Part 5

523 Words
Simula noon napuno na ng galit ang kanyang puso. Hindi na siya makausap ng sinuman at nagpatuloy pa iyon ng palihim siyang pinagmamalupitan ng kanyang madrasta. Umabot sa puntong nagbinata na siya at dahil nga matanda na ang kanyang Ama. Binalak ng madrasta niya na akitin siya. Limang taon lamang ang agwat nito sa kanya. Simula ng tumuntong siya ng fifteen years old naging mabait na ito sa kanya pero may balak pala itong masama. Iniwasan niya ito hanggat makakaniya niya pero dumating ang araw na kinakatakutan niya. Pinasok siya ng babae sa kwarto niya at doon pinilit siyang angkinin ito. Tinakot siya na kapag hindi niya ginawa, sisigaw ito at isusumbong siya sa Daddy niya na pinagtangkaan niya ito. Siya ay itinuring ng lahat ng sinto-sinto, takot na takot siya sa Daddy niya kahit nga marinig lang niya ang boses nito nangangatog na siya sa sobrang takot. Kaya naman sinunod niya ang babae, sinunod niya ang lahat ng inuutos nito. Ngunit bago pa man niya magawa ang nais nito. Bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang Daddy. Agad siyang inundayan nito ng suntok sa sikmura. "Hayop ka, pati tita mo gusto mo pang tikmang baliw ka!" galit na sigaw nito sa kanya habang walang tigil sa kasisipa. "S-Si T-Tita po, utos po n-niya sakin," nauutal na sagot niya dito. Biglang naman bumwelta ang madrasta niya at sinampal siya ng malakas. Saka ito umiyak ng umiyak iyong tipong naghihistirikal na. "Pinuntahan ko siya dito love sa kwarto niya para kumustahin ang pakiramdam niya kasi kaninang umaga may lagnat siya, pero naabutan ko siyang nanonood ng bold habang nagpaparaos sa sarili niya taz bigla niyang nilock ang pinto at pilit akong hinubaran! Hayop ang anak mo Felix! Baboy! Bastos!" umiiyak na sabi nito. Lalo lamang nag-init ang kanyang Daddy at pinaghahampas siya ng kahit anong mahawakan nito. Sunod-sunod lang naman ang iling niya at pagmamakaawa, pero tila hayop ang tingin sa kanya ng kanyang Daddy. Natigil lamang ito ng pumasok ang mayordoma nila at inawat ang Daddy niya. Nang araw na iyon, pinalayas siya nito pero kung tutuusin wala itong karapatang palayasin siya dahil sa kanya nakapangalan lahat ng mga ari-ariang naiwan ng kanyang Mommy kahit pa ang villa na tinitirhan nila. Maaari din sana siyang magtungo sa mga kamag-anak ng kanyang Mommy pero mas pinili niya ang maging palaboy. Ni hindi siya binigyan ng pera ng kanyang Papa kahit nga baon niya sa school tinitipid pa nito. Pero ang babae nito kahit pa milyon ang hingin nito binibigay agad ng kanyang Daddy. Hindi sanay sa lansangan si Bagnus o mas tamang tawagin na si Andrew Villafuerte. Dalawampung taong gulang na siya pero palagi siyang tahimik at takot makisalamuha sa tao. Wala siyang tigil sa paglalakad ng araw na pinalayas siya ng kanyang ama, ni walang damit at pera. Hindi rin talaga masasabi na matino siya dahil nga sa mga naranasan niya kaya maihahalintulad na siya sa may pagkasinto-sinto. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD