"Tama na po Aling Tyeding! Taong grasa lang po ako, hindi po ako hayop. Tao rin naman po ako ah, may damdamin, nasasaktan, nahihirapan at nagdurusa. Bakit ba napakasama nyo sa mga katulad ko, wala naman akong ginagawang kasalanan sa inyo ah?!" umiiyak sabi ni Bagnus sa matanda.
Natigilan ito, tila natauhan sa ginawa. Napatingin ito sa ibaba ng kinatatayuan ni Bagnus. Napamulagat ito ng makita ang mga patak ng dugo doon.
Napalabas si Mendy at agad na napasugod kay Bagnus na noo'y napaluhod na sa lupa. Basang-basa ito dahil sa tubig na ibinuhos ni Aling Tyeding, at namumutla animo wala na itong dugo.
Noon naman may pumarang bagong-bago mercedes benz sa kalsada. Bumaba ang dalawang lalaki doon. Napakunot noo si Aling Tyeding dahil wala naman siyang inaasahang bisita at isa pa wala naman siyang kakilalang mayaman na nakakotse pa.
Agad na tumakbo ang dalawang lalaking bumaba mula sa mercedes benz ng makitang nakalugmok si Bagnus sa lupa.
"Señorito Andrew! Diyos ko! Anong nangyari sa'yo! ?" bulalas ng mga ito. Tsaka walang sabi-sabing binuhat ang wala ng malay na si Bagnus.
Si Mendy at Aling Tyeding naman ay tila natulala, hindi nakagalaw sa kani-kanilang pwesto.
"S-Señorito?! Tama ba ang pagkakarinig ko Mendy?" nabubulol na tanong ni Aling Tyeding sa anak ng makabawi.
"Opoh Mama, ibigsabihin po mayaman pala si Bagnus! Napano kaya sya? Sana okey lang sya," nag-aalalang sabi ni Mendy, hindi napigilan ang maluha. Napatingin siya sa kamay na may bahid pa ng dugo nito.
Pagkuwa'y pumasok na sila sa loob ng bahay pero si Aling Tyeding ay hindi mapakali. Hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari kanina. Naghahanda ng almusal si Mendy ng tawagin sya at ang kanyang Mama ni Liza.
"Bakit ba? Pasaway ka nakasalang na yong kawali ei," sabi niya.
"Ate, tingnan mo to. Diba si Bagnus to? Mukhang may mga nagtangkang pasukin tayo kagabi pero pinigilan nya," sabi nito.
Tumingin siya sa screen ng computer, nakasanayan na kasi ni Liza na icheck ang cctv na nasa labas ng bahay nila araw-araw. Pinagtulungan ng tatlo si Bagnus at sabay silang napasigaw ng kanyang Mama ng makita nilang inundayan ng saksak ng isang lalaki si Bagnus bago nagtakbuhan ang mga ito. Kitang-kita din sa video ang paghihirap ni Bagnus, ayong tatayo ito, uupo, hihiga habang hawak-hawak ang tiyang may saksak.
Biglang bumunghalit ng iyak si Aling Tyeding, sising-sisi siya sa nagawa niya kay Bagnus. Iniligtas pala sila nitong mag-iina sa tiyak na kapahamakan pero nakuha pa niya itong pagmalupitan. Abot-abot ang pagdarasal niya na sana makaligtas ito para makahingi siya ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan dito at makapagpasalamat na rin.
Kahit noong una, nailigtas nito ang panganay niyang si Mendy pero pinagdudahan pa niya ito at ininsulto. Pero ngayon, kitang-kita sa video kung anong klaseng tao talaga si Bagnus. Napakadali niyang manghusga ng mga katulad nito. Dapat pala hindi niya agad ito hinusgahan, napakabuti nito. Mas matino pa nga ito kesa sa ibang kesyo may pinag-aralan pero sa hayop pala ang ugali.
Itutuloy