Part 4

544 Words
Agad na nag-alala si Bagnus sa narinig. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, linapitan niya ang tatlo. "Hoy! Anong ginagawa nyo dyan ha! Mga tapitbahay may nagnanakaw oh! Magnanakaw sila oh!" sigaw niya. "Aba't tarantado tong taong grasa na to ah! Bulilyaso pre, baka may nakarinig sa kanya! Atras tayo!" sigaw ng isa, nagtakbuhan ang mga ito pero nahawakan ni Bagnus ang isa sa damit at agad na, sinuntok ito. Matangkad si Bagnus, kahit na may kapayatan ei hindi ito natatakot na lumaban. Nakipagpambuno siya sa lalaki, ngunit bumalik ang dalawa pa nitong kasama at agad na nasipa siya ng isa. Sinundan pa ng suntok sa sikmura,medyo malakas iyon kaya napaluhod siya. "Tara na pre! Hayop na taong grasa na to, matitikman ko na sana si Mendy ei! Dapat sa demonyong to pinapatay ei, itong bagay sayong hayop ka!" galit na sabi ng isa sabay unday ng saksak sa sikmura ni Bagnus. Agad na napaigik siya ng bumaon sa kanyang sikmura ang icepick na hawak ng lalaki, muling hinugot iyon nito at muling nagtakbuhan ang tatlo. Sobrang sakit ng sinasaksak ng lalaki, pakiramdam niya ay may napupunit sa loob ng sikmura niya. Hindi ito masyadong madugo pero bumahid na rin sa kanyang suot na maruming damit ang dugo. Wala siyang mahingan ng tulong lalo pa at gabi na, isa pa hindi siya pagbubuksan ng mga ito dahil isa lamang siyang taong grasa. Kaya humiga nalang siya sa upuang nasa tapat ng tindahan ni Aling Tyeding, susubukan niyang humingi ng tulong dito bukas kapag gising na ito. Habang tumatagal lalong tumitindi ang sakit na kanyang nararamdaman mula sa saksak niya. Nagkaron na rin siya ng lagnat pero sobra siyang nilalamig. Nangangatog na nga siya dahil sa matinding lamig. Para na siyang nagdidiliryo. Nayakap niya ang sarili pero maya-maya lamang ay napangiti hanggang sa nauwi sa malakas na pagtawa. "Mommy, bakit mo kasi ako iniwan? Iniwan mo ako sa malupit kong ama? Sana isinama mo nalang ako sa pagpapakamatay mo!" umiiyak na sabi niya, tila may kausap ito dahil malakas ang boses niya. Napakasama ng kanyang Daddy, palagi nitong sinasaktan silang mag-ina. Kabi-kabila din ang mga babae nito at iniuuwi pa sa Villa na pag-aari ng kanyang Mommy. Mahal na mahal lang ito ng kanyang Mommy kaya hindi ito maiwan pero hindi na nito kinaya ng mag-uwi ang kanyang Daddy ng babae at tuluyang pinatira nito sa mismong bahay nila. Bata at sariwa kaya naman halos sambahin ito ng kanyang Daddy. Sa pagkakatanda niya kinse anyos lang ang babae at ang kanyang daddy naman ay fourthly years old nya. Napakalayo ng agwat ng mga ito. Siya naman ay ten years old palang noon. Ang Mommy niya na napakabait at mahal na mahal ang Daddy niya sinubukang makisama sa babae ng kanyang Daddy ngunit napakasama ng babae. Animo ito ang tunay na asawa kung umasta. Minsan inuutos-utusan nito ang kanyang Mommy. Ngunit dumating ang araw na hindi na kinaya ng kanyang Mommy. Mismong sa silid nito, kitang-kita niya ng magpatiwakal ito sa pamamagitan ng pagbibigti. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD