Part 8

571 Words
Sabagay, isa na siya doon. Napakasama ng ugali niya, ngayon niya napagtanto na puro kabutihan at kabaitan pala ang ipinapakita nito sa kanya. Sa tuwing umagang hinahambalos niya ito o minumura, nakukuha pa nitong ngumiti at mag good morning sa kanya pero kalupitan lang ang binabalik niya sa kabutihang iyon. Yong tipong kahit napakarami nilang natitirang pagkain minsan nga napapanisan pa ei nanghihinayang pa siyang iabot dito. Napakasama niya, hindi dapat siya tularan. Halos buong maghapong hindi ito makausap ng magkapatid, nagmukmok lamang siya sa kanyang silid mabuti nalang walang pasok ang dalawa. Ipinapangako niya sa sarili na kapag nagkaron ng pagkakataon na magkita muli sila, hihingi siya ng tawad dito at magpapasalamat. Lumipas ang tatlong buwan. Hindi na nila nabalitaan pa kung ano ang nangyari sa taong grasang si Bagnus. Ngunit nagsilbing aral kay Aling Tyeding ang nangyari, ngayon mabait na siya sa mga taong palaboy na katulad ni Bagnus. Kapag may naliligaw sa kanila o kaya nakikita niya sa kalsada inaabutan niya ito ng pagkain. Talagang sinasadya niyang magdala ng bag na may nakabalot na pagkain para ipamahagi sa mga katulad nito. Nakilala rin nila ang tatlong nagtangkang manloob sa kanila, naireport nila ito at nakulong na rin ang tatlo. Kahit papano nakahinga ng maluwag si Aling Tyeding dahil nabigyan ng katarungan ang sinapit ni Bagnus. Isang araw nasa tindahan siya, may pumaradang isang itim na sports car sa tapat nila. Nagtaka siya dahil tiyak naman niyang hindi sa kanila ang punta ng sakay nito. Mas lalo namang sa kanyang mga kapitbahay ei halos kilala niya ang mga ito at wala namang mayaman na mga kamag-anak ang mga ito. Bumaba ang makisig at matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng isang polo shirt, short, nakarubber shoes na sa tingin niya ay pawang mamahalin at naka sunglass ito na bumagay dito. Napakagwapo ng lalaki. Pagkuwa'y lumapit ito sa tindahan niya. "Manang pabili ho, may softdrinks po ba kayo diyan? Yon po sanang malamig kasi sobrang uhaw na uhaw ako ei," sabi nito. "Meron hijo, saglit lang," sagot naman niya, napailing magsosoftdrinks lang pala ang lalaki pero bakit dito pa sa kanya ei looban naman itong sa kanila. Sakto namang bumaba noon si Mendy. Lumapit ito sa tindahan at napatingin sa costumer. Agad na napaawang ang labi nito, bumilis ang t***k ng puso at di agad nakapagsalita. Ibinigay naman ni Aling Tyeding ang bote ng softdrinks sa costumer at siningil ito. Nagpasalamat ito sa matanda at tumingin kay Mendy sabay ngumiti. Natitiyak kasi nitong nakilala na siya ng babae. "Hi Mendy, kumusta kana?" nakangiting sabi nito kay Mendy. Napa eheem naman ang babae na tila may nakabara sa lalamunan, di kasi nito inaasahan na makikita na ganito ang itsura niya. "Kilala mo sya nak? Classmate mo ba?" takang tanong ng Mama nito. "Ma, dimo ba sya nakikilala? Sya si Bagnus, ang taong grasa dating diyan natutulog sa tapat ng tindahan natin." sagot nito sa ina. "O-okey lang naman ako Bagnus, ikaw kumusta na? Laki na ng pinagbago mo ah," nahihiyang sagot nito kay Bagnus. Si Aling Tyeding naman ay napatulala nalang, hindi makapaniwala na ang gwapong lalaking nasa harapan niya ay si Bagnus ang taong grasang pinagmamalupitan niya noon. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD