Chapter 42:IRON RING

2333 Words
Mabilis at confident na naglakad si Sabrina sa hallway ng casino, ngunit bigla siyang napatigil nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Siya ay mabilis na nagtago sa likod ng isang malawak na pader at pagkatapos ay hinarap ang tao, at diretsong hinawakan ang leeg nito. "Bakit mo ako sinusundan? Sino ang nagpadala sa iyo? Tell me," she demanded sharply. "Si Boss Shadow, inutusan niya akong sundan at subaybayan ang bawat kilos mo," nauutal na sagot ng lalaki sa kanya. Agad na bumitaw si Sabrina nang marinig ang tugon. "Hanggang ngayon, wala pa rin siyang tiwala sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito. Ginawa ko naman lahat ng mga utos niya. I even started to think na may tinatago siya sa akin. Tama kaya ang sinabi sa akin ni Hunter Kiers na ginagamit nila ako laban sa kanya?" bulong niya. "Umalis ka na at gawin mo ang iyong trabaho," mariing utos niya. "Anong ibig mong sabihin, Brina? "Simply lang, isumbong mo sa kanya ang nangyari ngayon. Naiintindihan mo ba?" Agad namang tumango ang lalaki at mabilis na umalis sa kanyang harapan. Pagkatapos, nagmamadaling naglakad si Sabrina papunta sa kwarto kung saan niya iniwan si Hunter. Pagdating niya, agad bumagsak ang mga mata niya kay Hunter na natutulog pa rin sa sulok. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa harapan habang minamasdan mabuti ang mukha nito. "Sino ka ba talaga, Hunter Kiers? Why do I feel this way? Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo. Nagkaroon na ako ng pagkakataon na patayin ka, pero bakit hindi ko magawa? Bakit? Parang pakiramdam ko ay may mali dito. Marami kang pagkakataon na saktan ako, pero hindi mo ginawa. Bakit iba ang nakikita sa'yo? Bakit wala akong maalala sa aking nakaraan?" Galit na bulong ni Sabrina sa sarili. Agad niyang hinugot ang baril sa likod at itinutok sa ulo ni Hunter. "Damn it," ibinato niya ang baril na hawak niya. Nang maramdaman ang pagbilis ng pagyanig ng kanyang mga kamay, kaagad niyang tinulungan si Hunter palabas ng kwarto at saka sumakay sa kotse. Habang nasa daan sila, hindi niya maiwasang magnakaw ng tingin kay Hunter habang payapang natutulog sa tabi niya, nakapatong ang ulo sa balikat niya, hanggang sa makarating sila sa pribadong gusali. Pagdating, pinaupo niya ito sa upuan at binalot ng lubid ang katawan nito. Umupo si Sabrina sa isang upuan, hinihintay siyang magising. Pagkaraan ng ilang saglit, iminulat ni Hunter ang kanyang mga mata at agad na pinagmasdan si Sabrina, na nakaupo sa kanyang harapan at naka-cross legs. "You're awake now," wika ni Sabrina sa malamig na boses. "Good morning, sweetheart," sabi ni Hunter na may ngiti sa labi. Napataas ang kilay ni Sabrina nang makita ang pilyong ngiti nito. "Bakit mo ako iniligtas kay Amanda? Akala ko ba nakalimutan mo na ako? Huwag mong sabihing nasa puso mo pa rin ako. Masaya ako, sweetheart, kahit nakalimutan mo na ako, nananatili pa rin ako diyan. Thank you for coming and saving me from danger," ani ni Hunter. "Iniligtas? Ikaw, you're wrong, Hunter Kiers; I didn't save you from Tres." Agad sumalobong ang dalawang kilay ni Hunter nang marinig ang nasabing pangalan. "Tres? Kung gayon, tama ang mga hinala ko sa kanya," bulong niya habang tahimik na pinagmamasdan si Sabrina. Ngunit bigla siyang naibalik sa realidad nang hampasin ni Sabrina ang maliit na mesa. "Isa ka talagang bastos, no?" mariing sabi ni Sabrina habang tinitigan siya na parang hinuhuburan at tumagos sa kanyang kaluluwa. Napangiti nang bahagya si Hunter nang makita ang pagkakakulay-pula ng pisngi niya sa galit. "Calm down, sweetheart; huwag kang magalit, okay? Sobrang namiss lang kita, at ganito naman talaga ako tumitig sa'yo dati pa," biro ni Hunter habang may twinkling eyes at ngiting mapang-asar, na ina-asar si Sabrina. Tumayo si Sabrina sa kinauupuan niya at lumapit sa upuan ni Hunter. Diritso niyang siniil ang leeg nito, ngunit hindi ito pinansin ni Hunter. Sa halip, naamoy niya ang mukha at dire-diretsong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang biglang tumanggap ng malakas na sampal ang pisngi niya. Napakagat-labi si Hunter at diretsong tumitig kay Sabrina. "Alam mo bang ikaw lang ang makakagawa nito sa akin? You hit me, sweetheart. Ibig sabihin noon, may nararamdaman ka para sa akin? Alam kong mahal mo pa rin ako. Hindi mo iyon maitatago sa akin. No matter kung ano ang gagawin mo sa akin, hindi ako lalaban sa'yo," aniya sa mahinang boses. Ngunit biglang nabaling ang atensyon ni Sabrina nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanilang kinalalagyan. Mabilis niyang hinugot ang rubber knife na nakasukbit sa kanyang binti at itinutok sa leeg ni Hunter nang makita ang mga kasama nito na nakatayo sa kanyang harapan, nakatutok sa kanya ang kanilang mga baril. "Ibaba niyo ang inyong mga baril," utos ni Hunter sa kanyang mga tauhan, na agad naman nilang ginawa. Gayunpaman, mabilis na nabaling ang atensyon ni Sabrina nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Elisa habang nagsasalita. "Sab, I'm your sister, Elisa. Ibaba mo yang kutsilyo mo, okay? Mag-usap tayo. Hindi kami ang kaaway mo dito." "Anong sabi mo? Sister?" tanong ulit ni Sabrina. Agad namang tumango si Elisa na may malungkot na ekspresyon sa mukha at malumanay na tono habang nagsasalita sa kanyang harapan. "Hindi, patay na sila. Are you trying to deceive me? Wag kang lalapit kung ayaw mong butasin ko ang leeg ng amo niyo," mariing sabi ni Sabrina. "No, I am not deceiving you, Sabrina. I'm your sister, alive with Daddy and Mommy. Hunter saved them from danger. Please let me explain to you. Listen to me just this once. Kami ang mga kakampi mo dito, hindi sila." “Sabrina, please wake up to reality. Alam mo ba kung ilang taon kaming nagluksa sa pag-aakalang patay ka na? "Sab, naiintindihan ko na marami kang pinagdadaanang hirap, pero hayaan mo kaming tulungan kang maalala ang lahat. Lahat ito ay kagagawan ng Shadow B Organization. Pinapatay nila tayo at ang ating buong pamilya, at hindi pa sila tumigil doon. Sa araw ng iyong kasal kay Hunter, tinambangan ka kasama si Alessandro. "Anong sabi mo? Paano mo nakilala si Aless? Bakit hindi niya sinasabi sa akin ang tungkol dito? Bakit?" bulong niya sa sarili, nanginginig ang buong katawan niya sa hindi inaasahang pangyayari. "Ms. Brina, nagsasabi ng totoo si Ms. Elisa. Alam mo ba kung ilang taon nagdadalamhati si Boss at naghihiganti sa mga kaaway dahil sa nangyari sa iyo? Mahal ka ni Boss Hunter. Hindi mo ba nakikita iyon? Kahit na patayin mo na siya, hindi pa rin siya lalaban dahil mahal na mahal ka niya?" sagot ni Ben. Kaagad niyang inilipat ang tingin kay Hunter, na nakaupo sa upuan, at pinagmamasdan siya. "Sweetheart? Anong klaseng palabas 'to, Hunter Kiers? Sa tingin mo ba mahatak mo ako sa drama mo?" "Sab, please listen to me. I know you see us as enemies, but that's the truth: you're my sibling," she said. Itinutok pa ni Sabrina ang kutsilyong hawak niya sa leeg ni Hunter. "Huwag kang lalapit," babala ni Sabrina kay Elisa. Sa isang mabilis na galaw, inilipat niya ang kutsilyong hawak niya kay Elisa, ngunit napapikit na lamang si Hunter habang ang dulo ng kutsilyo ay dumampi sa kanyang leeg. "Boss," sabi ng mga tauhan niya nang makitang tumalsik ang dugo sa leeg nito. "Walang gagalaw, hayaan niyo siya sa gusto niya," sabi ni Hunter. Ngunit biglang nagpanting ang tainga ni Sabrina nang maramdaman niya ang lapit ng mga yapak na nagmamadali papunta sa kanilang direksyon. Agad nagkatinginan ang mga kasama ni Hunter at agresibong kinuha ang kutsilyo ni Sabrina, na naging simula ng kanilang engkwentro. Sa gitna ng palitan ng mga suntok at sipa, isang sagutan ang naganap sa pagitan nina Sabrina at Elisa, kasama ang grupo ni Hunter. Dali-daling tinanggal ni Hunter ang lubid na nagdidiin sa kanyang katawan gamit ang bakal na singsing na may kutsilyo. Sa isang mabilis na aksyon, sinuntok ni Hunter si Sabrina sa batok, na nagdulot ng pagkakawalan nito ng malay. "Let's go, hindi tayo dapat mahuli dito, lalo na si Sabrina," sabi ni Hunter. Binuhat niya si Sabrina na parang isang sako ng bigas, pinatong sa isang balikat, at mabilis na umalis sa lugar, dumiretso sa dalampasigan kung saan nakaparada ang kanyang pribadong bangka. Pagdating, dire-diretso siyang pumasok sa kanyang pribadong kwarto at inihagis si Sabrina sa malambot na kama. Ikinadena niya ang mga kamay nito sa gilid ng kama. Nakaupo ngayon si Hunter sa sofa, sunod-sunod na napabuga ng usok habang umiinom ng alak, pinagmamasdan si Sabrina na nakahiga sa malambot na kama. Makalipas ang ilang sandali, nagising siya. Agad na inilibot ni Sabrina ang mga mata sa buong silid, nagulat siya at diretsong bumangon, ngunit mabilis na napabalik sa paghiga. Sinulyapan niya ang kanyang mga kamay na nakagapos ng kadena. "Damn it, Hunter Kiers, pakawalan mo ako dito!" sigaw niya. Tumayo si Hunter at naglakad patungo sa gilid ng kama. "Good morning, Sweetheart. You're awake now," sabi niya sa matamis na boses. Agad na kumislap ang mga mata ni Sabrina nang makita ang pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. "Hunter Kiers," galit na sambit ni Sabrina habang nilalabanan ang kadenang nakagapos sa kanya. "Don't exert yourself, Sweetheart. Kahit anong gawin mo, hindi mo ako matatakasan. Simula ngayon, manatili ka sa tabi ko, sa gusto mo man o hindi," sabi ni Hunter sabay hawak sa pisngi niya, pero mabilis na iniwas ni Sabrina ang kanyang mukha. Dahil sa kilos na ito, ikinuyom ni Hunter ang kanyang kamao, pinipigilan ang sarili na mainis. "You are really obstinate, Brina," bulong ni Hunter at saka direktang hinawakan ang dulo ng bibig niya at mapusok na hinahalikan siya. Gayunpaman, huminto si Hunter sa kanyang mga aksyon nang kagat-kagat ni Sabrina ang kanyang labi. Napangiwi siya dahil sa sobrang lakas ng kagat nito na nagdulot ng pagdurugo sa labi niya. "You're truly fascinating, Brina. Kaya lalo akong humahanga sa'yo dahil sa mga kilos na ginagawa mo," aniya sa malambing na boses. Agad siyang umupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang mukha ni Sabrina na namula sa galit. Ngunit mabilis na pinigilan ni Hunter ng isang braso niya at hinawakan ang isang paa na mabilis na sumipa sa kanyang leeg. "Nice move, sweetheart," aniya na may pilyong ngiti sa labi. "Bastos," mariing nasabi ni Sabrina nang halikan ni Hunter ang paa niya. "You are so rude," pero hindi siya pinansin ni Hunter at mas pinadausdos ang kamay sa paa niya habang mahigpit ang pagkakahawak nito. “Sweetheart, please, we can talk, not like this, okay? Listen to me, ano pa bang gusto mong gawin ko para magkaroon tayo ng disenteng usapan? "I want to end your life in front of me, Hunter Kiers. Kahit ano pang drama ang gagawin mo? I don't believe you. I know this is a trap to gain my trust, and then what? To ilagay sa panganib ang buhay ng mga anak ko? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin ngayon dahil dito? Maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga anak ko. Hayaan mo akong bumalik sa kanila; hinihintay na nila ang pagbabalik ko." Nagpanting ang tenga ni Hunter sa narinig. "May anak ka na? May anak na ba tayo, Brina? Totoo ba 'yon? Na may anak na tayo? Sweetheart, sabihin mo sa akin ang totoo. Nasaan sila? Gusto ko silang makita. Please tell me," sabi ni Hunter na nakatitig sa mga mata ni Sabrina. "Okay, I'll tell you. Indeed, I have twin daughters. Hindi ako sigurado kung sila ay tunay na aking mga anak dahil wala akong maalala sa mga kaganapan o kung kailan ito nangyari. Ang mga pangyayari sa aking kapanganakan ay nananatiling isang misteryo sa akin. Tanging si Aless at Irish ang nakatayo sa tabi ko, na nag-aalok ng kanilang walang humpay na suporta. Sabi nila, nawala daw ang alaala ko dahil sa nangyari sa akin pagkatapos ko silang isilang. Ako ay naaksidente sa sasakyan. "Hunter, hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga nangyayari ngayon. Bagama't maayos ang pakikitungo sa akin ni Boss Shadow, kasama ang mga bata, pero hindi ko pa rin makuha ang tiwala niya, kahit patayin kita ngayon." "Sabrina, I'm sorry. I didn't know that your situation was like this. I'm sorry I abandoned you. Ipinangako kong gagawin ko ang lahat sa aking makakaya upang iligtas kayo mula sa mga kamay ng ating mga kalaban," naluluhang pahayag ni Hunter, nakakuyom ang kanyang mga kamao sa isang pinaghalong lungkot at galit. Gayunpaman, agad na nabaling ang atensyon ni Sabrina sa bakal na singsing na suot ni Hunter sa kanyang unang daliri. "Bakit siya meron niyan? Katulad ng bakal na singsing na binigay ni Irish sa akin bago siya namatay. Hindi ako puwedeng magkamali; pare-pareho ang disenyo ng singsing." "What's wrong? May naalala ka ba?" tanong ni Hunter nang mapansin niyang nakatitig si Sabrina sa mga daliri nito. "Yung singsing..." "Oh, this is mine. I also gave you the other one," sagot ni Hunter sabay alis nito sa unang daliri at ipinakita kay Sabrina. "Alam mo bang may nakatagong kutsilyo ang singsing na ito, sweetheart?" "Nakatagong kutsilyo?" tanong niya ulit. "Yes, do you have it now?" tanong ni Hunter. "Yeah, Irish gave me this before she passed away," sagot ni Sabrina sabay turo sa dibdib niya. Agad namang nilapitan siya ni Hunter at pinagmasdan ang leeg, saka maingat na inalis at siniyasat. Nanlaki ang mga mata ni Sabrina sa gulat nang may lumabas na nakatagong kutsilyo mula sa metal na singsing, at ganoon din ang ginawa ni Hunter sa kanyang singsing. "Now, do you believe me, Sweetheart? I am your husband. Don't worry, you'll stay in the Shadow organization until I find a way to get you out of their hands. Hindi ko hahayaang may mangyari muli sa iyo, Brina. Trust me, okay?" sabi niya sabay lapit ng mukha kay Sabrina at hinalikan ito sa noo. Hindi alam ni Sabrina ang gagawin sa sandaling iyon; para siyang estatwa sa pwesto niya, hindi maigalaw ang kanyang katawan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD