Sising-sisi ang kanyang ama sa nagawa, maging ang pagpapatiwakal noon ng kanyang Ina na hindi nito ininda manlang ay ngayon nito iyon pinagdudusahan. Siya naman ay pinatawad na ito, matanda na ito at ang nais lang nito ay makabawi sa lahat ng pagkukulang sa kanya. Sino ba naman siya para hindi patawarin ang ama.
Halos tatlong buwan din siyang pinagamot sa isang psychiatrist para manumbalik ang dati niyang katinuan. Hindi naman totally nasiraan siya ng bait kaya naging madali ang paggaling niya. Sa loob ng tatlong buwang iyon, walang araw na hindi niya ginustong bumalik sa lugar kung saan siya naging masaya. Lalo na at batid niyang nag-aalala sa kanya si Mendy.
Lihim na itinatangi ng puso niya ang panganay na anak ni Aling Tyeding ngunit dahil nga siya ay hindi nababagay dito dahil taong grasa lamang siya. Tinitiyak naman niya na ligtas ito palagi at kahit na nasa ospital siya. Nagbayad siya ng tao para may magsubaybay kay Mendy. Mahal niya ang babae, pero natitiyak niyang hindi siya magugustuhan nito, noon natakot pa siyang baka mahalata nito kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa niya. Ito lang kasi ang kauna-unahang taong nagparamdam sa kanya ng kabutihan kaya hindi rin siguro talaga siya masisisi.
Ngunit ngayong matino na siya at siya na ang namamahala ng mga ari-ariang naiwan ng kanyang Mommy, nais niyang magbakasali. Magbakasakaling ligawan si Mendy.
"Aling Tyeding, may hihilingin po sana ako sa inyo kung inyong mararapatin," sabi niya sa matandang sumisinghot-singhot para dahil sa pag-iyak.
"Ano yon hijo? Ibibigay ko ang nais mo para makabawi manlang ako sa mga kasalanan ko sayo," tanong nito.
Tumingin siya kay Mendy at ngumiti.
"Maaari ko po bang ligawan ang anak nyo?" diritsahang tanong niya.
Napaawang naman ang labi ni Mendy dahil sa tinuran niya. Si Aling Tyeding naman ay hindi agad nakasagot. Tila nag-iisip pa ito ng isasagot sa kanya.
"Nasa anak ko ang desisyon hijo, sa akin ay ayos lang lalo pa at alam ko namang mabuti kang tao at mapapaganda ang buhay niya sa piling mo," sagot ng matanda.
"Salamat po Aling Tyeding," masayang pasasalamat niya sa matanda.
Si Mendy naman ay hindi pa rin makapagsalita, hindi niya akalaing may gusto din pala sa kanya ang lalaki. Akala niya noon sadyang mabait lang ito sa kanya dahil binibigyan niya ito ng pagkain.
"Mendy, pwede?" tanong niya sa babae.
"O-oo naman Bagnus,walang problema iyon," nakangiti nitong tugon.
"O sya, maiwan ko muna kayo diyang dalawa magluluto ako ng pananghalian. Hijo dito kana mananghalian ha, malapit na rin namang magtanghali," mahinahon ang boses na sabi ng matanda sa kanya.
Nasiyahan siya sa narinig, makakasalo na niya ang pamilyang hanggang tanaw lamang siya dati sa binatana ng mga ito kapag kumakain. Sabay-sabay kasi sila kung kumain na isa sa inaasam-asam niyang mangyari noon sa pamilya niya.
"Salamat po Aling Tyeding," pasasalamat niya.
Hinarap naman niya si Mendy.
"Salamat Mendy, salamat at pinayagan mo ako," sabi niya dito.
Maaliwalas ang mukha nito habang nakangiti sa kanya.
"Alam mo ba na dati ka ng may puwang sa puso ko, kahit na si Bagnus ka pa, ang taong grasang si Bagnus na alam ko at batid ng puso ko na mabuting tao," nakangiti nitong pahayag.
Nagulat siya sa sinabi nito, talagang napakabuti pala nito. At kahit na siya ay taong grasa lamang hindi ito nangiming bigyan ng puwang sa puso nito.
"S-Salamat Mendy! Salamat, hindi talaga ako nagkamali ng mahalin ka," naluluha niyang sabi dito. Napangiti ang babae at niyakap siya.
Simula noon, naging regular na ang pagdalaw ni Bagnus sa bahay nina Aling Tyeding. Ang mga kapitbahay at maging si Liza ay nagulat ng malamang siya si Bagnus ang taong grasang inaalipusta noon at pinagmamalupitan.
Nakakarinig ng di magagandang salita si Aling Tyeding sa mga kapitbahay niya dahil batid ng mga ito kung gaano siya kalupit noon kay Bagnus. Na kesyo mayapat natuklasan na mayaman pala ang pulubi ay naging mabait na at pumayag pa na ligawan ang panganay nito. Pero nagkakamali ang lahat, bumalik man na taong grasa ulit si Bagnus ay hihingi pa rin siya ng tawad dito at magpapasalamat. Natuto na siya sa lahat ng kanyang kasalanan.
Mahigit isang buwan ding nanligaw si Bagnus o Andrew kay Mendy bago siya nito sinagot pero para nalang maging formal iyon dahil ang totoo ay mahal na mahal din siya ng babae. Gusto lang nitong maranasang ligawan. Wala pang isang buwan ay namanhikan na ang pamilya ni Andrew sa pamilya ni Mendy at agad na idinaos ang kasal matapos ang isang buwan.
Ngayon ganap ng Mrs. Fuentebella si Mendy. Ang babaeng napakabait at hindi mapanghusga sa kapwa, mayaman man o mahirap, pulubi man o may kapansanan. Wala ng mahihiling pa si Andrew o mas kilala sa lansangan bilang si Bagnus. Ang taong grasang inaakala ng lahat na masama, ang taong grasang pinandidirihan at inaalipusta ng lahat. Ang taong grasang naghahanap lang naman ng kasiyahan at ng pagmamahal.
Kung dati nakahiga siya sa karton, o sa malamig na semento ng kalsada o sa bangkong makitid sa tapat ng tindahan ni Aling Tyeding. Ngayon nasa malaking silid siya, naka aircon ang malaking kwartong tinutulugan. Nakahiga sa malaki at malambot na kama kayakap ang maganda niyang asawa na si Mendy.
Kaylan may hindi niya pinagsisisihan na minsan naging taong grasa siya. Na kahit puro gutom, hirap, pagdurusa at pang-aalipusta ang natamo niya. Heto at dahil sa pagiging taong grasa niya, may natuto sa pagkakamali at napatunayan niya na may mga tao pa rin talagang hindi mapanghusga. Katulad ng kanyang mahal na asawa.
Hinalikan niya ito sa noo, niyakap ito ng mahigpit, bago tuluyang pumikit ng may ngiti sa mga labi.
THE END
A/N,
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento ang buhay. Merong puro kasiyahan ang nararanasan, merong puro kalungkutan, kasawian at pagdurusa.
Kaya hindi natin dapat husgahan ang bawat tao, nakakaangat man ito, mahirap, pulubi, may kapansanan, may mga kapintasan o taong grasa man.
Walang sinuman ang may karapatang husgahan ang bawat tao, dahil IKAW mismo, na manghuhusga ay may sarili ring kwento.
Sana po ay may napulot nanaman kayong aral sa maikling kwento na ito.
Salamat po ulit sa walang sawang pagsubaybay ng mga isinusulat ko..
Keep safe everyone...
God bless you all...
#AteSanggol