Part 6

538 Words
Ngunit sa pagiging palaboy niya, may nakakita sa kanyang nakilala siya. Agad na nalaman iyon ng kanyang Tita Wellia at pinuntahan siya sa lugar na iyon. Ayaw niyang umuwi, ayaw niya dahil mas nahanap niya ang kasiyahan sa kalsada. Sabihin man na palagi siyang gutom at walang maayos na matulugan pero di naman mapapantayan niyon ang kalayaang nadarama niya sa lansangan. Tumakas siya sa mga tauhang inutusan ng kanyang Tita Wellia na kuhain siya. Kapatid ng kanyang Mommy ang kanyang Tita Wellia, mabait din naman ito sa kanya pero ayaw na niyang may makasama pang kung sino na tumira sa iisang bahay. Natatakot siyang pagmalupitan ulit siya. Mabuti pa sa lansangan, pagmalupitan man siya ng ibang tao atleast hindi niya kamag-anak ang mga iyon, hindi niya kadugo. Nang makatakas siya sa kamay ng tauhan ng kanyamg Tita, naglakad siya ng naglakad hanggang sa doon siya napadpad sa lugar nila Aling Tyeding. Si Mendy ang unang taong pumansin sa kanya nong panahong nanginginig na siya sa gutom. Simula non, mas nagustuhan na niyang magpalaboy-laboy sa lugar na iyon. Palagi siyang tumatambay sa may tapat ng tindahan nila Mendy. Palagi din niyang nakikita kong gaano kasaya ang may Ina. Masama ang ugali ni Aling Tyeding pero mapagmahal naman itong ina sa mga anak nito. Kaya nga hindi niya maiwasang asamin na pakitaan din siya nito ng kabaitan, pero malabo nga lang mangyari iyon. Ang turing nito sa mga katulad niya ay tila hayop pero kahit ganon, napalapit pa rin ang loob niya dito. Kaya nga ng marinig niya na papatayin ito nong tatlo hindi siya natakot na sitahin ang mga ito. Pero hindi niya akalaing ito ang sasapitin niya, ang masaksak. Maya-maya'y umiiyak naman siya, siguro may nakakarinig sa kanya. Tawa, iyak, daing pero sino ba ang papansin sa isang katulad niya. Siya ay isang hamak na taong grasa lamang na ang tingin ng lahat ay baliw, pinandidirihan ng lahat, na hindi dapat pahalagahan, na salot ng lipunan. Malapit ng mag-umaga ng hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang namamaluktot sa sakit ng tama niya sa tiyan. Ngunit bigla siyang nagising ng may kung sino ang bumuhos sa kanya ng malamig na tubig. Hindi pa siya nakakabawi ng paghahampasin naman siya ng walis Ting-ting. Walang iba kundi si Aling Tyeding, galit na galit ito habang pinagmumura siya. Napadaing siya ng matamaan nito ang saksak niya sa sikmura. Agad niyang hinawakan ang pinanghahampas nitong walis at punong-puno ng sama ng loob na tumingin sa matanda. Namumutla na siya noon, hindi halata ang dugo sa damit niya dahil isang madungis na kulay pula ang suot niyang pang itaas. "Tama na po Aling Tyeding, sakit na po ei," tumutulo ang luhang sabi niya dito. "Anong tama na ha?! Damuho ka, lalaban kana ngayon ha?! Magbubukas na ako ng tindahan nandiyan ka pa rin sa tapat?! Panong may bibili sakin kung nakaharang ka ha! Siraulo ka! Lumayas ka dito baliw!" galit na sabi nito tsaka hinila ang walis ting-ting at pinaghahampas ulit siya. Nahawakan niya iyon. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD