CHAPTER 19 "Kuya Jake," tawag ni Beatrice sa kanyang nakatatandang kapatid. Ang kanyang asawa ay naglakad na palapit sa sasakyan nito matapos na makapagpaalam sa kanyang mga kapatid. Sa halip na sumunod siya kay Paul ay si Jake ang kanyang sinundan. Nahinto ang akmang pagpasok ni Jake sa kanilang bahay at agad siyang hinarap. Kaagapay nito sa paglalakad si Francheska na nang makita siyang lumapit kay Jake ay agad nang nauna sa pagpasok sa bahay. Ang anak ng mga ito ay karga ni Vincent na nauna nang umakyat sa ikalawang palapag kasama si Ysabella. "You would really let me come with that man?" hindi makapaniwalang saad niya dito. "Why not, Beatrice? Paul is your husband," balewalang wika nito sa kanya. "Husband?" ulit niya sa sinabi nito. "Alam mo, higit kanino man, kung bakit kami nag