Part 9

600 Words
"Buti naman kung Ganon Mendy, pasensya na hindi agad ako nakabalik. Marami pa kasi akong inayos at tsaka ilang beses din na nagpabalik-balik ako sa psychiatrist para manumbalik ang dati kong katinuan. Salamat nalang sa Diyos, magaling na ako," nakangiti nitong sabi sa kanya. Natutuwa naman para sa lalaki si Mendy. Sabi na nga ba niya noon na may itsura ito sa katunayan gwapo talaga ito itinatago lamang nito sa madungis na mukha ang itsura nito. Sabik na sabik na niyang makita ang lalaki, sa totoo lang kasi nagkaron na ito ng puwang sa kanyang puso simula nong iligtas siya nito. At lalo na noong walang kapaguran itong sinasabayan siya kahit nga nasa malayo lang ito at nakatanaw sa kanya. Doon siya humanga dito, tinitiyak talaga nito na ligtas siyang makakaalis at makakauwi sa bahay nila. Alang-alala siya dito noong napaluhod ito, lalo na ng malaman niyang may sugat ito. Pero wala naman siyang magawa dahil kinuha na agad ito nong dalawang lalaki. Biglang umiyak si Aling Tyeding at lumuhod sa harapan ni Bagnus. Nagulat naman siya pati na rin si Bagnus. Agad itong inalalayan ng lalaki at pinaupo. "Patawad Bagnus, patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko. Mabuti nalang at ligtas ka, araw-araw ko talaga pinagdarasal na sana ay makaligtas ka para makapagpasalamat ako at makahingi ng tawad sa mga kasalanan ko sayo," pahayag ni Aling Tyeding habang umiiyak. "Wala pong anuman iyon Aling Tyeding, patawad din po kung nasagot kita nong huli tayong nagkita may dinaramdam po kasi ako non tapos nagkataon pang nahampas mo po ang tiyan kong may sugat kaya nasagot kita," nakangiti nitong sabi sa matanda. Lalo namang naiyak ito sa tinuran ni Bagnus. Hindi alam ng matanda kung papano ito makakabawi sa lahat ng kasalanan nito sa lalaki. Nagagalak naman ang puso ni Mendy dahil sa nangyari, lalo na at batid niyang gagaan na ang pakiramdam ng kanyang Mama. Simula kasi ng nangyari ang insidenteng iyon kay Bagnus hindi na ito matahimik at araw-araw nagdarasal na sana buhay pa ang lalaki. "Salamat hijo, salamat dahil napakabiti mo. Namulat ang mata ko at natuto ako sa mga kamalian ko dahil sayo," muling sabi nito kay Bagnus. Si Bagnus naman ay napangiti. Natupad na rin iyong minimithi niyang maging mabait ang matanda sa kanya. Nakita niya sa mga mata ni Aling Tyeding noong nasaksak siya na parang natauhan ito sa sinabi niya. At hindi nga siya nagkamali, heto at mabait na ang matanda. Ang Daddy niya ang nagpasundo sa kanya, tamang-tama naman iyon yong araw na nasaksak siya kaya nadala agad siya ng mga tauhan ng Daddy niya sa ospital. Halos hindi siya makapaniwala ng makita ang kanyang Ama. Napakalaki ng itinanda nito, nagbago na ito hindi na ito ang mabagsik at masama ang ugaling si Don Felix. Humingi ito ng kapatawaran sa kanya at sinabing magpagaling lang siya ei bumalik na siya sa kanilang Villa. Napag-alaman din niyang wala na doon ang kanyang madrasta. Pinalayas pala ito ng kanyang Daddy dahil nahuli nito ang babae na kasiping nito ang sariling driver sa mismong silid ng dalawa. Pinalayas ito ng kanyang Daddy, kasabay noon natuklasan din nito ang lahat ng kasalanan nito. Pati na iyong araw na nagsinungaling ito na pinagtangkaan niya. Natakot lang pala noon ang isa nilang katulong na nakasaksi sa buong pangyayari dahil baka daw mapalayas ito sa trabaho nito. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD