Chapter 32:CRIME BOSS

2054 Words
Napatingin ang babae sa kinauupuan ni Hunter nang bumulong ang isa niyang kasama. Maya-maya pa, mabilis itong umalis at tinungo ang ikatlong palapag. Sinundan siya ng mga mata ni Hunter, maingat na pinagmamasdan ang paligid. "Sigurado akong alam nila na nandito ako," sa isip niya, inilipat ang tingin sa bawat sulok ng silid. Agad niyang napansin ang ilan sa kanyang mga kaaway na nakatitig sa kanya; kitang-kita ang napapagot nilang mga panga. Mabilis na hinawakan ni Hunter ang baril na nakatago sa ilalim ng mesa; sekreto iyon na inilagay ng kanyang tauhan. Gayunpaman, umiwas siya ng tingin nang may babaeng papalapit sa kinauupuan niya. Nakasuot ito ng pulang damit na abot hanggang binti at pulang lipstick sa labi. Nakatago ang mukha niya sa pulang maskara. Habang papalapit ang babae na may malawak na ngiti sa labi, pagkarating niya ay agad nitong ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat at hinahaplos pababa sa dibdib nito. Pinayagan siya ni Hunter na ipagpatuloy ang kanyang mga aksyon habang sunod-sunod ang paghithit niya ng sigarilyo. "Young master, I never expected na magaling ka sa paglalaro ng baraha. I like you. Free ka ba ngayong gabi?" tanong niya na may malawak na ngiti sa labi habang gumagapang ang mga kamay nito patungo sa kandungan niya. Mabilis na hinawakan ni Hunter ang isang kamay niya at nagsalita, "Don't touch that, baka hindi mo kayanin lunukin kapag yan ay tumayo." Napangiti sandali ang babae. "Naku! Talaga, pero wala namang mawawala kung susubukan natin." "Are you trying to entice me? I know that you're deceiving me, and you're using a honey trap," bulong ni Hunter habang gumagapang ang kamay sa loob ng damit niya. "What?" "Yes, oops, do not move kung ayaw mong mauna ang iyong ulo na kumalat dito. Keep playing the game," utos niya sa mahinang boses, agad na nakataas ang kilay nito sa pagkagulat ng marinig ang mga salita mula kay Hunter. Gayunpaman, sa mabilis na paggalaw, sinipa niya si Hunter patungo sa leeg nito, ngunit isang braso ang humarang sa kanyang pag-atake at mabilis na kinuha ni Hunter ang mga dice sa mesa. Sa isang tuluy-tuloy na paggalaw, inihagis ni Hunter ang mga dice sa mga kalaban, na mabilis na umabot sa kanilang mga baril, ngunit bago pa sila makabunot, tumama ang mga dice sa kanilang mga ulo at leeg. Sa isang mabilis na paggalaw, inilabas ni Hunter ang isang silenced pistol mula sa ilalim ng mesa at walang awang pinagbabaril ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ng mga kalaban sa gulat nang makita nilang wala nang buhay ang mga kasamahan at nakahandusay sa sahig, naliligo sa sariling dugo. "Hunter Kiers," giit na sabi ni Ono kasabay ng pagtaas ng kanyang mga kamay habang umaatras siya sa baril ni Hunter na nakatutok sa kanyang katawan. Mabilis niyang sinipa ang kamay na may hawak ng baril, dahilan para tumilapon ito sa sahig. Agad-agad, nagsimula ang labanan ng dalawa na nagpapalitan ng suntok at sipa. Mabilis na kumuha si Hunter ng ilang dice sa mesa at inihagis ang mga ito patungo sa paparating na mga kalaban. Habang nag-aaway sina Hunter at Ono, napansin niya ang isang lalaking nakatayo sa ikatlong palapag na nanonood sa kanila. Mabilis na iginalaw ni Hunter ang kanyang sarili, tinatarget ang mga kalaban isa-isa sa pamamagitan ng paghagis ng dice sa mesa, na tinamaan sila sa kanilang mga vulnerable spot. Pagkatapos ay sinundan niya si Ono habang tumatakbo ito patungo sa ikatlong palapag ng gusali; mahusay niyang itinago ang sarili nang makita ang mga bala na lumilipad patungo sa kanyang direksyon. Nahagip ng mata ni Hunter si Ono na sinenyasan ang kanyang mga nasasakupan na nakompromiso ang kanyang paligid. Nakatago sa likod ng isang maliit na pader, pinaulanan ng mga bala ng malakas ang kanyang posisyon. Nagsisigawan ang mga tao palabas ng casino. Mabilis na lumipat sa ibang lokasyon si Hunter at gumanti siya ng putok sa mga kaaway. "Anong sabi mo? Patay na ang lahat ng bantay," malakas na sabi ni Ono nang marinig ang sinabi ng kanyang kasama. Habang tumutulo ang dugo sa kanyang ulo, may mga tama ng bala sa kanyang binti at balikat. "Hunter Kiers!" pilit na sigaw ni Ono, puno ng galit ang boses habang tinatawag ang pangalan ni Hunter. Mabilis niyang hinablot ang baril ng kasama at nagpakawala ng sunud-sunod na bala patungo sa pinagtataguan nito, ngunit sa mabilis na paggalaw ay bigla siyang tinamaan ng bala sa balikat. "Ono, may tama ka," sabi ng kasama niya. Sinamaan lang niya ito ng tingin saka nagpakawala ng sunud-sunod na putok sa direksyon ni Hunter sa sobrang galit niya. Ngunit mabilis siyang nagtago sa likod ng mesa; sinipa niya ito bilang panangga sa kanyang katawan nang makita niya ang mga bala na paparating sa kanya. "Ono, kailangan na nating umalis dito. Kung itutuloy natin ang makipag-away sa kanya, sigurado akong sementeryo ang mapupuntahan natin," sabi ng kasama niya. "Natatakot ka na ba? Hindi tayo aalis hangga't hindi natin madadala ang ulo ng Hunter na iyon kay boss." "Pero hindi natin siya kayang labanan. May haplos ng pagkademonyo ang lalaking iyon. Napatay lahat ng tauhan natin sa isang iglap lang. Halika na, bago pa magkaroon ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalapit sa atin. Hindi mo ba nakikita? He is skilled and dangerous. "Gago!" bulalas niya, at pagkatapos ay binatukan ang kasama niya dahil sa matinding galit at pagnanais na makaganti. "Hunter Kiers..." nanginginig ang boses niya sa galit. Mabilis siyang tumakbo patungo sa ikaapat na palapag. Kaagad siyang sinundan ni Hunter, sinusubaybayan ang bawat kilos niya hanggang sa marating niya ang tuktok ng gusali. Mabilis na nagtago si Hunter sa malapad na pader nang makita ang mga bala na lumilipad patungo sa kanya. "This adversary is proving to be a formidable challenge," sabi ni Hunter habang mabilis niyang hinugot ang isang rubber knife mula sa kanyang sapatos at ibinato ito kay Ono. Gayunpaman, naiwasan niya ito at tumalon sa ikaapat na palapag ng gusali. Hindi makapaniwalang nakatingin si Hunter nang mawala siya sa kanyang paningin na parang anino. Napabuntong-hininga siya at nagsimulang maglakad, ngunit napahinto siya nang makasalubong sina Ben at Sandro. "Boss, ano na ang susunod mong plano ngayon? Nakatakas si Ono," tanong ni Sandro. "Babalik tayo sa organisasyon at planuhin nang mabuti ang mga susunod nating hakbang. Alamin kung saan matatagpuan ang kanilang mga pinagtataguan," sagot ni Hunter. "Boss, paano kung salakayin natin ang kanilang bangko? Isa ito sa mga pinagkukunan nila ng mga suplay, at nabalitaan ko na ang Shadow B ang nasa likod ng pagbagsak ng mga bangkero ng De la Peña. Sa tingin ko, isa sa kanilang mga plano ay gamitin ang De la Peña family laban sa iyo," ani Ben. Napabuntong-hininga si Hunter at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng casino. Pagdating nila, dumiretso sila sa kanilang sasakyan at tinungo ang Kiers organisasyon. "Ben, ipatawag mo lahat ng miyembro ng organisasyon. Kailangan ko silang makausap kaagad," mabilis niyang utos bago sumakay sa kanilang sasakyan. Sandro, mangalap ka ng balita mula sa ating mga operatiba na aking itinalaga upang maniktik sa ating mga kalaban. Kailangan ko ng mabilis na resulta. "Yes, boss," sagot niya, saka ipinasok ang susi sa kotse at pinaandar ito, mabilis na umalis sa lugar. "Pagdating nila sa Kiers Organization, tinawagan agad ni Ben ang lahat ng miyembro ng organisasyon. "Pagkalipas ng isang oras o higit pa, lahat ay nakaupo sa paligid ng isang malaking mesa na naghihintay sa pagdating ni Hunter. "Anong nangyayari? Bakit bigla tayong pinatawag ni Crime Boss?" tanong ni Claveria, isang miyembro. "Hindi rin ako sigurado, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa mga kaganapan sa araw ng kanyang kasal," sagot ni Clemente, isa pang miyembro. Samantala, umupo si Hunter sa kanyang itim na upuan, umiinom ng alak at sunod-sunod na paghithit ng sigarilyo. "Boss, hinihintay ka nila sa loob ng conference room," sabi ni Ben. Agad na kinuha ni Hunter ang kanyang bakal na singsing na may nakaukit na "Death Penalty" mula sa drawer, na nagpapatunay na siya ay isang pinuno ng organisasyon. Nanlaki ang mga mata ni Ben sa gulat nang makitang isinuot ni Hunter ang singsing. Iisa lang ang kahulugan sa likod nito: kapag isinuot ang singsing, nangangahulugang may mamamatay sa araw na iyon. Alam na ba ni boss kung sino ang traydor sa loob ng organisasyon?" bulong niya sa sarili. Mabilis niyang sinundan si Hunter habang nagmamadaling palabas ng pribadong opisina niya at tinungo ang conference room kung saan naghihintay ang mga miyembro nito. Mula sa labas ng kwarto, naririnig ni Hunter ang usapan na nangyayari sa loob. I am resigning from this group. Isang bata at walang karanasan na indibidwal ang papalit kay Mr. K. Mukhang lubos kayong nasisiyahan sa desisyon ng organisasyong ito. Mula nang siya ang umupo bilang pinuno, nagdulot siya ng malalaking isyu. Isang miyembro ang nagsalita ng walang galang na pahayag tungkol kay Hunter: "Huwag maliitin ang isang tulad niya. Napatunayan na niya ang kanyang sarili sa maraming paraan sa loob ng organisasyon bago pa man umupo sa posisyon na ito. I agree that he is the new crime boss of the organization. He possesses great skills and capability. Do you doubt his ability to lead this organization? Ngayon, nahaharap tayo sa isang malaking salungatan; Hunter is the most dangerous, kaya mag-ingat ka sa iyong mga salita laban sa kanya, baka mapunta ka sa sementeryo," sabi ni Mr. Claveria. "Is he dangerous?" sagot niya sabay tawa. Agad namang pumasok si Hunter at diretsong umupo sa harapan nila. Pinagkrus niya ang kanyang mga paa habang nakatingin sa bawat miyembro sa kanyang harapan. "Tama ka, Mr. Jakul. Masyado pa akong bata para umupo sa upuang ito bilang bagong pinuno ng organisasyon. Are you questioning my capability and disrespecting me behind my back?" sabi ni Hunter sa malamig na tono habang iniikot ang singsing sa kanyang hintuturo. Sunod-sunod na lumunok ang lahat habang nakatitig sa bakal na singsing. "May sasabihin pa ba kayo sa akin? Magsalita na kung meron pa," aniya. Ang lahat ng miyembro ay nakipag-eye contact sa isa't isa na may makahulugang ekspresyon bago nagkibit-balikat. "Pinatawag ko kayong lahat dito ngayon para pag-usapan ang mga kaganapang nangyayari. May mga nagtataksil sa ating organisasyon," aniya habang inilalagay ang magnum pistol sa gitna ng mesa. “I am giving you the opportunity to pick that gun and end my life, or else I will be the one to end yours,” sabi niya sa malamig na boses. Lalo silang napalunok nang magkasunod na panginginig ang dumaloy sa kanilang mga katawan. "Mr. Jakul, narinig ko ang lahat. Aalis ka sa organisasyong ito dahil lang sa ayaw mo sa akin bilang pinuno, tama? Kaya't narito ang aking panukala: Kung maagaw mo ang singsing na ito sa aking pagkakahawak, malugod kong ibibigay ang renda ng organisasyong ito sa iyo, ngunit kung mabigo ka, akin na ang iyong ulo," tahimik na ungol ni Hunter. Sa isang mabilis na paggalaw, inihagis niya ang bakal na singsing sa gitna ng malawak na mesa at sa isang kisap-mata, hinugot niya ang pistola mula sa tagiliran ni Ben, nagpaputok ng isang putok na tumama sa noo ni Jakul. Hingal na hingal ang mga miyembro ng organisasyon habang pinagmamasdan si Jakul na nakasubsob sa kanyang upuan, patay. Nang bumunot siya ng kanyang baril. "Tapos na ang pagpupulong na ito," sabi ni Hunter, bago tumayo mula sa kanyang upuan at mabilis na lumabas nang walang ekspresyon; ang kanyang mukha ay mas malamig pa kaysa yelo. Samantala, mabilis na naglakad si Ono sa pasilyo ng kanilang organisasyon, na may mga tama ng bala sa balikat at iba pang bahagi ng katawan. "Anong nangyayari, Ono?" tanong ni Dos nang makita siyang nababalot ng sariling dugo. "Nagkrus ang landas namin ni Hunter Kiers sa War Casino," sagot niya, habang mabilis siyang inalalayan ni Dos papasok sa kanyang silid. "Ano, nakasalubong mo si Hunter?" tanong ni Dos. Tumango si Ono, nabaluktot ang mukha sa sakit na nararamdaman. "He is not someone easily taken down; he is highly skilled and cunning. Hindi ko inaasahan na sa isang kisap-mata lang, nagawa niyang ibagsak ang aking mga tauhan," she emphasized. "So, ano ngayon ang plano mo?" Kailangan mong i-report ito kay boss, ang mga nangyayari ngayon. Kailangan nating gumawa ng aksyon laban sa Hunter na yan. Nagsisimula na siya sa pagkilos laban sa atin. Kapag magpatuloy ito, sigurado akong malalagay sa panganib ang ating organisasyon, ani ni Dos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD