PROLOGUE

1456 Words
Rebound Girl For Hire Prologue HILA-HILA ni Natasza ang kulay magenta niyang maleta na may 3D print pa ng idolo niyang si Madonna ay walang pahintulot na pumasok siya sa Cathedral na iyon. Naninikip ang dibdib niya nang madatnang nagpapalitan na ng vow ang pares na ikinasal. Huli na siya. Halos mag-usok na ang ilong niya sa galit. Iniluha na niya ang lahat-lahat ng sakit sa kanyang dibdib habang nasa himpapawid pa lang siya kaya paglapag niya sa Pinas ay ang nararamdamang hinagpis na lang ang natira. Ngayo’y naiintindihan na niya kung bakit ingat na ingat ang katrabaho niya sa Japan na si Guadeloupe na huwag magalit dahil may posibilidad na ma-deform ang ilong nitong salamat doc. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nababalot ka ng matinding emosyon. Lahat ng nerve sa katawan ay nanggagalaiti rin. Pero wala na talagang makakapigil sa kanya. Hindi siya gumastos ng ilang libong peso at magbenta ng kung anek-anek para sa plane ticket niya pauwi ng Pinas para lang mag-nosebleed sa pakikinig ng vow ng ikinakasal. Ingles iyon. Taray, dzong! Kailan pa natutong mag-ingles ang damuhong Nardo na 'to? aniya sa sarili. Last time she checked, kahit tamang pronunciation lang ng salitang island ay nangangapa pa ito. Naalala tuloy niya ang pangako ni Nardo noong bago siya lumipad patungong Japan, 'When I am graduation, us will go in island 'es-land' gonna I swim, gonna you dive.' Ibig sabihin ng gago ay kapag maka-graduate daw ito ay pupunta sila sa isla. Siya'y lalangoy at ito namay sisisid. Tuwang-tuwa pa siya ng mga panahong iyon hindi lang dahil sa ingles ni Nardo na akala naman niya'y malupit, dahil na rin sa sisiran na topic. Bumuwelo nang husto si Natasza at pinuno ng hangin ang kanyang baga atsaka sumigaw ng buong-puso. "Itigil ang kasal. Walanghiya ka, Bernardo Pulangbato! Manloloko ka. Pagkatapos kong magbanat ng buto sa bansang Hapon at tiisin ang amoy-embornal na bunganga ng mga customer kong madalas ay Yakuza para lang makapag-aral ka rito sa Pilipinas kong mahal tapos ito pa ang igaganti mo sa akin?! Mammal ka! Hayop! Nagpatayo pa ako ng bahay natin at mga kapatid ko pero ibang babae pala ang ititira mo roon. Lintik ka! Toothpick ka lang noong umalis ako, ngayong stick ka na, aba, dzong! Ang hanep mo na. Naku! p***s na! p***s ka na, Nardo Pulangbato dahil papatayin kita..." Anyong susugurin ni Natasza ang groom na nasa harapan ng altar nang mabuwal siya sa sahig ng simbahan dahil may lalaking natumba sa kanya. Napatili siya. Nakadapa na siya ngayon sa tiled floor ng simbahan at umaaray gamit ang pobreng profanity word ng mga Hapon na natutunan niya sa Japan. Halos mag-French kiss na sila ng sahig dahil sa lintik na lalaking nakadagan ngayon sa kanya. Nakadapa rin tulad ng sa kanya. Semi-doggy lang ang peg! Dahil sa bigat ng taong nakadagan ngayon kay Natasza kung kaya't nahihirapan siyang tumayo at ialis ito sa kanya. Mukhang lango ito sa alak. "S-stop... Stop the w-wedding! Stop!" Sa kabila nang maingay na bulung-bulongang bumabalot ngayon sa buong simbahan ay nagawa pa ni Natasza na pakinggan ang ibinubulong ng lalaking nakadagan sa kanya. Halos mamatay na ang boses nito sa gitna ng lalamunan nito. Lasing nga! Muntik nang makalimutan ni Natasza ang orihinal na pakay niya sa simbahan na iyon nang malaglag sa gilid ng leeg niya ang mukha ng lalaking nakadagan sa katawan niya. Ay maderpaker! Ang guwapo. s**t! At amoy mayaman ang hininga kahit lasing. Nahigit ni Natasza ang kanyang hininga nang nag-half open ang mapupungay na mata ng estranghero. Ay maderpaker again! Pati mata ang lupit. Nakaka-devirginize. But his smell. That smell. Hindi niya maalala kung saan at kanino niya maihahalintulad ang amoy na iyon ng lalaki. That alluring scent smells familiar. Napakurap si Natasza at nilaban ang kakaibang reaksyon ng katawan niya dahil sa nakakapukaw-atensyon na amoy ng lalaki. "Help him to get up! Help him!" Boses ng isang babae ang nagpabalik kay Natasza sa kanyang huwisyo. May dalawang naka-tuxedo na nagguguwapuhang kalalakihan ang umalalay sa estranghero upang alisin ito sa kanya. Noon naman siya tumayo’t ganoon na lamang ang pamimilog ng Asyano niyang mga mata nang mawaring wala siyang kakilala ni isa sa kanyang paligid. Nalilito ang lahat. Lalo naman siya. Pero nasaan ang manloloko niyang jowa na si Nardo? Iginala niya ang kanyang gulat at nagtatakang mga mata sa buong simbahan pero wala talagang Nardo na naroon. The bride was in front of her now. Also the groom. Lahat ng mga naroon ay nakatingin sa kanya. Iba-ibang reaksiyon ang natanggap niya mula sa mga ito. Karamihan ay animo'y nangungutya na para bang isa siyang itik na nakihalubilo sa mga sisne. At lahat ng mukhang naroon ay hindi pa niya nakita ni sa panaginip. Hala! p***s na! "Nasaan si Nardo?" Wala sa sariling tanong niya. Nakakabingi pa rin ang mga bulung-bulongan sa paligid. Luminga-linga siya. "Miss, excuse me but who the hell is Nardo?" Seryosong tanong sa kanya ng groom. Sa mabilisang pag-aaral ay mapapansin ang malaking resemblance ng groom at ng lalaking natumba sa kanya. Mukhang banyaga ang mga ito. Kapwa nagtataglay ng berdeng mga mata. Iyong tipong nakakahipnotismo. Medyo tinablan na talaga siya ng kaba ’t hiya habang sinasalubong niya ang ilang pares ng matang gumigisa at nagtataka sa presensya niya. Atsaka nasa simbahan ba talaga siya o sa isang exclusive male fashion show? Kasi pinapalibutan siya ng buhay na mga bathala ng Gresya. Napalunok siya’t binasa ang pang-ibabang labi gamit ang kanyang dila as a sign of nervousness. "Si Bernardo Pulangbato ba. AKA Nardo, iyong mammal kong jowa na naiwan dito sa Pilipinas kong mahal. Matangkad siya pero mas lamang ka. Hindi siya ganoon kapangit. Sakto lang. Walang abs pero keri lang atsaka may nunal banda sa sentido pero bobo. Basta si Nardo! Kasal niya kasi ngayon sa ibang babae kaya..." "Sweet Jesus! I guess you are in a wrong church, Miss. Kami ang ikinakasal ngayon dito. Here's my bride, Bianca Topacio and I'm the groom. Wala rito ang Nardo na nanloko saiyo." Ouch ha! Napangiwi si Natasza. "Kailangang ipamukha mo talaga sa akin na natanso ako ng isang mukhang kabayo, dzong? p***s na! Ayaw ko na! 'Ge, sayonara. Ave maria, santisima! Tuloy n'yo na ang kasal ninyo. Arigatōo! Mabuhay kayo. Woah! Mabuhay ang bagong kasal. Woah!" Rumampa si Natasza palabas ng simbahan na para bang walang nangyari nang maalala niya ang lalaking sumira sa palabas niya kanina na pinaghandaan pa niya nang husto. Nakaupo na ito ngayon sa isang mahabang upuan sa simbahan na kulay-tsokolate at sinusubukang kausapin ng mga lalaking tumulong dito kanina. All of them possessed an intimidating manliness and unforgiving charm and sexiness. Iyong detalye ng mga mukha nila, parang nakita na talaga niya dati. She just can't recall when and where pero malakas ang radar niyang nakita na talaga niya ang mga ito o baka kamukha lang. Nilapitan niya ito. Mukhang nahimasmasan na rin naman ang anyo nito kahit papaano. "Hoy, Captain America!" She called attention of the guy. ‘Takti! Bakit ang lakas ng dating nito kahit mukhang walang paligo? Iba ang hampas ng kamandag na taglay nito e. Malakas na kahit ang nananahimik niyang matris ay sinalakay pa ng kiliting dulot nito sa kanya. His best asset was his hawkish eyebrows which made his face looks severely handsome. And his chin is so nice. He has a solid jawline, lips to die for. His outward aspect is so manly without compromising. Si Captain America ang unang pumasok sa kanya- sa isipan pala niya nang lubusan niyang masilayan ang mukha ng lalaki sa malapitan. Hawig kasi ito ni Chris Evans maliban lang sa berdeng mga mata nito na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Pero may anggulo na parang nag-iiba ang kulay niyon. His brunette bombshell hair were disheveled and his body is a total buff. Para talagang pinipilipit ang matris niya habang sinasalo niya ang expressionless nitong tingin. Kasing-lamig pa iyon ng winter sa Japan. Pero gayunpaman ay hot pa rin ito kahit wasted. "Cap? What?!" Natasza held her breath when the man finally spoke. His voice was... Oh, he sounds like a beast. Maangas niya itong inirapan. "May atraso ka sa akin, dzong. Nasira ang acting workshop ko kanina dahil binangga mo ako. Dinoggy mo pa ako sa Versace on the floor kaya ang sakit-sakit ngayon ng balakang ko. Hindi ako makakalakad ng maayos. Nahihirapan ang sariling pinipilit ay ikaw. Atsaka kung alam mo lang, muntik mo na akong ilagay sa kapahamakan dahil sa pagdagan mo sa akin. Now, bayaran mo ako! Kailangan ko ng pera para pambayad sa matutuluyan ko!" Scammer mode.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD