CHAPTER 23 "Why don't you join us, p're?" wika sa kanya ng isang lalaki na nakaupo sa may harapan ni Beatrice. Saglit pa nitong itinuwid ang sarili mula sa pagkakaupo. But Paul never bothered to answer him. Mas nakatuon ang mga mata niya sa lalaking nasa tabi mismo ng kanyang asawa. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nakadarama siya ng inis nang makita niya itong halos nakaakbay na rin kay Beatrice. "Beatrice," tawag niya muli sa kanyang asawa. "Guys, meet my husband," wika ni Beatrice. Nahihinuha na niyang lasing na nga ito. Dahil sa tinuran ni Beatrice ay agad na napaupo nang tuwid ang lalaking katabi nito. Agad itong nag-angat ng paningin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata. Ang mga kasamahan ng kanyang asawa ay pawang sa kanya nakatuon ang paningin. He