Nakaupo si Sabrina habang nag-iisip ng paraan kung paano mailigtas si Alessandro sa underground na iyon. "Di ako makapaniwala na ganito ang sitwasyon namin ni Aless. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat? Bakit kailangan niyang itago ito sa akin? Bakit? Aless, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi ang sinasabi sa akin ni Kuwatro. Kailangan naming makaalis dito sa lalong madaling panahon at malayo sa kaguluhang ito," bulong niya at mariing kinuyom ang kanyang mga kamao. Ngunit mabilis na nalipat ang atensyon niya sa dalawang bata na tumatakbo papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. "Mommy, why are you sad? We miss Uncle Aless. Bakit hindi pa siya umuuwi?" tanong ng dalawang bata habang nilalaro nila ang kanilang mga manika. Agad namang hin