"Nakaupo ngayon si Hunter sa kanyang pribadong opisina sa loob ng mansyon, pinapanood ang recorded video na nakuha niya mula kay Sabrina, marahang hinawakan ang screen ng laptop.
"Sweetheart, I'm sorry, wala akong nagawa para protektahan ka mula sa kanila," sabi niya sabay kuha ng sigarilyo sa pakete at humihithit ng sunud-sunod na pagbuga ng sigarilyo at saka tinunga ang isang bote ng alak. Hindi man lang napansin ni Hunter ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"This is the first time I've cried again after Mommy passed away decades ago, Brina. Patawarin mo ako. Hindi kita nailigtas sa kapahamakan," aniya at saka kinuha ang kalahating bote ng alak, uminom at dire-diretso ang paglagok sa kanyang lalamunan.
Agad na tumayo si Hunter at pagkatapos ay kumuha ng ilang bote pa ng alak sa refrigerator. Matapos buksan ang isa at humigop, bigla niyang binitawan ang bote sa kanyang kamay at inihagis ito sa kanyang harapan kasama ang mga gamit sa mesa sa sobrang galit at panghihinayang sa mga nangyari kamakailan. Sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Sabrina. Ngunit naputol ang kanyang paghagis nang pumasok si Manang Kabing para pakalmahin siya.
"Hunter, pwede ba tayong mag-usap, anak?" sabi ni Manang Kabing habang naglalakad palapit sa kanya. Tiningnan lang siya ni Hunter at saka pabagsak na umupo sa upuan.
"Alam kong nasasaktan ka, anak, dahil sa pagkawala ni Brina. Sa tingin mo ba masaya siya kung nasaan man siya ngayon? Alam kong hindi madali para sa iyo ang pagkawala niya, pero kailangan nating tanggapin na wala na siya. Kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo. Isipin mong nandito pa ang Daddy mo at ang mga taong nakapaligid sa iyo."
Napabuntong-hininga si Hunter nang marinig ang sinabi ni Manang Kabing.
Matapos ang pakikipag-usap ni Manang Kabing sa kanya, agad siyang tumayo at naghanda nang umalis, ngunit napatigil nang biglang magsalita si Hunter.
"Salamat, Manang." Isang malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Manang Kabing nang marinig ang kanyang salita. Mabilis niyang iniwan si Hunter, na nakaupo pa rin sa kanyang upuan na may hawak na sigarilyo at walang tigil na bumubuga ng usok.
Agad niyang tinawag ang mga tauhan niya na nasa labas ng silid at kinausap ang mga ito.
"Aless, I assigned you to investigate the situation and find out who was behind the ambush kina Brina sa araw na iyon. I need the results pronto," he said. Napakamot ng ulo ang kanyang nasasakupan bago nagsalita.
"Boss, wala na po si Aless; he is dead kasama ni Ms. Brina," diretsong sabi niya. Napapikit kaagad si Hunter nang mapansin niyang nawawala siya sa sarili. Mabilis niyang nilagok ang kalahating bote ng alak bago nagsalita.
"Sandro, inaatasan kitang imbestigahan ang nangyari. Gusto ko agad ng resulta, at walang dapat makaalam nito. Naiintindihan mo ba?"
"Yes, boss," sagot niya bago mabilis na umalis sa kanyang harapan. Mabilis niyang kinuha ang kanyang itim na jacket sa upuan at dali-daling umalis sa pansamantalang opisina, patungo sa garahe kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
Habang naglalakad siya sa hallway, malugod siyang sinalubong ng mga tauhan niya.
"Humanda kayo, aalis tayo," sabi niya nang diretso. Mabilis na naghiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at sumakay sa kanilang mga sasakyan patungo sa dalampasigan.
Pagdating, agad siyang bumaba ng sasakyan at naghandang sumakay sa pribadong bangka papuntang Yum-yum Island. Gayunpaman, napahinto siya sa paglalakad nang biglang sumulpot ang isa sa kanyang pinagkakatiwalaang tauhan.
"Boss, nakatanggap ako ng impormasyon mula sa isa sa ating mga tauhan na nagmamanman sa ating mga kaaway. Nakita niya ang mga tauhan ni Shadow B sa Casino War, kung saan sila tumatambay at naglalaro gabi-gabi. At hindi lang iyon, Boss; pinadalhan niya ako ng mga larawan," sabi niya sabay pakita ng cellphone niya. Agad naman itong kinuha ni Hunter at pinagmasdang mabuti ang mga larawan na hindi pamilyar sa kanya.
What is the identity of this woman?
"We haven't identified that woman yet, Boss. In fact, it will be a challenge for us to uncover her true identity, but her associates refer to her as Ono.
"Ono?"
"Yes, Boss. Matinik ang babaeng 'yan; hindi ganoon kadali kalabanin.
"Oh! She's intriguing. I aim to meet her to settle her debts to me. Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa nila kay Sabrina. Oras na para kumilos. We must bring them down one by one until we find the whereabouts of that Shadow B. Malaki ang pinsalang naidulot niya sa akin. Sa pagkakataong ito, determinado akong manalo sa laban na ito.
Brina, I assure you, pagbabayaran nila ang ginawa nila sa iyo, Ben. Ikaw ang sasama sa akin sa War Casino. Panahon na para kumilos laban sa kanila.
"Yes, boss," sagot niya. Agad na tinungo ni Hunte ang opisina ng organisasyon.
Pagdating niya, agad siyang umupo sa itim na upuan at pinagkrus ang kanyang mga paa.
"Ben, ihanda mo na lahat ng kailangan natin ngayong gabi; aalis tayo," utos niya. Mabilis naman sinunod ang utos nito. Agad na pumunta siya sa pribadong silid kung saan nakalagay ang kanilang mga kagamitang metal para sa paglalakbay sa War Casino.
Habang kinukuha niya ang mga baril sa kanilang lalagyan, bigla siyang napatigil nang magsalita ang isa niyang kasama.
“Bro, ito na ang simula ng malaking laban na kakaharapin natin. Sa mga kinikilos ngayon ni boss Hunter, walang duda na walang makakapigil sa kanya ngayon.
"Walang bago doon, bro. Ganito naman tayo dati. Araw-araw na humaharap sa mga laban. Nagbago lang ang mga bagay nang dumating si Ms. Brina. Pero ngayon, dapat nating asahan na mas matindi pa ang mga pangyayari kaysa dati," maayos na tugon ni Ben sa kasama.
Mas mabuti pa kung tulungan mo na lang ako sa pag-aayos ng mga baril. Dadalhin natin agad ito kay boss.
"May plano ba tayo?"
"Oo, pupunta tayo sa War Casino."
"Ano? Pero napakadelikado niyan! Iyon ang kuta ng ating mga kalaban. Sigurado akong malalagay sa panganib ang buhay natin."
"We have no choice. This is an order from the boss. As his followers, we have no right to dictate what he asks us to do. Sa simula pa lang, alam na natin ang ating mga trabaho sa ilalim niya. Huwag mong sabihin na uurong na ang buntot mo, lalo na't nagbalik na ang dating kinikilos ni boss Hunter. Sa palagay mo, hindi tayo magtatagumpay sa labanang ito?" Tapik sa balikat niya bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa private office ni Hunter.
Pagkapasok, bumaling agad ang mga mata niya kay Hunter na humihithit ng sigarilyo habang may hawak na baso ng alak. Ang kanyang ekspresyon ay kahawig ng isang kinatatakutan, na may matinding lamig na nagmumula sa kanyang mukha.
"Malaki ang pinagbago ni boss; hindi na kasing prominente ang boses niya." Bumuntong-hininga siya at dire-diretsong naglakad palapit kay Hunter.
"Boss, eto na yung mga pinakuha mo sa akin," aniya sabay lagay ng isang kahon na puno ng iba't ibang armas sa mesa. Tumayo si Hunter at pinagmasdang mabuti ang laman ng kahon. Kinuha niya ang silencer gun pistol at pinasadahan ito ng kamay, naramdaman ang texture nito.
“Ben, sabihan mo ang mga tauhan natin na bantayan ang lugar, at gaya ng nakagawian, ipagawa mo ang dapat gawin. Sasamahan niyo ako ni Sandro sa loob ng casino para i-dismantle ang kanilang kuta.
"Boss, masyadong delikado ang gagawin natin. Ang ating buhay ay puwedeng malagay sa panganib kung tayo ay magpapatuloy. Hindi natin alam kung anong mga panganib ang naghihintay; paano kung isa itong bitag na naghihintay sa atin kapag sumugod tayo sa kanilang kuta?" Tinitigan siya ng diretso ni Hunter; ang kanyang mga mata ay may makahulugan.
"Are you questioning my decision, Ben? I am fully aware of the risks. Don't act like cowards. Kung uupo lang tayo dito at maghihintay, baka magising tayo sa isang bangungot. Hihintayin mo na lang bang mamatay nang dahan-dahan? Ganun ba ang ibig mong sabihin, Ben?"
"Simula ngayon, maghanda na kayo, dahil hahampasin natin sila sa oras na matagpuan natin ang kanilang mga pinagtataguan. Naghahanap sila ng kaguluhan, then I will give it to them. Let's take down our enemies one by one. Naiintindihan mo ba?
"Yes, boss," sagot niya at agad na kinuha ang baril sa kahon.
"Hindi natin kailangan ang malaking sandata na iyon; ang kailangan natin ay ang mga nakatagong kutsilyo at isang maliit na baril upang matiyak na walang ingay na mangyayari ngayong gabi sa War Casino."
"Ano ang iyong iminumungkahi, boss?"
"Stealthy assassination. No one should know our moves, not even Daddy."
"Boss, sa tingin mo, may kinalaman ba ang Daddy mo dito?"
"Hindi siya, kundi ang mga taong nakapaligid sa kanya. We must covertly investigate who is betraying the organization."
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, agad na nilinis ni Hunter ang kanyang black rubber knife at ang silencer gun nito.
Makalipas ang mahigit tatlong oras, agad silang umalis sa organisasyon at tumungo sa War Casino. Pagdating, nakita nila ang malaking gusali sa harapan nila.
Maraming tao ang pumapasok sa casino, at maraming bantay sa bawat sulok at pintuan.
"Boss, mukhang mahihirapan tayong makapasok sa casino na 'yan," sabi ni Sandro habang nakatingin sa buong gusali.
Nagpalinga-linga si Hunter habang isa-isa itong pinag-aaralan, mula sa pinto at bintana sa itaas na umabot ng hanggang 4 na palapag. Pero mabilis niyang inilipat ang tingin nang biglang sumulpot ang isa niyang tauhan at nagsalita.
"Boss, nakahanda na ang mga gamit sa loob," aniya sabay abot kay Hunter ng maliit na mapa.
Ito ang mapa sa loob ng War Casino. Bawat sulok dito ay may nagbabantay. Ang casino ay matatagpuan sa ikalawang palapag, na may bar sa tabi nito kung saan maraming babae ang sumasayaw sa entablado. Mag-ingat kayo, boss, dahil pinaghandaan nila ang iyong pagdating.
"So, kung gayon, naghahanda na sila?"
"Yes, boss," sagot niya. Agad niyang sinenyasan na aalis na ito sa kanyang harapan, at agad ding sumunod ang kanyang tauhan.
"Ben, Sandro, I will go inside alone. We need to deceive them. Kayo ni Sandro, umikot sa likod at alam niyo na ang gagawin. Silently eliminate them all. Naiintindihan niyo ba ang plano?"
"Yes, boss," sagot nila. Mabilis na naglakad si Hunter patungo sa harapan ng gusali habang hinihintay siya nina Sandro at Ben na makapasok sa loob.
"Ben, sa tingin mo ba makakalusot si boss nang hindi nalalaman ng ating mga kalaban?" tanong ni Sandro.
"Certainly, yes. Si boss pa. Hmm, see, simple lang. Matapos matagumpay na makapasok si Hunter sa lugar, mabilis nilang isinuot ang kanilang mga itim na maskara at kinuha ang kanilang gun silence pistol, at mabilis na umikot sa likod ng gusali.
Nang makarating sa kanilang destinasyon, huminto muna sila para pagmasdan ang tatlong guwardiya na armado habang bitbit ang matataas na kalibre ng baril. Sa isang mabilis na paggalaw, sabay silang tumakbo patungo sa mga bantay at walang awa na inikot ang kanilang mga ulo, na humantong sa katapusan ng kanilang buhay. Muling nagpatuloy sa paglalakad sina Ben at Sandro hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob ng gusali.
Habang naglalakad si Hunter sa hallway ng gusali, ini-scan ng kanyang mga mata ang bawat sulok na kanyang madaanan. Nakasuot siya ng itim na jacket at itim na sombrero. Agad-agad siyang umupo sa bakanteng upuan pagkarating niya sa casino at kumuha ng mahigit isang daang dice.
Habang naglalaro siya ng poker, maingat niyang pinagmamasdan ang kanyang paligid hanggang sa makita niya ang babaeng nakilala niya mula sa isang larawan, na kilala bilang Ono. Siya ay nakaupo sa isang mesa, nakikibahagi sa isang laro ng mga baraha.