Pagkaalis ng mga kasama ni Sabrina, mabilis niyang sinipa si Hunter sa tagiliran at saka sinampal ito ng malakas sa mukha.
"Anong problema, sweetheart? Bakit mo ginawa iyon?" gulat na bulalas ni Hunter. Tiningnan lang siya ni Sabrina na may sakit na ekspresyon at saka siya tinulak palayo.
"Hunter Kiers, demonyo ka!" bulong niya at mabilis na tumalikod, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang hawakan ni Hunter ang isang kamay niya at pinosasan siya.
"Now that I've found you again, Brina, I will not let you go far from me," mariing deklara nito at saka binuhat siya na para bang isang sako ng bigas, pero agad din naman itong binitawan nang sinipa niya ito sa ulo.
Huminga ng malalim si Hunter habang pinagmamasdan si Sabrina na namumula sa galit sa kanya.
"Hindi ako titigil hangga't hindi kita nababawi sa kanila. Sabihin mo sa akin, ano ang dapat kong gawin para makuha ang iyong kapatawaran? Pasensya na, dahil sa akin, labis kang nagdurusa, sweetheart.
"Stop calling me, Hunter Kiers. Puro platonic ang relasyon natin. Kung sa tingin mo ay maaari mo akong linlangin sa iyong mga aksyon, then I tell you na ito na ang huli nating pagkikita." Napabuntong-hininga si Hunter nang marinig ang mga sinabi ni Sabrina.
"No matter what you do, rest assured, hindi kita sasaktan, Brina. Sana balang araw, maalala mo rin ako. Hindi ako susuko hangga't hindi ka bumabalik sa akin.
Naaalala mo ba ang singsing na ito?" sabi niya sabay pakita sa kanya ng engagement ring.
"This ring is yours. Payagan mo akong magsalita. Kahit ngayon lang, we can have a peaceful conversation, walang conflict, yung tahimik lang."
Brina, ilang taon kong pinagsisiyahan ang mga nangyayari sa'yo? Akala ko patay ka na. "I'm sorry," aniya, pagkatapos ay dahan-dahang lumuhod sa harap niya, yumuko ang ulo na may luhang pumatak mula sa kanyang mga mata.
"Stop the theatrics, Hunter Kiers. Walang epekto sa akin ang mga luha mo. Akala mo ba hindi ko alam ang totoo sa'yo? Kung sa tingin mo kaya mo akong manipulahin sa mga drama mo, then I'm telling you, sinasayang mo lang ang mga luha mo. Sa susunod na magkita tayo, isa lang sa atin ang mabubuhay: ikaw o ako," mabilis niyang tinanggal ang mga posas sa kanyang kamay at mabilis na lumabas ng banyo.
Paglabas niya, agad siyang umupo sa isang upuan at nagpatuloy sa paglalaro ng baraha na parang walang nangyari.
"Saan ka nanggaling, Brina? Bakit ka biglang naglaho na parang bula?" bulong ni Shawn nang biglang tumabi sa kanya at umupo. Ilang sandali pa, bumalik si Hunter sa kanyang upuan at ipinagpatuloy ang paglalaro ng baraha. Agad na tumingin ng diretso si Hunter sa kamay ni Shawn habang inakbayan niya si Sabrina at inaamoy ang mahabang buhok nito.
"Anong balak mo, Shawn?" bulong ni Sabrina nang mapansin ang hindi karaniwang ginagawa nito.
"Stop complaining, okay? Just go along with it," sagot ni Shawn na may malapad na ngiti. Naikuyom ni Hunter ang kanyang kamao sa galit nang makita ang sweetness ng dalawa sa kanyang harapan, halos maghalikan na sa labi.
Mr. Kiers, okay ka lang? Oh, this is Brina. Darling, you probably know Mr. Hunter Kiers, right? sabi ni Shawn. Agad napapikit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Shawn, sinusubukang alamin kung ano ang iniisip nito. Saka siya ngumiti at marahang hinawakan ang kamay nito. Mas lalong nanliit ang mga mata ni Hunter habang pinagmamasdan ang dalawa na isang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila. Huminga ng malalim si Hunter, kinalma ang sarili, kumuha ng sigarilyo sa pakete, sinindihan ito, at pagkatapos ay humithit, sunod-sunod na pagbuga ng usok.
"Boss, nasa kabilang linya si boss Shadow," bulong ng staff ni Shawn. Mabilis na tumayo si Shawn, kinuha ang cellphone sa kanyang tauhan, at sinagot ito.
Kaagad binalik ni Sabrina ang kanyang atensyon kay Hunter na nakaupo sa harap niya, minamasdan siya. Muling nagtama ang mga mata nina Sabrina at Hunter, halos hindi kumukurap sa isa't isa.
"Sabrina, hindi ako papayag na hindi kita makuha ngayong gabi. I will do whatever it takes for you," bulong ni Hunter sa kanyang isipan. Mabilis niyang binigyan ng lihim na ngiti si Sabrina bago umalis sa harapan nito.
Ilang saglit lang, bumalik si Shawn sa tabi niya at ipinagpatuloy ang paglalaro ng baraha.
Nakaupo si Hunter sa hindi kalayuan sa kinauupuan ni Sabrina, pinagmamasdan siya, ngunit agad na nabaling ang atensyon nito nang biglang sumulpot sa harapan niya si Amanda.
"Hello, Hunter. Nice to meet you! I didn't expect to see you here again," sabi ni Amanda sabay upo sa tabi niya.
"Can I have a cup with you?" aniya, na may mapang-akit na kilos habang nagsasalin ng alak sa baso. Hindi siya pinansin ni Hunter; sa halip, ibinalik niya ang tingin kay Sabrina, ngunit mabilis niyang sinilip ang bawat sulok na nakikita niya nang napansin niyang wala na si Sabrina sa kanyang upuan.
"Saan siya nagpunta?" bulong niya at mabilis na tumayo, ngunit agad siyang hinawakan ni Amanda sa kamay at inilagay ang kamay nito sa braso niya upang pigilan siyang hindi makaalis.
"What's the Matter? Parang nakakita ka yata ng espiritu," she said while looking in the direction that Hunter was staring.
"I cannot engage in games with you at the moment," sabi ni Hunter at humakbang pasulong, ngunit napatigil siya nang maramdaman niyang may tumusok sa kanyang leeg.
"YOU!"
"Yeah, I won't give up. I will chase you forever, Hunter. Today, you're mine," sabi niya habang hinahaplos ang magkabilang pisngi nang mawalan ito ng malay. Agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na dalhin si Hunter sa isang kwarto, na agad namang sinunod ang utos niya. Dinala nila si Hunter sa malapit na kuwarto.
Nakahiga ngayon si Hunter sa malambot na kama na walang malay dahil sa syringe na naglalaman ng zolpidem.
"Ngayon, hindi ka na makakatakas sa akin, Hunter Kiers," aniya habang marahang hinahalikan ang maroon na labi nito.
"Siguro, wala namang masama sa gagawin ko. Why don't I taste you first before I kill you?" sabi niya na may malapad na ngiti sa labi. Dahan-dahang dumulas ang kutsilyo mula sa mukha pababa sa kanyang dibdib.
Mabilis na tinanggal ni Amanda ang kanyang suit gamit ang dulo ng kutsilyo, ngunit nagulat siya nang may biglang umatake sa kanya.
"Sino ka?" diretsong tanong niya habang sinusuri ang pagkakakilanlan ng umatake, ngunit walang tugon mula sa hindi kilalang salarin. Agad nitong sinipa ang kamay niya na may hawak ng kutsilyo, dahilan para mahulog ito sa sahig. Naningkit ang mga mata ni Amanda sa galit habang nakikipaglaban sa hindi pamilyar na pigura dahil nakasuot ito ng itim na bandana.
Sa isang mabilis na galaw, sinipa niya si Amanda sa leeg, dahilan para mawalan ito ng malay. Mabilis niyang kinaladkad si Hunter sa sulok nang makarinig ng boses mula sa labas ng kwarto. Bago pa man makapasok ang taong iyon, ay nagtago na sila.
"Darn it, Amanda, anong ginagawa mo?" bulalas ni Shawn nang makita siyang nakahandusay sa sahig.
"Nasaan si Hunter Kiers? Hanapin niyo ang lalaking iyon bago siya makatakas sa ating mga kamay," galit na bilin ni Shawn sa kanyang mga tagasunod.
Agad siyang kumuha ng isang balde ng tubig at ibinuhos kay Amanda na nakahandusay sa sahig at walang malay. Napasigaw si Amanda sa pagkagulat; nagising siya sa pagkabigla ng isang baldeng tubig na ibinuhos sa kanyang katawan.
"Where is Hunter Kiers? Bakit ka natutulog sa sahig? Wala ka talagang silbi, Amanda, puro ka sat-sat at walang aksyon. Bumangon ka at hanapin ang lalaking iyon. Hindi siya puwedeng makatakas sa ating kamay," sabi ni Shawn. Agad na napahawak si Amanda sa kanyang leeg sa sakit nang maramdaman iyon.
"Shawn, hindi madaling kalabanin ang Hunter na iyon. May biglang sumulpot at nakialam sa plano natin laban sa kanya," diritsong sagot ni Amanda. Napangiti si Sabrina na biglang sumulpot sa harap nila at nakisawsaw sa kanilang usapan.
"So, ito ang plano niyong dalawa? Hindi ba kayo nag-iisip nang mas magandang plano? Napakabobo niyo naman! Papatayin niyo nga lang, natakasan pa kayo, at dito pa mismo, papatayin niyo ang Hunter na iyon? Hindi niyo ba nakikita, kahit saan ka tumingin, nandiyan ang mga tauhan niya?" bulalas ni Sabrina.
"Sabrina, so ikaw? Ikaw ang tumulong sa kanya para makatakas. Bakit mo ginawa iyon? Nasa kamay ko siya, pero bakit mo siya tinulungang makatakas ngayon?
"Huwag mo akong sisihin sa katangahan mo, Amanda. Kung nag-isip ka ng mas magandang plano, hindi makakatakas ang lalaking iyon sa mga kamay mo. Kaso, mas inuuna mo pa ang iyong kalandian kaysa direktang patayin siya. Di sana tapos na ang problema natin sa kanya.
"Sabrina, isa kang taksil. Tinulungan mo ang ating kaaway na makatakas.
"Oops, wait lang, ako ang tumulong sa kanya? Paalalahanan kita, Amanda, wala akong ideya sa mga plano niyo. Kung ipinaalam niyo sana sa akin na ganito ang eksena, di sana nakatulong ako sa inyo. Pero all-knowing and showy ka. Saka, hindi ko na problema kung mabigo ang mga plano niyo," mariing sabi ni Sabrina at mabilis na lumayo sa kanila.