CHAPTER 22 Pagkapasok ni Beatrice sa The Neon Place ay agad na bumungad sa kanya ang malakas na tugtog. Tulad nang una niyang punta sa lugar na ito ay maraming tao ang nasa kanya-kanya nilang mesa. Sa bawat mesa ay umuulan ng alak at pulutan. Ngunit kumpara sa una niyang apak sa The Neon Place ay masasabi niya na mas marami ang tao ngayon. Agad niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid. Pilit siyang naghahanap ng pamilyar na mukha. Dahan-dahan ay naglakad siya papasok. And as usual, as she walked inside, a lot of men's gazes drifted on her. Ngunit isa man sa mga ito ay walang pinagtuunan ng pansin ang dalaga. Abala siya sa paghahanap kung saang mesa ang okupado ng grupo nina Jeffrey at Bryan. Nasa may bar counter na siya nang makarinig ng pagtawag sa kanyang pangalan. "Beatrice?"