CHAPTER 27 Hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi ni Paul ay nanatiling nakaawang lamang ang mga labi ni Beatrice habang nakatitig sa bahay na nasa kanilang harap. "What can you say?" Paul asked her. Katulad niya ang mga mata nito ay nakatutok lamang sa bahay. "D-Don't you think it is too big for the two of us?" wika niya sa kawalan ng masabi dito. Hindi kailan man pumasok sa isip niya na naghahanap pala ito ng bahay para sa kanilang dalawa. Dahil sa ikinasal sila sa hindi normal na paraan ay inakala niya na hindi na ito maglalaan ng oras para asikasuhin ang mga bagay na dapat sa kanilang mag-asawa. "Nagpapatawa ka ba, Beatrice? 'Di hamak na mas malaki ang bahay na kinalakihan mo kaysa sa bahay na ito," tugon nito sa kanya. Kung may halong pang-uuyam iyon ay hindi niya alam. "Besides