CHAPTER 21 Totoong nagulat si Beatrice sa biglang pagsalita na iyon ni Paul. Dahil sa madilim ang buong silid nang pagpasok niya ay hindi niya inaasahan ang presensiya nito sa loob. At higit sa ano pa man ay mas lalong hindi niya inaasahan ang naging bungad na tanong nito sa kanya. Dahil doon ay hindi siya agad nakaapuhap ng ano mang isasagot dito. Nanatili lamang siyang nakatayo sa may entrada ng silid. Mayamaya pa ay tumayo si Paul at marahan na ipinatong ang hawak nitong kopita sa ibabaw ng bedside table. Then, in a very serious way, he faced her again. "Nagpaalam ako sa iyo na pupunta lang ako ng Health Well dahil sa may kailangan lang akong pirmahan na ilang papeles. Wala pang alas onse ay nakabalik na ako rito, Beatrice," saad nito sa kanya na may bahid ng galit ang tinig. "Where