Chapter 6

1604 Words
Napahinto si Tana sa paglalakad ng maramdaman niyang may sumusunod sa kanyang likuran. Katatapos lang niya sa kanyang trabaho sa isang fast food chain na hindi naman kalayuan mula sa kanilang bahay kaya nilalakad lang niya ito. Medyo late lang siya nakauwi ngayong gabi dahil sa dami ng customer kaya pasado 10:00 pm na ng gabi siya nakauwi at ngayon ay kaunti na lang ang tao sa paligid. Pinakiramdaman niya ang paligid kung tama ang kanyang hinala. Lumingon siyang muli sa kanyang likuran ngunit wala siyang nakita nagpatuloy muli siya sa paglalakad habang patuloy na nakikiramdam. Mabilis akong tumakbo at kaagad na umakyat sa isang may kataasang pader. Nagtago ako sa taas nito at tahimik na nag-abang. Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa aking direksyon. Humahangos ito dahil sa pagtakbo palinga-linga pa ito na parang may hinahanap. “Ako ba ang hinahanap mo!? Bakit mo ako sinusundan!?” Ang tanong ko dito habang nakaupo sa ibabaw ng pader ng bakod at saglit itong natigilan at inilibot ang paningin sa paligid. Nang mapadako ang tingin nito sa aking kinaroroonan ay tila nagulat pa ito sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa sumbrerong suot at medyo may kadiliman ang lugar na aming kinatatayuan. “Stalker ba kita!?” ang magkasunod kong tanong dito, “sorry ka kuya! umuwi ka na lang sa inyo dahil hindi kita type! alam mo kuya kung may balak kang manghold-up sa iba na lang dahil wala akong pera.” Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis akong tumalon sa kabilang side ng bakod para takasan ang lalaki. Dahil sanay ako sa mga eskinita dito ay madali kong natakasan ang lalaking humahabol sa akin.” Sinubukan naman ng lalaki ang umakyat ng bakod o ang maghanap ng ibang daan para mahabol agad ang dalaga ngunit bigo ito. Wala ng nagawa ito ng tuluyang makalayo ang dalaga. Hindi niya sukat akalain na maiisahan siya nito. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ng dalaga. Natigil sa paghahanap ang lalaki ng magring ang kanyang cellphone “Hello boss, naisahan ako ni Señorita natakasan ako," ang sabi ng lalaki sa kausap niya sa kabilang linya. Galit na galit si Hendrix dahil sa sinabi ng kanyang tauhan. "Punyeta wala ka talagang silbi! paano kang natakasan ng isang babae lang napakahina mo talaga kapag may masamang nangyari sa Mahal ko humanda ka sa akin!” Nanggigigil na pinatayan ito ng cellphone. Mag-iisang linggo na simula ng maghired siya ng bodyguard para kay Tana dahil napansin niya na laging nasasangkot sa gulo ang dalaga. Mabilis na binuksan ang kanyang cellphone at hinanap ang lokasyon nito sa kan’yang cellphone. “Noong araw na yakapin niya ang dalaga sa kanyang opisina ay walang kamalay-malay ito na may idinikit ako sa kanya na isang maliit na tracking device sa likod ng hikaw nito. Para madali kong matunton ang kinaroroonan nito at nang mahanap ang location nito mabilis na sinend sa kanyang tauhan ang kinaroroonan nito.” Pagkatapos niyang magtrabaho ay dumiretso siya sa lugar kung nasaan ang dalaga. Nang makarating ay hindi niya nagustuhan ang lugar na bumungad sa kan’yang paningin. Dahil napakasikip at magulo ang lugar na ito, maraming bata sa lansangan ang nagkalat. Mayroon ding mga nag-iinuman sa bawat kanto ng kalye na mukhang mga lasing na. Kaya walang pagdadalawang isip na bumaba siya ng kanyang sasakyan saka lumakad patungo sa isang bahay na may kaliitan. Gawa lang ito sa mga tabla at tagpi-tagping tarpaulin, nakadama siya ng habag at galit dahil hindi niya sukat akalain na dito naninira ang dalagita. Walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya na diretsong naglalakad patungo sa maliit na bahay habang ang kanyang mga tauhan ay nakapalibot sa kanya ng makarating ay kumatok siya ng dalawang beses. "Sandali lang nariyan na po!” Ang narinig niyang sigaw ng dalaga mula sa loob. Maya maya'y bumukas ang maliit na pinto at iniluwa ang dalaga na nakasuot lamang ng sandong puti at maiksing short na maong. Nang buksan ni Tanashiri ang pinto ay laking gulat niya ng mapagsino ang bisita niya ngayong gabi. Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakikita, anong ginagawa ni sir Hendrix dito sa bahay namin at paano nito nalaman kung saan siya nakatira!?” Anya sa kan’yang sarili. "Sir!? bakit po kayo narito at paano n’yo po nalaman kung saan ako nakatira?” ang tanong ni Tanashiri dito ngunit hindi man lang sumagot ang binata bagkos ay hinubad nito ang suot na jacket at isinuot sa kanya saka siya hinila nito papasok ng bahay bago isinara ang pinto. “Why are you wearing like this sweetheart hindi ka dapat nagsusuot ng ganito!” Ang tila galit na sita nito. Ikinagulat ng dalaga ang inaakto ng binata kaya parang nakadama siya ng takot dahil sa galit na nakikita niya sa mukha nito. “Napansin yata ni sir Hendrix ang reaction niya kaya huminga ito ng malalim at saka siya hinila papalapit sa katawan nito at niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry kung natakot kita sa susunod huwag kang magsusuot ng ganito kung hindi mo ako kasama naiintindihan mo ba?" Anya sa malumanay na boses. Naguguluhan may tumango na lang ako umupo ito sa may kalumaang sofa saka pinaupo ako nito sa kan’yang kandungan. "S-sir Hendrix may bangko pa naman doon na lang po ako uupo," ang nahihiya kong sabi sa kanya habang napapakamot sa ulo. Tatayo na sana ako ng ipalibot nito ang dalawang braso sa aking baywang at yakapin ako ng mahigpit kaya wala na akong nagawa kundi ang manatili sa kandungan nito. “Nasaan ang parents mo?" ang tanong nito sa akin. Bhagya akong nalungkot sa tanong nito at nakita kong lumambot ang reaction nito ng mapatingin sa aking mukha. “Wala po sila eh, kasi po yung tatay ko may iba ng pamilya iniwan na po kami iyong nanay ko naman po ay mag-isang buwan ng hindi umuuwi kaya mag-isa na lang po ako dito." ang sagot ko sa kanya saka tumingin ng diretso sa kan’yang mga mata nakita ko ang pagtiim ng mga bagang nito at pagkuyom ng mga kamao. Wari mo ay nagpipigil na hindi magalit dahil sa nalaman. “s**t! mag-isa ka lang dito!? paano kung pasukin ka, sinong magtatanggol sayo dito. Paano kung may masamang mangyari sayo dito!?” Frustrated na ito dahil sa nalaman. “Magbihis ka at ayusin mo ang gamit mo isasama na kita sa bahay ko ngayon din doon ay mas ligtas ka at maraming magbabantay sayo.” Ang sabi nito sa akin saka ako binitawan at tumayo. "Pero sir baka po umuwi ang nanay ko." Ang sabi ko sa kanya ngunit umiling lang siya at tumingin sa akin. “Kung sakali na umuwi ang nanay mo ay ihahatid kita rito." Ang sabi ni sir Hendrix. Napapaisip ako kung sasama ba ako o hindi pero iba ang nararamdaman ko sa kanya pakiramdam ko gustong-gusto ko siya, ramdam ko rin na ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Walang pag-alinlangan na nagdesisyon ako na sumama kaya kaagad kong tinungo ang aking kwarto upang magpalit ng damit. Kinuha ko ang aking bag at isinilid ang ilang pirasong damit pati na rin ang mga gamit ko sa school. Nang maayos ko na ang lahat ay lumabas na ako ng aking kwarto. Nadatnan ko si Sir Hendrix na mat’yagang naghihintay sa sala's tumayo na ito at kinuha sa akin ang bag na bitbit ko bago ako nito iginiya patungong pintuan. Papalabas na sana kami ng may maalala ako kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa aking kwarto at kinuha ang aking gitara. Nakita kong nakakunot ang noo ni Sir Hendrix kaya nginitian ko na lang ito saka nauna ng lumabas. Nakasunod lang ito sa aking likuran nang makalabas na kami ay inilock ko muna ang bahay. Kinuha naman ng mga tauhan nito ang aking bag mula kay sir Hendrix pati ang dala kong gitara diretso kaming naglalakad patungo sa sasakyan nito. Hindi na namin pinansin ang mga taong nasa paligid na nakatingin sa amin, makikita sa mga mata nila ang paghanga para kay Hendrix pati sa mamahaling sasakyan nito. Ilang sandali pa ay dumarami na ang nakiki-usyoso kaya binilisan ko na ang pagpasok sa kotse. Sumunod naman na pumasok si Sir Hendrix at umupo ito sa aking tabi. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking palad kaya nagtatakang nilingon ko ito ngunit hindi man lang ito tumingin sa akin, napakaseryoso ng mukha nito. “Hindi man lang ba ito marunong ngumiti? sayang ang gwapo pa naman niya.” Ang bulong ko sa aking isipan saka hinayaan ko na lang ito na nakahawak sa aking kamay. Sumandal ako sa sandalan at ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagod ay kaagad akong iginupo ng antok kaya hindi ko na namalayan na nakatulog kaagad ako.” Pinagmamasdan ni Hendrix ang mukha ng dalaga na payapa ng natutulog sa kan’yang tabi, halata sa mukha nito ang matinding pagod. Aware siya sa mga trabahong pinapasok nito dahil sa mga report ng kan’yang tauhan. Nakaramdam ng awa si Hendrix para sa dalaga kaya kinuha niya ito mula sa kinauupuan at inilipat sa kanyang kandungan. Isinandig niya ang ulo nito sa kan’yang dibdib bago niyakap ng mahigpit at pinatakan ng halik sa labi. “From now on magbabago na ang buhay mo sweetheart, hindi ko hahayaang mahirapan kang muli sisiguraduhin kong hindi ka na malalayo sa akin at ibibigay ko ang lahat para sayo.” kasabay nito ang pagdampi niya ng isang halik sa noo nito saka niyakap muli ang dalagang mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig na walang kamalay-malay sa malaking pagbabago na magaganap sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD