CHAPTER 1

2205 Words
Rebound Girl For Hire Chapter 1 “HINDI KA BA talaga aalis diyan sa hood ng kotse ko?” Pinadulas na naman ni Natasza sa kanyang kabilang tenga ang pananaboy sa kanya ni Captain America o Kap nalang para hindi siya mahirapan. Ayaw kasi siya nitong tulungan kaya hindi siya aalis sa hood ng magara nitong sasakyan. Tumigas ka–este manigas ka riyan, Kapitan! Imbes na pakinggan ang sinasabi ng lalaking hindi niya pa rin nakukuha ang pangalan ay humiga na si Natasza sa hood ng kotse nito na para bang nagpapahinga lamang siya sa paraiso. She even wore her classy aviator sunglasses na nabili pa niya sa Osaka para suma-summer ang dating kunwari. Nakakamiss rin pala ang init sa Pinas. “f**k!” Hindi pa rin siya nag-react nang sinipa ni Captain America ang gulong ng kotse at humakbang na naman ito papunta sa dalawang lalaki na tumulong dito kanina sa loob ng simbahan. Hindi pa rin kasi umaalis ang mga ito hangga’t hindi rin siguro umaalis si Captain America. “Isama mo na lang kaya, dude. Mukhang harmless naman e. Atsaka maganda rin ang babae. Haponesa at walang mintis ang kutis. Kung si Waris lang ang nandito, tiyak na siya ang magti-take home sa babaeng iyan.” Dinig niyang sabi ng isang nakabarong. Harmless daw, homeless ‘kamo! Saksakan ng guwapo ang tatlong nilalang na iyon. Mukhang makakapal pa ang pitaka kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang siya pagbigyan ng mga ito na makituloy muna sa tirahan ng mga ito. She's not that careless and stupid. Wala lang talaga siyang matutuluyan sa araw na iyon galing airport. She doesn't have a family, a relatives in Manila. Nasa Toledo ang mga kapatid niya. Kahit pitaka niya’y simot na. “Harmless? Are you for real? And why would I do that? I don't even know her. Baka magnanakaw pa iyan.” Lasing na pahayag ni Captain America na halatang ipinarinig sa kanya. Noon na siya gumanti. “Ouch ha! Shitsurei shimasu, Kap! (Excuse me!) Hindi ako magnanakaw. Mandurugas puwede pa. Atsaka makapal lang ang mukha ko pero hindi ako magnanakaw. Kung may posible man akong manakaw saiyo, iyon ay ang lakas mo.” She flirtly banter then smirked. “Proud ka pa na makapal ang mukha mo ha! Tangina!” Napasimangot ng husto si Captain America. Parang lalo itong nalalasing kapag nagsasalita siya. He looks like a hot mess. Iyong ibang butones ng polo shirt nito’y nakabutones sa maling butas. Magulo ang buhok. Gusot ang damit pero matindi pa rin ang dating. Kilabot talaga! Ang dalawang kasama naman nito’y napangisi. “Kaya pala hinahanap nito si Nardo kasi siya malamang si Narda. Magnanakaw ng lakas.” Nag-high five ang dalawang naka-tuxedo na mukhang nakalimutan na yata na bahagi sila ng kasalanan na nagaganap sa loob ng simbahan. Hindi iyon pinansin ni Natasza bagkus ay bumaling ulit siya kay Captain America na parang sinisibak na siya sa ilalim ng isipan nito. “Sige na, Captain America! Kung ayaw mo akong bigyan ng matutuluyan, e ‘di i–cash mo na lang. Magho-hotel na lang ako.” Suhestiyon niya. “Wise! Bigyan mo na, dude para makapagpahinga ka na rin. I'll drive you home.” Presinta ng isa. “No need. Kaya ko ang sarili ko, Wilde.” Tanggi nito. Para bang sanay na sanay na ang dalawang kasama nito sa kasupladuhan ng naturang lalaki. Humakbang ito palapit sa kinaroroonan ni Natasza at binuksan ang pinto sa may driver seat. Paglabas nito’y may hinagis itong limang libo sa kanya. Nagningning ang mga mata ni Natasza at masiglang nagpadausdos paalis ng hood ng kotse pagkatapos sagipin ang pera. Ang dali naman palang kausap ni Kap. “Now, get lost!” Asik pa ng lalaki sa kanya. Sinipa pa nito ang maleta niya. Aba naman! Ang gaspang ng ugali. Ngumuso siya’t binawi mula sa kanyang mga mata ang kanyang aviator sunglasses. “Sungit, dzong! Sige, arigatoo gozaimaso, Kap. Dozo yoroshiku, pogi.” Bago siya makalayo ay nag-flying kiss pa siya sa nakabusangot na lalaki. Nang mapansing nakamasid pa rin ito sa papalayo niyang bulto ay bumuwelo siya’t iginiwang ang bewang. Hataw na hataw. Pinagyabang niya ang kanya matambok na pang-upo. Umaasang tatatak siya sa isipan ni Kap. “PAANONG NANGYARI na sa inyo itong bahay, e akin ‘to. Ako ang bumili sa lupang kinatatayuan nito at pera ko rin ang ipinatayo ko sa bahay na ‘to. Aba!” “Nagkakamali yata kayo, Miss. Anim na buwan na mula nang bilhin namin ito sa may-ari. Ito na nga ang mga dokumento na magpapatunay na amin ang lupa’t bahay na ito. Oh, tignan mo!” Winagayway ng balyenang ginang ang hawak nitong dokumento. “Sige, huwag na! Ingles iyan, wala rin akong maiintindihan.” Bigong tumalikod si Natasza. “Bobo naman pala. Ang lakas ng loob mang-abala. Akala mo naman kung sino!” Nahagip pa ng pandinig niya ang sinabi ng balyenang nakabili ng ipinundar niyang bahay. Kung hindi lang siya pagod ay baka na-uppercut na niya ang ginang kahit pa triple ang laki nito sa kanya. Oo, bobo siya! Bobo nga naman talaga siya dahil hindi naman siya maloloko ni Nardo kung matalino lang siya. Nanghihinang lumayo siya sa bahay na iyon. Ni hindi niya magawang lingunin ang bahay na iyon dahil lalo siyang pinanghihinaan ng loob. Iyon ang katas ng pagkayod niya sa Japan. Dugo’t pawis ang ipinuhunan niya para lang maipundar ang bahay na pinapangarap nila noon ni Bernardo. Mahigit tatlong taon siyang nagtiis sa bansang Hapon para lang matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at matulungan si Bernardo na makapagtapos sa pinili nitong kurso pero ang walanghiyang Nardong iyon ay ibenenta lamang ang ari-arian niya ng wala siyang permiso. Ang masaklap pa’y malalaman na lamang niya na ikakasal na pala ito sa ibang babae. Walang utang na loob! Sana pala nagduda na siya noong nanghingi ito ng fifty thousand sa kanya noong nakaraang buwan. Siguro ginamit nito ang perang iyon sa kasal nila ng babae nito. Mga hayop! Simot lahat ng ipon niya sa Japan. Walang-wala na talaga siya. Natapon na lamang nang basta-basta ang ilang taong pagsasakripisyo niya sa ibang bansa. Bago naghanap ng murang matutuluyan si Natasza ay hindi na niya matiis ang kanyang kumakalam na sikmura kung kaya’t naghanap siya ng turo-turo. Mahirap na! Baka bumibay pa ang katawan niya. Hindi naman pupuwede na abusuhin niya masyado ang kanyang sarili. Ngayon pa ba? Nang masigurong komportable na ang pinakamamahal niyang maleta sa na-spot-an niyang bakanteng mesa ay um-order na siya. Napalunok pa siya sa presyo ng mga ulam sa karenderya. Lintik! Bibig na lang pala ang nagmumura sa panahon ngayon, lahat na ay mahal. She chose the cheapest value meal from the menu board. Four thousand, seven hundred fifty na lang ang pera niya mula sa nadugas niya kay Captain America. At kapag nakikipaglaro nga naman si kamalasan ay nadukot pa ang natitira niyang pera habang naghahanap siya ng matutulugan. “I'VE HEARD THE crazy stunt you pulled during your brother's wedding. Hindi mo ba naisip na lalo kang masisira dahil diyan sa ginagawa mo, Kleaus?! Umayos ka nga!” Walang pakundangang sermon kay Kleaus ng tumatayong coach at founder ng Polo team na kinabibilangan niya. Kleaus Atlas Ricaforte has a big name in International Polo sports aside from being one of the best equestrian internationally. Matunog na matunog ang pangalan niya pagdating sa pangangabayo. He's a member of the number one Polo club in Ireland. Maging sa Latin America hanggang Asia ay naging matunog na ang pangalan niya. He's now a celebrity athlete. Grade schooler pa lamang si Kleaus ay pangarap na niya ang mapabilang sa naturang laro. Mahal na mahal niya ang pangangabayo kahit pa ang nangungunang kontra sa hilig niya ay ang kanyang Ama. Sinikap niyang masunod ang pangarap niya dahil doon naman siya masaya kahit itinakwil pa siya ng kanyang Ama. “I quit, Zandrous!” Sambulat niya na ikinanganga ng kanyang kausap. Panandalian itong natulala. Mukhang nagulantang ng labis. “You're kidding, right?” Hindi makapaniwalang wika ni Zandrous. Bumaba ang tingin ni Kleaus sa basong hawak niya na may lamang alak. Pagkauwi na pagkauwi pa lang kasi niya sa kanyang Bachelor's pad na nabili niyang luxurious unit sa Atlas Twin Tower na pagmamay-ari ng pinsan niyang si Wolf Atlas ay alak na naman ang pinagdeskitahan niya. Nagulat pa nga siya nang madatnan niya sa loob ng kanyang pad si Zandrous. He thought that he's still in Argentina. “I'm dead serious, Z. I'm quitting.” Giit niya sa kanyang padalus-dalos na desisyon. Si Zandrous naman ay anyong naalarma nang mahimigang hindi nagbibiro ang kanyang pinsan. “Akala ko ba pagagalingin mo lang iyang injured mong braso kaya umuwi ka rito sa Pilipinas. What now? Why are you quitting all of a sudden? Damn it, Kleaus. Huwag mo akong biruin ng ganiyan baka masapak kita. The team needs you. Isang hakbang na lang nasa Gold Cup na tayo. Siraulo ‘to!” “Hindi ako nagbibiro. I want to quit. I want a way out. I'm tired pleasing the crowd, Z. Ayoko na! How I wish I f*****g die when that accident happen. O nagka-amnesia na lang sana ako.” Puno ng sakit na salaysay ni Kleaus. Ibinagsak niya ang kanyang likod sa backrest ng kanyang inuupuan at matamlay na tiningala ang kisame. Pagod na pagod na siya. Napapagod na siya sa buhay niya. “Bastard! Akala ko ba tanggap mo nang pinakasalan ng babaeng mahal mo ay ang kapatid mo imbes na ikaw? What's with your drama now?” “Iyon na nga. Akala ko okay na ako. Akala ko natanggap ko na pero putangina, Z! Ginagago ko lang pala ang sarili ko. I'm bullshitting myself here, you know?” Pumikit si Kleaus at hinayaang bayuhin ang isipan niya ng mga alaala nila ni Bianca. The only woman he loved all of his life. Kahit lasing siya nang sumugod siya sa simbahan kaninang umaga kung saan ikinasal ang nakababata niyang kapatid at ang babaeng inakala niya ay pag-aari niya ay malinaw pa rin niyang natatandaan kung paano nagpalitan ng wedding vows ang dalawa. Kung gaano pinuno ng pagmamahalan ang bawat linyang sinasabi ng dalawa sa isa’t isa. Tangina! Siya dapat ang nasa posisyon ng kapatid niya. Siya dapat ang nagpapahid ng luha ni Bianca nang sabihin nito ang vows niya kanina. He should be the groom in that f*****g wedding. Sa kanya dapat ikinasal si Bianca at hindi sa kapatid niya. At sana napigilan pa niya ang kasal na iyon kung hindi lang dahil sa babaeng nakaharang kanina sa daraanan niya. Lasing siya nang sumugod siya sa simbahan kaninang umaga at lalong tumilapon sa hangin ang katinuan niya nang mabangga niya ang naturang babae kanina sa simbahan. That crazy woman! Para itong ikaapat na miyembro ng Charlie's Angels dahil sa suot nito kanina na all black outfit. Parang may hahabuling burol. “Ayusin mo muna ang sarili mo, Kleaus. Quitting isn't an answer to your mourning. Polo is your life, remember? Kaya huwag kang magpadalusdalos, dude.” Kleaus diverted his attention back to Zandrous. “Payag ako na magpahinga ka pa ng mga, let's say two months? I'll give you two months more to rest. Puwede na iyon. Gamitin mo ang oras na iyon para makalimot. To accept the reality. To start a brand new life without Bianca. Kailangan mong tanggapin na wala nang kayo. Palayain mo na siya, Kleaus. Let her be happy with your brother.” Hindi umimik si Kleaus pero tanggap at naiintindihan niya ang bawat payo na ibinigay sa kanya ni Zandrous. Iyon naman ang nararapat niyang gawin. Forgiveness is the final form of love but acceptance is the key to his brand new life. Zandrous is f*****g correct. “How would I forget her, Z?” Zandrous gently massaged his chin as if he was trying to resort a very effective way to solve Kleaus’ heart problem. “Babae ang problema mo, so babae rin siyempre ang solusyon diyan. Basic!” “I doubt it will work. Nagawa ko na iyan, dude pero nagmukha lang akong tanga at inutil. I cannot afford to f**k another woman if that's what you're implying.” Kleaus remarked acidly. “Just try it once more... with another girl with another strategy. And we both know that's a lie. You f****d someone in Japan. At virgin pa.” “s**t! Can we forget about it? Wala akong masyadong maalala sa nangyaring iyon even though how hard I try. Sumasakit lang lalo ang ulo ko kakaisip kung sino iyong babaeng naka-one night stand ko ro’n.” Isa pa iyon! Kahit ano ang subok niyang alisin sa utak niya ang nangyari ng gabeng iyon sa Japan ay hindi niya magawa. “Why don't you try to hire someone to find the girl?” Not a bad idea, though. Naudlot ang usapan nina Kleaus at Zandrous nang tumunog ang doorbell. Si Zandrous ang nagbukas ng pinto. At ganoon na lamang ang paninigas ng katawan ni Kleaus nang may kasama na itong kampon ni Catwoman nang bumalik ito sa harapan niya. The naughty woman was smiling from ear to ear. Her Asian eyes gone fluffy. Sa kaliwang kamay nito ay ang kanyang maleta at sa kabila naman ay ang pares ng ankle boots na animo’y nakaranas ng hagupit. Putol ang takong. What the f**k is she doing in here? “Ipinadala na ni Lord ang sagot sa problema mo, dude.” Kantyaw sa kanya ni Zandrous. Hell! Not this woman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD