CHAPTER 28 Nag-uumpisa na ang meeting na dinadaluhan ni Paul ngunit ang isip niya ay wala sa kung ano man ang pinag-uusap nila. His mind was occupied by his wife. Kahapon nang abutan niya itong nagbe-bake at makitang ginagamit ang mga pinabili niyang baking tools para dito ay may kakaibang damdamin na namahay sa kanyang dibdib. He loved it when she was looking so simple with only a t-shirt and shorts on. Ni wala itong make-up at may apron pa na nakasuot dito. Ang ginawa niya sa kanyang asawa kahapon ay hindi niya plinano. He was amazed by the idea that she can bake. Malayong-malayo iyon sa imahe nito bilang isang sophisticated socialite at spoiled brat. Nawili siyang panoorin ito sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes. At nang alisin nito ang lampas na icing sa gilid ng isang cupcake a