Nakaupo si Sabrina sa harap ng malaking salamin habang ang kanyang makeup artist ay naglalagay ng makeup sa kanyang mukha. Pagkatapos nilang maglagay ng kolorete, agad siyang tumayo at sinuot ang kanyang wedding gown. Bakas sa kanyang mukha ang walang kapantay na kaligayahan.
"Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naghahalo ang kaba at nerbiyos, na mas bumilis ang pagtibok ng sarili kong puso sa mga sandaling ito. Pero agad na nabaling ang atensyon niya nang pumasok sa kwarto ang nanay niyang si Carla at nagsalita.
"Congratulations, Sab!" aniya na may malawak na ngiti sa labi. "Oh! Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil ngayon ang kasal niyo ni Hunter? May problema ba, anak?" Agad namang bumuntong-hininga si Sabrina bago sumagot.
"Ma, kinakabahan ako."
"Mahal, normal lang 'yong nararamdaman mo. Ganyan din ako noong ikasal kami ng papa mo," mahinahong pag-aassure ni Carla sa kanya habang inaayos ang kanyang wedding gown.
Matapos ang kanyang paghahanda at pag-aayos ng sarili, agad siyang bumaba sa ikalawang palapag ng mansyon. Habang pababa siya ng hagdan, sinalubong siya ng staff at inalalayan siya patungo sa kotseng nakaparada sa labas. Nakaalis na si Hunter papunta sa simbahan; umalis siya ng 9:00 ng umaga. Ang seremonya ng aming kasal ay nakatakdang magsimula sa 10:00, kaya may isang oras pa akong natitira. Habang nagmamadali sa hallway, napahinto siya sa kanyang paglalakad nang makasalubong niya si Alessandro.
"Good morning, Ms. Brina. Mrs. De la Peña. Boss Hunter instructed me to be your bodyguard on the way to the church," sabi ni Alessandro habang inihatid si Sabrina sa sasakyan. Pagdating, pinagbuksan sila ni Aless ng pinto, at mabilis silang pumasok sa loob.
"Aless, thank you," sabi ni Sabrina na may malapad na ngiti sa labi.
"Wala yun, Ms. Brina. I'm just doing my job. By the way, congratulations to you and Boss Hunter," ani Alessandro. Pagkatapos, pinaandar na niya ang sasakyan at umalis sa Kiers mansion.
Samantala, matapos suriin ang loob at labas ng simbahan, agad na naglakad si Hunter sa hallway ng simbahan patungo sa harapan ng altar.
"I've never been inside a church before. Sa buong buhay ko, I never expected this moment to come."
Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang pambisikong orasan. Pakiramdam ko, bumagal ang oras, ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang lumapit sa kanya si Mr. K, ang ama ni Hunter, na nakangiti. Pagkatapos, inayos niya ang lapel ng black American suit with gold accents na may puting rosas na nakalagay sa dibdib nito.
After your wedding with Sabrina, make sure na may apo agad ako," sabi ni Mr. K sa kanya. Humalakhak si Hunter saglit at saka sumagot.
"Ilang apo ang gusto mo, Dad? Isang dosena," pabirong sagot ni Hunter, ngunit pareho silang napatingin sa harap at ngumiti habang ang cameraman ay kumukuha ng panandaliang larawan nila. Pagkatapos ng photoshoot, agad na ibinalik ni Hunter ang kanyang tingin sa kanyang pambisikong orasan, pabalik-balik sa paglalakad habang sinusulyapan ang malaking pinto ng simbahan na bumukas. Bakit ang tagal ni Sabrina? Limang minuto pa lang ang nakalipas, pero pakiramdam ay isang araw na. Kinakabahan na ako.
"Anak, calm down, okay? Maya-maya lang ay darating si Sabrina. Don't worry about anything, okay?" Paninigurado ni Mr. K. Gayunpaman, patuloy siyang sumusulyap sa kanyang relo hanggang sa lumipas ang sampung minuto. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at tiningnan kung may mga mensaheng dumating.
Habang mabilis na nagmamaneho si Alessandro sa kalsada, bigla niyang pinaikot pakanan ang manibela nang may sumabog sa dinadaanan nilang daan.
"Anong nangyayari, Aless?" bulalas ni Sabrina nang marinig ang magkasunod na pagsabog.
"Ms. Brina, in-ambush tayo," diretsong tugon ni Aless habang mabilis na pinatakbo ang kanilang sasakyan sa zigzag motion, na may sunod-sunod na putok ng baril na umaalingawngaw sa paligid ng kanilang sasakyan.
"Hold on tight, Ms. Brina," sabi ni Alessandro sabay kuha ng kanyang cellphone sa bulsa at mabilis na dinial ang numero ni Hunter, ngunit bigla itong nahulog habang pinagbabaril ang kanilang sasakyan. Pakaliwa't kanan, napahawak si Sabrina sa kanyang upuan, naramdaman ang panginginig na dumadaloy sa kanyang buong katawan, habang si Carla ay taimtim na nagdadasal na nakaupo sa tabi niya.
"Bilisan mo, Aless, baka maabutan tayo," sabi ni Sabrina nang makitang may mga sasakyan na humaharurot sa likuran nila, humahabol at nagpaputok ng baril. Nanlaki ang mga mata ni Sabrina sa gulat nang mamataan niya ang sasakyan ng kanilang mga tauhan na sumasabog hindi kalayuan sa kanila.
Mahigpit na niyakap ni Sabrina ang kanyang ina nang maramdaman ang panginginig nito na hindi mapigilan. Ngunit mabilis na nabaling ang kanyang atensyon nang biglang binatukan ni Alessandro ang hindi kilalang grupo.
"Aless, si Mama," wika ni Sabrina na nabulabog ang dila nang makitang natamaan ang kanyang ina sa balikat.
"Mom, I'm sorry," sabi ni Sabrina, nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata habang mahigpit na niyakap ito. Pagkatapos, mabilis na binuksan ang pinto ng kotse.
"Aless, itabi mo ang sasakyan," utos ni Sabrina. Agad namang sumunod si Alessandro; pinatabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Humihingi ako ng paumanhin, Ma, ngunit kailangan kong gawin ito," sabi na nauutal-utal ang dila sa pagsasalita.
"Anak, hindi! Mamamatay tayong dalawa dito," tugon ni Carla habang handang itulak siya palabas ng sasakyan.
"Pero, Ma, kailangan ka ni Ate. I want you to live with Ate Elisa. I'm sorry you were involved in this," sa isang mabilis na paggalaw, tinulak siya nito sa gilid ng kalsada. Gayunpaman, bigla siyang kumapit at muntik nang mahulog sa sasakyan nang biglang pinihit ni Alessandro ang manibela upang maiwasan ang mga bala na lumilipad patungo sa kanilang sasakyan.
Hanggang sa may biglang humarang sa kanilang dinadaanan, agad na huminto si Alessandro sa pagmamaneho at pinanood ang ilang mga taong mabilis na bumaba sa kanilang mga sasakyan.
"Aless, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Sabrina na may pag-aalinlangan na wika.
"Wala nang ibang pagpipilian, Ms. Brina. Kailangan natin silang labanan hanggang kamatayan," diretsong sagot niya sabay kuha ng baril at mabilis na pinaputukan ang mga kalaban. Agad na naganap ang shootout sa pagitan ng dalawang grupo.
Sa kabila nito, mabilis siyang naglakad sa gilid at kinausap ang ilan sa kanyang mga tauhan. Nang bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng sarili niyang puso, pakiramdam niya parang may mali. Sa buong buhay ko, ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Pero mabilis niyang nabaling ang atensyon niya nang biglang sumulpot sa tabi niya ang isa niyang tauhan at bumulong.
"Boss, may malaking problema. Tinambangan ang sasakyang sinasakyan ni Ms. Brina," diretsong sabi niya. Nagpantig ang tenga ni Hunter sa narinig.
"What? Aniya na hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis at malalaki ang mga hakbang ni Hunter habang tumatakbo sa pasilyo ng simbahan palabas at dali-daling sumakay sa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng simbahan at dumiretso sa pinangyarihan ng insidente. Habang nagmamaneho siya sa kalsada, nakaramdam siya ng takot at pagkabalisa. Mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suit at agad itong sinagot.
"Congratulations, Mr. Hunter! Nagustuhan mo ba ang regalong inihanda ko para sa iyo?" pang-aasar ng boses sa kabilang linya.
"Who are you? Show yourself to me! If anything happens to her, I swear you'll pay," sagot ni Hunter na may bahid ng galit sa tono nito.
"Oops, calm down, Mr. Hunter. Our battle has just begun. I didn't expect that girl to bring me luck. You have five minutes left to save her," sabi ng boses bago biglang pinatay ang tawag.
“Bilisan mo ang pagmamaneho,” utos nito sa driver na pabilisin ang takbo, parang lumilipad sa kalsada ang kanilang sasakyan. Pakiramdam ko ay napakabagal ng takbo ng kotseng sinasakyan ko.
"Wala bang mas mabilis pa dito?" tanong niya na may bahid ng pagkainip sa tono.
"Boss, sobrang bilis na ang takbo ng sasakyan natin," sagot ng kanyang tauhan na nagmamaneho. Sinulyapan ni Hunter ang speedometer at nakita itong nasa 100 mph. This is extremely dangerous and reckless. "Sweetheart, wait for me," sabi niya habang mahigpit na ikinuyom ang kanyang mga kamao. Ngunit biglang umalingawngaw ang mga putok sa kanilang paligid.
"Shit..." galit niyang sabi. "Ibigay mo sa akin ang baril mo," hiling niya. Agad na ibinigay ng kanyang tauhan sa kanya ang kalibre .45. Mabilis niya itong kinuha, binuksan ang bintana, at agad na pinaputukan ng ilang putok ang sasakyang nag-overtake sa kanila, na tumama sa tagiliran nito.
Ang kanilang sasakyan ay lumihis, nagpapalitan ng mga posisyon habang ang mga bala ay lumipad mula sa magkabilang panig ng grupo.
"We've got this, Hunter. There's no time to engage in combat with them. Go to Sabrina and rescue her," sabi ni Mr. K nang biglang sumulpot sa tabi nila kasama ang iba pa nilang tauhan.
Bumilis ang takbo ng kanilang sasakyan habang patuloy niyang pinaputukan ang mga kalaban na nakasunod sa kanila.
Ibinalik niya ang tingin sa likuran ng sasakyan para tingnan kung ano ang nangyayari. Mula sa kinaroroonan, tanaw niya ang malaking apoy na nagmumula sa ilang sasakyang sumabog.
Ilang saglit pa, napahinto sila sa kalsada nang makita nilang wasak at hindi na makilala ang mga sasakyan; ang iba sa kanila ay nasusunog na. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hinanap ang sasakyang sinasakyan ni Sabrina. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid, ngunit wala na siyang nakikitang bakas nito.
"Dito, boss." Sumigaw ang ilan sa mga tauhan niya. Mabilis na lumapit si Hunter sa kanila, ngunit nanghina ang kanyang mga tuhod nang makitang naging abo na ang nag-iisang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Mabilis niyang hinanap ang katawan ni Sabrina sa gitna ng mga nagkalat na abo, nanginginig ang buong katawan, hindi sigurado kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon.
"Sweetheart, where are you? Please speak, say something," sabi niya habang patuloy siya sa paghahanap.
"Boss, nahuli na tayo," sabi ng isa niyang tauhan. Biglang bumagsak ang mga tuhod ni Hunter sa lupa, hawak ang abo sa kanyang mga kamay.
"Sweetheart, I apologize for being late," aniya sa mahinang boses habang nagbabadyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, ngunit pinigilan niya ito. Habang pinagmamasdan ng kanyang mga mata ang lugar, may nakita siyang kumikinang sa kanyang harapan. Mabilis niya itong kinuha at pinagmasdan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang engagement ring ni Sabrina. Hindi na napigilan ni Hunter ang kanyang emosyon; napasigaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman.
"Hunter, nasaan si Sabrina?" tanong ni Mr. K na biglang sumulpot sa tabi niya. Pero hindi niya ito pinansin na parang wala siyang narinig sa sinabi nito.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa lupa, nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao.
"Search the entire area," mariing utos ni Mr. K sa mga tauhan niya na agad namang sumunod. Isang buntong-hininga ng hindi makapaniwala ang kumawala kay Mr. K sa mga pangyayari.
"Bruno, magsagawa ka ng imbestigasyon tungkol sa nangyari ngayon kung sino ang nasa likod nito. Kailangang may managot dito," mahigpit na utos ni Mr. K.