CHAPTER 20 Naghintay ng ilang oras si Paul bago lumabas mula sa kanyang silid. Sa may hamba ng pintuan ng kanyang kwarto ay isinandal niya ang kanyang sarili. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na tanaw niya ang sofa bed kung saan naroon at nakahiga na si Beatrice. Kahit hindi niya ito lapitan ay alam niyang mahimbing na ang tulog nito, kung ang pagbabasehan ay ang pagkakahiga at ang mabining paghinga na naririnig niya mula sa kanyang asawa. Kanyang asawa--- Paul heaved out a deep sigh. Yes. She is his wife now. Beatrice is his wife! Kanina lang nang ikasal sila. And it was actually their first night together as husband and wife. At kung sa iba lang na pagkakataon ay ginagawa na sana nila ngayon ang mga bagay na dapat ay ginagawa ng mag-asawa sa unang gabi ng kanilang kasal. But th