bc

My Young Wife

book_age18+
10.4K
FOLLOW
46.0K
READ
possessive
age gap
forced
arrogant
comedy
highschool
virgin
selfish
stubborn
like
intro-logo
Blurb

“Nang dumating sa buhay ni Hendrix ang dalagitang si Tanashiri Laison isang fourth year high school student ay nagulo ang dating tahimik niyang buhay.

Kilala si Tana bilang isang trouble maker at walang araw na hindi sumakit ang ulo ni Hendrix sa dalagita dahil sa madalas na pagkakasangkot nito sa gulo. Ngunit hindi naging hadlang ang mga kapilyahan nito sa nararamdaman niya para sa dalaga bagkus ay naging obsessed pa siyang lalo dito.

Malayo man ang agwat ng kanilang edad ay hindi iyon naging sagabal upang tuluyang mapasa kanya ang makulit na si Tana.

Dahil sa pagiging seloso ni Hendrix ay nagbago ang buhay ni Tana nawala ang dati niyang buhay na kung saan ay nagagawa niya ang lahat ng naisin.

Magawa pa kayang makalayo ni Tana sa binatang labis ang pagkahumaling sa kanya?

Ating tunghayan ang makulit at makulay na mundo ni TANASHIRI LAISON ang MY YOUNG WIFE.”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakasimangot ang mukha ni Tana habang nakatingin sa kan’yang black wristwatch makikita sa magandang mukha ng dalaga ang pagkabagot. Siya si Tanashiri Laison isang Fourth year high School sa St. Angel High School. Hinahangaan ng lahat dahil sa taglay na ganda ngunit kinaiinisan naman ng nakararami dahil sa kan’yang kapilyahan. Habang busy ang lahat sa pagsagot sa kani-kanilang pagsusulit ay abala naman ang isipan ni Tana sa oras. "Four, three, two, YES!” ddrriiinnngg!! drriinngg'!! ddrriinngg!! Sa sobrang tuwa ko ng marinig ko ang tunog ng bell na hudyat na tapos na ang aming klase ay hindi ko na namalayan na naisatinig ko na pala ang pagbigkas kaya't sa akin natuon ang atensyon ng lahat. Maging ang aming guro na si Mrs. Cruz ay masama ang tingin sa akin na bahagya ng nakataas ang kaliwang kilay nito. Upang maitago ang hiyang nararamdaman kumaway na lang ako sa kanila at alanganing ngumiti saba'y sabing “Sorry po!" Bago nagmamadali na akong tumayo at na-una ng nagpasa ng aking answer sheet na ewan ko lang kung may tatama ba sa mga sagot ko. Aba! pinaghirapan ko rin naman ang maghula non noh! hindi naman sa bobo ako sadyang ayoko lang talaga na napapagod ang utak ko sa pag-iisip. Pagkatapos magpasa ay dali dali na akong lumabas ng aming room at tumakbo ako patungo sa likod ng aming school. Ito na ang nakagawian ko ang mag "cutting classes"! "Ang tagal mo naman Tana! kanina pa kami naghihintay dito...” Ang salubong sa akin ng kaibigan kong si Khim na hindi na maipinta ang mukha dahil sa labis na pagka-inip. "SORRY naman po! ang tagal kasi ng bell eh, sumakit pa ang ulo ko sa pag-iisip ng dahil sa exam na yon!" Ang sagot ko naman habang nakanguso. "Wow ha! nag-isip ka pa ng lagay na yan, Tana, huwag kami! Sa iba mo na lang itry ‘yang palusot mo baka sakaling bumenta pa!" Ang sagot ni Ashley na nasa labas na ng bakod dahil nauna na itong tumawid ng bakod. "Baka naman gusto ninyong bilisan at nangangalay na ako dito!” Si Khim na nasa itaas na pala ng bakod at handa ng tumalon. ako naman ang sumunod na umakyat at saka mabilis na tumalon dali-dali kaming tumakbo palayo dahil sa takot na may makakita pa sa aming tatlo. Sa tagal na naming ginagawa ito ay balewala na sa amin ang umakyat sa matataas na bakod. Kaming tatlo na magkakaibigan ang madalas magkasama sa kalokohan at katarantaduhan tulad ngayon napagkasunduan naming maglakwatsa. Sikat kami sa buong university dahil lagi kaming nasasangkot sa gulo, dahil d’yan kami na ang tinaguriang VIP ng guidance. Simula mga bata pa lang kami ay lagi na kaming magkakasama kaya sanay na kami sa ugali ng isa't-isa. “ Saan ang lakad natin ngayon?" ang tanong sa amin ni Khim. "Ano pa nga ba eh di dating gawi!” Ang sagot ko naman sabay akbay sa dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad sa gilid ng kalsada habang kumakanta at naghaharutan. Bandang alas-singko na ng hapon ng kami ay makauwi mula sa aming paglalakwatsa. "Lumayas ka! hindi kita kailangan dito! Umuwi ka doon sa babae mo at huwag ka nang babalik pa dito...” Malayo pa lang ay naririnig na namin ang boses nang aking ina. Isa ito sa mga dahilan kung bakit minsan ay ayoko ng umuwi. Dahil ito ang sumasalubong sa akin araw-araw. “Tsk' sigurado may giyera na naman sa inyo Tana." Ang sabi ni Ash sa akin bago nagpaalam na ito dahil nasa tapat na kami ng kanilang bahay. Kami na lang ni Khim ang naiwan at nagpatuloy na kami sa paglalakad sinamahan niya ako sa aming tahanan. "Nay ano na naman po ba ito?" ang tanong ko sa aking ina. Ngunit hindi man lang ako nito pinansin lagi namang ganito para lang akong hangin sa kanila na dinadaan-daanan na parang wala ako sa paligid at patuloy sa pag-aaway ang dalawa. “ Oo, lalayas ako! at hindi na ako babalik dito dahil diyan sa bunganga mo!" Ang sigaw ng aking ama sa aking ina. "kasalanan ko pa talaga!? kung tumigil ka sana sa pagiging sugarol mo at pambabae mo hindi sana magkakaletse-letse ang buhay natin...” Ang sabi ng aking ina habang sa labas ng bahay ay nanghahaba ang leeg ng mga tsismosa naming kapit-bahay at natutuwa pa sa kanilang mga napapanood sa nag liliparang mga damit ng aking ama sa labas. Isa-isa itong pinulot ng aking ama habang umiilag sa mga kaldero at iba pang gamit na binabato ng aking ina. Magulo, mabaho at masikip dahil sa magkakadikit na bahay iyan ang lugar kung saan kami namumuhay dito sa Tioco, Tondo, Manila. Malungkot mang isipin tinanggap ko na lang ang reyalidad na wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko na lamang dahil sa napipintong paghihiwalay ng aking mga magulang. Kung sabagay kahit noong una pa lang ay parang wala rin naman akong magulang kaya siguro kahit maghiwalay ang dalawa ay wala pa ring magbabago dahil kahit kailan ay wala naman akong suportang natangap mula sa kanila. Maliit pa lang ako ay naghahanap na ako ng kalinga at pagmamahal mula sa aking mga magulang pero pakiramdam ko'y ibang tao ako sa kanila. Sa edad na 16 ay nagtatrabaho na ako para lang matustusan ang pangangailangan ko sa pag-aaral. Tanging sina Khim at Ash na lang ang karamay ko sa tuwing may mga problema akong kinakaharap katulad ngayon. “Tana doon ka muna sa bahay magpalipas ng gabe h’wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat.” Ang sabi ni Khim sa akin. Nilingon ko siya mula sa aking likuran at nagtama ang aming mga mata saka mapait na ngumiti dito. Nakikita ko mula sa kan’yang mga mata ang awa at lungkot para sa akin. Inakbayan niya ako at hinila palayo sa tahanan namin nagpatianod na lang ako sa gustong mangyari ni khim. Yumuko ako ng bahagya upang maitago ang mga luhang nagsisimula ng pumatak mula sa aking mga mata. Nagsimula na kaming humakbang palayo sa aming bahay hindi na alintana ang tingin ng mga tao sa aking paligid habang ang mga magulang ko ay patuloy pa rin sa pag-aaway. Kinalakihan ko na ang ganitong klaseng buhay walang araw na hindi nag-aaway ang aking ama’t ina. Minsan pa nga ay ako ang napagbubuntungan ng kanilang galit. Halos papasok ako ng walang kain darating din ako na walang pa ring pagkain kaya sa murang edad ay natuto na akong gumawa ng paraan para lang malamnan ang kumakalam kong sikmura. Kung kani-kanino ako namamasukan pagkagaling ko ng skwelahan. Hanggang sa makahanap ako ng maayos na part time job. Mahirap ang maging working student pero dahil matatag ako ay kinaya ko. May pagkakataon na nababastos din ako ngunit hindi ako nagpasindak sa kanila. Marami ring nanliligaw sa akin dahil sa itsura ko hindi maitatago ang gandang taglay ko maraming nagsasabi na baka anak ako ng isang foreigner. Dahil sa kakaibang itsura ko na hindi ko na lamang pinapansin. Dahil sa pagiging malapit ko sa gulo ay natuto akong lumaban kadalasan ay laman na ako ng lansangan. Hindi ko naman maiwasan ang gulo dahil lagi akong pinag-iinitan lalo na ng mga kaedaran kong babae na naiinggit sa akin mabait naman ako at palakaibigan pero ewan ko ba kung bakit ayaw nila sa akin.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
97.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
68.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook