes. “Mismo. Nadali mo, Kap!” Maingay na sinimot ni Natasza ang unang cup noodles bago tumulak sa pangalawa. “Hindi naman ako magja-japayuki kung hindi ako walanghiya at makapal ang mukha. Kumbaga, asset ko iyon.” Pagmamalaki pa niya. Naalibadbaran ang lalaki pagkatapos niyang sabihin iyon. Tao talaga! “Japayuki ako, oo pero marangal akong tao, akala mo! Porque’t Japayuki na kami, huhusgahan niyo na kami na marumi. Akala ninyong lahat kapag Japayuki e nagbebenta na ng aliw, ng laman. Mali iyon hoy for your evaluation! Club entertainer kami. Iyong ibang mga Pinay doon kumakanta, sumasayaw atsaka iyong ibang katulad ko e serbedora. Nagsisilbi ng pagkain hindi ng laman at pekperekpek.” Mahabang eksplenasiyon niya upang kahit papaano ay maintindihan nito ang trabaho niya sa Japan. Lahat naman iyon ay totoo pero ewan ba niya kung bakit marami pa ring kapwa niya Pinoy ang humuhusga sa kanila. “I'm not even asking.” Masungit na balik sa kanya ng lalaki at tumalikod ito upang magsalin ng alak sa isang kopita. “But you're judging me from head over heels.” Buga pa niya. Naiinis kasi siya sa mga taong marumi ang tingin sa mga katulad niya. “Tumahimik ka nga diyan, babae at kanina pa ako naiirita sa kadaldalan mo. Bilisan mo na diyan dahil palalayasin pa kita. I have no tolerance for such nonsense behavior.” Natigilan sa pagkain si Natasza. “Ang hard ha! Wala man lang pakonsuwelo, dzong. Homeless ako oh! Poors. ‘Di ba nga sabi sa kanta, no more walls, no more tears. No more selfishness and close doors and man will live forever more because of Christmas day. Sabi ng Santo Papa dapat selfless ka sa kapwa para may passes ka na kay San Pedro. Malay mo bukas mategi ka e ‘di shoot ka kaagad sa banga.” “Tahimik sabi! Pumapatol ako sa babae.” Mabalasik na ungot ng lalaki. Parang kasing nipis na lamang ng hairline ang pasensiya nito at kapag nasagad niya ay susugurin na siya nito at sasakalin. Ngumisi naman si Natasza at napanguso. “Alangan namang pumatol ka sa lalaki. E ‘di turn off na ako niyan.” Dumilim ang mukha ni Kap. Para na itong mananakmal. Ay, bet ko iyan. Sakmalan kahit may kasama pang nguyaan! Malanding sabi ng utak ni Natasza. “How did you find my address anyway?” “Sa calling card na nasama mo sa five kiaw na hinagis mo sa akin kaninang umaga. Binayad ko pa iyong relo ko para lang makatawag. Kasi iyong cellphone ko ibenenta ko pa sa ka–bisyo ko sa Japan pandagdag sa plane ticket ko pauwi. Kasi iyong perang ibinigay mo sa akin, nadukot. Kaya no more walls, no more choice. Saiyo pa rin ako tutuloy.” “Calling card?” “Hai, hai. (Yes, yes.) Ito oh! Zandrous Biamonte Atlas. Tinawagan ko ito sabi ng sumagot ay pumunta raw ako sa address na ito. Dahil no choice ako at ikaw naman talaga ang pakay ko kaya pumunta na rin ako. Pero hindi ikaw ‘to ‘di ba kasi hindi naman ako sinungitan kanina.” “Yeah. It's my cousin. The jerk one awhile back.” Napasentido ito. Parang sumuko na rin sa pakikipag-angasan kay Natasza. Iyong mga mata niya. Halatang malungkot. Siguro ay mas malala ang ang pinagdadaanan nito kaysa sa kanya kaya masuwerte na rin siguro siya kasi kahit papaano ay nakakangiti pa siya nang hindi nagpapanggap na masaya. Zandrous Biamonte Atlas. Ah iyong lalaki pala kanina na may golden-puso. Siya pala iyon. At parang pamilyar din ang isang iyon. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Lahat na lang ng lalaking guwapo na niya nakita sa araw na iyon lahat mukhang pamilyar. Hindi naman siya bumabatak pero mukhang sabog ang utak niya. Nagmamadaling umalis kanina ang nasabing lalaki kaya hindi ito gaanong nakausap ni Natasza. Pero ang sabi nito ay puwede naman siyang makituloy sa pad na iyon. Iyon nga lang ay kung patok ang convincing technique na gagamitin niya kay Captain America. “So, ikaw? Ano palang pangalan mo?” Interesanteng tanong ni Natasza sa lalaki. Iyon talaga ang kanina pa niya ibig malaman. The man shoot her a wicked stare. “Alamin mo.” Anito na parang may naisipang laro. Noon naman nagsalubong ang kilay ni Natasza. Hindi niya napansin ang mainit na sabaw ng noodles na nilalantakan niya nang isubo niya iyon nang direkta pa rin nakatingin sa guwapong mukha ni Kap. Napaso siya tuloy. “Ha?” “I'll give you fifteen minutes para alamin ang pangalan ko. One rule! Do not ask me. Kapag nagawa mo, hindi kita palalayasin dito sa pad ko. Deal?” Pinal na hamon nito atsaka walang lingon-likod na naglakad paalis sa bar counter at naglaho ang pigura nang pumasok ito sa isang silid. Ginulo ni Natasza ang kanyang buhok at halos ihampas na niya ang ulo niya sa pader. Halos baliktarin na niya ang buong bachelor's pad ni Kap pero wala pa rin siyang nakitang hint o clue sa tunay nitong pangalan. Ten minutes na lamang ang natitirang oras at hello bangketa na siya. Baka doon na nga siya magpapalipas ng gabi. Naisahan siya ng damuhong iyon ha! Guessing game pa talaga na wala naman siyang mapapala sa kapas ng utak niya. She groaned and groaned in frustration while having a mental guessing. Ano bang pangalan ng lalaking iyon? Hindi naman bagay sa kanya ang Rodolfo, Pedro, Arnolfo, Ricardo, Benigno, Fernando, Aquano lalo naman ang Pan de n***o. Tange! Sa guwapo ng lalaking iyon, malamang pang-foreigner ang pangalan no’n. Baka pang-afam. Nang tatlong minuto na lamang ang natitira ay sumilip mula sa pinto ng silid ang ulo ni Kap. Maaliwalas ang mukha nito kumpara kanina. “Initial letter, it's K.” Ngisi nito na para bang naaamoy na nito ang pagkapanalo niya. “K as in Kurimaw?” “K as in ki o tsukete dahil lalayas ka na sa pad ko in three minutes.” Aroganteng tudyo nito. It meant take care in Japanese. Hahangaan niya sana ang katotohanang may alam din pala ang dila nito sa salita ng mga hapon subalit mas nanaig ang inis at kawalan niya ng pag-asa dahil mukhang mapapalayas na nga siya. Nagbigay ka pa ng clue. Tse. Salamat na lang. Umirap si Natasza. Ngunit sadyang busog ang isipan ni Natasza ng mga pilyang ideya kaya nama’y bumuwelo na siya upang isakatuparan ang kanyang plano. Malakas ang kutob niya na ito ang daan sa pagkapanalo niya. Huminga siya ng malalim at bago pa man maisara pabalik ni Captain America ang pinto ay madramang sinapo ni Natasza ang kanyang noo, hinilot sa artistaheng paraan at nangisay sa sahig ang katawan kapagkuwan. Wala pang limang segundo ay naroon na sa kinaroroonan niya ang binata. “Hey, Miss? This isn't a funny joke. What's going on with you? Miss?” Bumalatay ang pag-aalala sa boses ng lalaki. Nangisay pa lalo si Natasza. Hindi alintana ang pagtama ng ulo niya sa matigas na sahig. Palpak! Sana pala sa may bandang carpet niya ginanap ang kadramahan niya. Ang ganda niyang tanga! “Miss, come on! Huwag kang mamatay dito.” Binuntunan pa ng ilang pilit na mura ang sinabi nito. And when the guy tried to hold her shaking body, parang gustong idilat ni Natasza ang kanyang mga mata. Iyong pakiramdam na una silang nagholding hands ni Bernardo noong kasagsagan ng Nene days niya ay parang maihahalintulad niya sa hawak ngayon ng lalaki sa kanya. Wrong. His touch was far better than Bernardo’s touch. Kasi ang Nardong iyon kapag humawak na, tiyak may kasunod na iyon na ‘check operator ako, paano kita matetext mamayang gabi kapag nasa trabaho ka?’ At dahil siya naman ay isang dakilang aanga-anga kaya kukupitan na naman niya ang kanyang sariling ipon hanggang sa masimot iyon at kamuntikan na siyang hindi nakapag-Japan dahil sa pagiging sugar-nanay niya kay Bernardo. Wala e. Kapag puso na ang nagpasya, magmumukhang tanga at utu-uto ka na lang talaga. “Hey, Wilde. I need your help. God! This is me, Kleaus.” May kausap na ito ngayon sa wireless phone. Taranta ang boses nito. Naramdam ni Natasza sa akto ng lalaki na kahit papaano ay may puso rin pala ito. Pero... “Ha! So pa’no ngayon? Winners na ako. p***s na, Kap.” Pagpupunyagi ni Natasza pagkatapos marinig ang pangalang sinambit ng lalaki. Sabi na nga ba at palaging may mabuting maidudulot ang kapilyahan niya. Dahan-dahang nabitawan ng lalaki ang wireless phone nang mapansin nitong nakatayo na siya na mas tuwid pa sa bulto ni Liberty. Natasza was smiling victoriously, both hands resting on the both sides of her hip, chest out and proudly lifted her chin. “Klose lang naman pala ang pangalan mo, pinahirapan mo pa ‘ko.” Anito at kunwari ay napanunas ng imaginary sweats sa noo niya. Napatulala sa mukha niya ang binata. “Nice name, Kap! Ano ba apelido mo, Open? Klose Open gano’n?” Biro niya na sinundan ng bungisngis. Walang reaksiyon ang lalaki. “Hoy, Kap! Sabi ko panalo na ako. Alam ko na ang pangalan mo. Paano ba iyan? E ‘di dito na talaga ang matutulog sa yayamanin mong bahay.” Untag ni Natasza sa lalaki. Kinumpas pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha nito. “Kap... “So you did think that it was funny? Comedic?” Napasinghap si Natasza nang maulinagan ang galit sa mga mata ng lalaki. “That. Was. Not.” Awtomatikong napaatras si Natasza nang naging mabagsik ang uri nito. May kakatwang kaba ang umusbong sa dibdib. His forest green eyes were violently demanding her to get afraid of him. Natasza’s body stiffened under his burning gaze. “Are you that dense, woman? Akala mo ayos lang ang magbiro ka ng gano’n sa harap ng kahit na sino? That kind of stunt won't never be laughable and amusing...” Walang preno nitong sermon na hindi na magawang sundan pa ni Natasza. Bumagsak ang balikat niya. Tumalikod naman ang lalaki at sinabing, “Hope to not see you when the sun comes up tomorrow. Get lost forever!” “Teka...” Awat niya nang anyong maglalaho na naman ito sa likod ng pintuan ng silid na pinanggalingan nito. Natasza bit her inner lip before say another set of words again. “A–ano pala iyong dense?” She lightly asked him. Pati kasi iyon ay hindi niya maintindihan. He impatiently faced her again, dark expression still covering his handsome face. “Dense means stupid, idiot, brainless, tanga, bangag, boba, mapurol ang ulo. That's you!” Nakahanap nga siya ng maringal na bahay kung saan siya magpapalipas ng gabi imbes na sa lansangan pero ang siste naman ay hindi siya dinalaw ng antok buong magdamag, kakaisip sa mga mabibigat na salitang narinig niya mula kay Kap kagabi. Ang bigat no’n sa dibdib niya. Masakit kasi alam niya sa kanyang sarili na totoo ang lahat ng iyon. Tulad ng sinabi ni Kap ay nilisan nga ni Natasza ang magarang bachelor's pad nito. Nagpagala-gala siya sa kalsada na kumakalam ang sikmura hanggang sa may isang itim na chedeng ang napansin niyang nakabuntot sa kanya. Kung isa man ito sa mga malupit na Hapon na hindi niya pinansin noon sa Japan, may posibilidad na nasa panganib siya. Ilang eskinita ang nilusutan ni Natasza upang iligaw ang kung sino mang nakasunod sa kanya. Kabado’t namamawis ang palad at noo. “I’ve got you. Madulas ka, ha!” Napapiksi siya nang may humila sa bitbit niyang maleta. Dzong Hesus, iligtas n’yo po ang maleta ko. Kahit huwag na ako. She loudly prayed when someone laughed out wholeheartedly. “r**e ba ito?” Nanginginig ang boses niya. Dala ng takot ay hindi niya magawang lumingon kung saan naroon ang sino mang nagbabalak siguro ng masama sa kanya. Noon naman lalong natawa ang lalaki sa likuran niya. “Please huwag po! Huwag n’yo nang ituloy ang panggagahasa sa akin. Maawa kayo sa magiging anak natin. Birch tree milk lang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil ‘di ko sure kung makakapagpa-breast feed ba ako sa kanya. Birch tree, the family's milk. Milk lang pala dahil walang family. Sure akong hindi mo ako pananagutan at magiging diyosang disgrasyada ako. Please only, sir! Don't ra–a–a–ape me. Ra–a–a–ape me! Maawa kayo sa bata!” Pang-Oscar na drama ni Natasza at sinabayan pa ng ilang defensive action na nakikita niya sa mga r**e scene. “What the... What r**e? At anong anak?” “A.. E.. Advance lang po ako mag-isip.” Sweats covered her forehead. “Iyon din naman ang ending kapag ginahasa mo ako. Madadagdagan na naman ang pitong bilyong populasyon ng Planeta.” “Excuse me lang, Miss Nardo’s ex-girlfriend, I'm not interested in you. Hindi ikaw ang tipo ko. Ayaw ko sa madaldal na katulad mo!” Noon na siya napalingon at napasinghap ng mahabang ‘oh’ nang mapagsino iyon. “Oy, konsehal. Ikaw pala!” Relief danced in Natasza’s childish Asian eyes na namana niya sa kanyang unknown na Ama. Kumunot ang noo ng lalaki. “Konsehal?” “Konsehal. Kapatid ikaw ni Kap, ‘di ba?” “You have the weirdest mouth on Earth. Sino naman si Kap?” “Si Kap, si Captain America. Iyong lalaking nag-doggie sa akin sa simbahan sa kasal mo kahapon.” “Oh, si Kleaus. Yeah, he's my brother.” Naging mababa ang himig ng lalaki at binuntunan pa ng malalim na buntong-hininga ang sagot nito. “Maitanong ko lang ha, Konsehal. Bakit mo pala ako sinusundan? Crush mo ba ako? Kakakasal mo lang, ha pero nangangaliwa ka na.” “Damn! Hindi nga kita type. I'm just here to offer you a job.” Nagningning ang mga mata ni Natasza. Ito na marahil ang sagot sa kahirapan niya. Wala na kasi talaga siyang balak na bumalik ng Japan kahit pa maayos naman ang kita roon. “Go on, go on. Leave me breathless. Hai, hai. Go ako diyan, Konsehal kahit b*****b pa iyan. I'm inter the dragon. Rawr!” The man just winced then smirked playfully after a few seconds.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD