CHAPTER 24 Unti-unti ay iminulat ni Beatrice ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung anong oras na nang mga sandaling iyon ngunit nasisiguro niya na tirik na tirik na ang araw sa labas. Patunay lamang niyon ang sikat ng araw na pumapasok na mula sa bintana patungo sa silid na kanyang kinaroroonan. Silid? Agad na napaupo sa may kama si Beatrice. Maagap niya pang nasapo ang kanyang sentido nang bahagya siyang makaramdam ng p*******t roon. Nasa loob siya ng silid ni Paul sa condo nito? Dito siya natulog kagabi? Sa kama nito siya nagpalipas ng magdamag? Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtataka. Since the day that they were married ay kagabi lamang niya nagawang matulog sa loob ng kwarto nito. Hindi ba at hinahayaan lamang siya ng magaling niyang asawa na matulog sa sofa? Ganoon ito