"Now that I've told you, maybe you can finally let me go," sabi ni Sabrina sa malamig na boses. Agad na tumayo si Hunter at naghanda na tanggalin ang mga tanikala na nakagapos sa kanyang mga kamay, ngunit huminto siya at tumingin muli kay Sabrina bago nagsalita. "Hindi sa ngayon," aniya. "Ano? Ano pa bang gusto mo sa akin? Nakinig na ako sa'yo, Hunter Kiers, wala ka bang kahit isang salita?" "I'm sorry, sweetheart, but I can't let you go yet. I want you to stay with me even just for a day. I miss you, I want you," mahinang sabi niya. Hindi mapigilang mapabuntong-hininga si Sabrina habang pinipigilan ang galit na nagsasalita si Hunter sa harapan niya. Ngunit naputol ang kanilang pag-uusap nang may kumatok sa pinto ng tatlong beses, na sinundan ng boses ni Elisa. Mabilis na tumayo si Hunt