CHAPTER 29 Hindi mapigilan na manlaki ng mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang mga sinabi ni Paul. Agad siyang napatayo nang tuwid at akma sanang aalisin ang kamay nitong nakatukod sa may barandilya upang makadaan siya. She wanted to stay away from him. Ngunit sa halip na pakawalan siya ng kanyang asawa ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakatukod sa bakal na barandilya dahilan para hindi niya magawang alisin ang mga kamay nito. "Paul, ano ba?" gilalas niyang harap muli dito. "We are married, Beatrice. You are my wife," anas nito sa namamaos na tinig. "Alam mo na may karapatan ako pagdating sa bagay na iyon." She heaved out a deep sigh. Alam niyang may punto ito. They are legally married. At kung tutuusin ay may karapatan nga ito pagdating sa bagay na iyon. Ngunit hindi niya