CHAPTER 4

2045 Words
CHAPTER 4 Six years ago: "Come on, Bea. You know you can't come with us," halos naiirita nang wika ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jake. Sinundan ito ni Beatrice sa pagbaba ng hagdan. Kinse anyos pa lamang siya at nasa sekondarya. Despite her age, Beatrice looks more like a woman than a teenager. At hindi pilit ang ganoong awra ng dalagita. She grew up with their mother, Soledad, who always wanted her to be well-groomed. Hanggang sa lagi na ay naging palaayos siya kaya naman kahit sa murang edad ay dalagang-dalaga na siyang tingnan. And she does not need to have a make-up on her face to appeal like that. Sa kilos at tindig niya pa lang ay kaiba na siya kaysa sa mga kaedaran niya. "But, Kuya Jake, bakit naman hindi?" pangungulit niya pa dito. "You are all celebrating, right? So, why can't I come?" Naiiritang tumigil sa paglalakad si Jake at hinarap siya. Sa hitsura ng mukha nito ay halatang nauubusan na ito ng pasensiya sa kakulitan niya. Jake was twenty-four and a good-looking man. Matikas ang pangangatawan nito at alam niya na maraming kadalagahan ang nanaising mapansin ng kanyang kapatid. But her brother was a little bit of a snob. In some ways ay halos pareho silang dalawa. "Bea, kaarawan ng kaibigan namin ang aming ise-celebrate ngayon. Hindi iyon children's party. Beside, ni hindi mo kilala si Norman. Bakit ka pa sasama?" wika pa nito sa kanya. "Eh, bakit si Kuya Vince ay kasama mo?" pagmamaktol niya pa dito. "Hindi naman siya kaibigan ng Norman na ito, hindi ba?" And what she said was right. Ang Norman na tinutukoy ng kanyang kuya ay kaeskwela nito sa sekondarya. Iba lang ang kursong kinuha ng kanyang kapatid kaya hindi na sila nagkasama pa sa kolehiyo. And this Norman is Jake's friend. But not Vincent's. Ngunit mula pa noon ay napapansin na niya na kung sino ang kabarkada ng kanyang Kuya Jake ay nagiging malapit din sa kanyang Kuya Vincent. Iyon ay dahil na rin sa tuwing may lakad si Jake ay lagi nitong kasama si Vincent, dahilan para makilala din nito ang mga kaibigan ng panganay nilang kapatid. Katulad na lamang ng gabing iyon. Isasama nito si Vincent kahit pa ang kanyang Kuya Jake lamang ang kakilala ng Norman na ito. "Bakit ba ang kulit mo? Bea, you are still too young to understand," napipikon na nitong wika sa kanya. "We are all boys. And you can't come with us because---" "Let us go." Naputol ang ano mang sasabihin pa ni Jake nang mula sa hagdan ay magsalita habang bumababa na si Vincent. Katulad ni Jake ay bihis na bihis na rin ito. "Go to your room, Bea," wika sa kanya ni Jake at hindi na itinuloy pa ang mga sinasabi kanina. Nagpatiuna na ito sa paglabas sa kanilang bahay at inaya na si Vincent. "I heard what you have been talking a while ago," wika ni Vincent sa kanya habang naglalaro ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. "You can't come with us, brat. Katulad ng sabi ni Jake, we are all boys. At..." saad nito na bahagya pa siyang nilapitan para bumulong. "...at may kasama kaming mga 'chicks'." "Chicks?" bulalas niya dito. Sa murang edad niya ay alam niya ang tinutukoy nito. She was not that naive not to understand what he meant on what he said. "At kasama niyo si Ronniel?!" tanong niya pa dito. Agad na nagkagatla ang noo nito dahil sa naging tanong niya. "Bakit parang kay Ron ka pa nag-alala kaysa sa amin ni Jake." She was dumbfounded. Isa si Ronniel sa mga barkada ng kanyang Kuya Jake na naging malapit sa kanyang Kuya Vincent dahil palaging magkasama ang mga ito. Madalas si Ronniel sa kanilang bahay lalo na nang mga panahong hindi pa ito abala sa pagtatrabaho. Katatapos lamang ng latest assignment nito bilang isang pulis. At sa lahat ng kaibigan ni Jake ay ang binata ang, kahit papaano, ay naging malapit din sa kanya. At totoo ang sinabi ni Vincent na nabahala siya sa kaalaman na kasama ng mga ito si Ronniel. At ang kaalaman na may kasama ang mga ito na 'chicks' ay nakapagpupuyos ng dibdib niya. The truth, she is attracted with Ronniel since she was in her second year in high school. Dahil sa madalas ang binata sa kanila at nakakasama na rin naman niya ay unti-unting nabuo ang pagtingin niya para dito. "T-That was not what I meant," wika niya kay Vincent kasabay ng pag-iwas niya dito ng kanyang mukha. Natatakot siyang malaman nito ang paghangang mayroon siya para sa barkada ng mga ito. Napabuntong-hininga na lamang si Vincent at tumayo na nang tuwid. "You should go to your room now, brat. Alis na kami." Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay naghuhurumentadong pumanhik na siya sa kanyang silid. One reason why she wanted to come with them was because of Ronniel. Alam niyang kasama ng kanyang mga kapatid ang binata at nais sana niyang makita itong muli. Dahil sa uri ng trabaho ni Ronniel ay bihira na itong pumunta sa kanila. Lagi na ay sa malalayong lugar ito nadedestino kaya naman ngayong alam niyang pahinga ito sa duty ay nais sana niya itong makita man lang. Ngunit mukhang kapwa hadlang ang mga kapatid niya. ***** "Magandang araw, Beatrice," ani ng isang baritonong tinig mula sa kanyang likuran. Agad na napalingon si Beatrice sa pinanggalingan ng tinig. Ilang hakbang mula sa kanya ay nakatayo si Ronniel. Isang ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito habang unti-unti ay naglakad ito palapit sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa hardin nila at nakaupo sa isang bakal na upuan. Sa kanyang harap ay isang mesa, na katulad sa kanyang kinauupuan ay gawa rin sa bakal. Nang tuluyan itong nakalapit sa kanyang kinauupuan ay saglit na natuon ang mga mata nito sa ibabaw ng mesa. Doon ay nakapatong at nagkalat ang mga gamit niya sa pag-aaral. Naroon ang ilan niyang libro, kwaderno at iba pang gamit niya sa eskwela. "You are studying?" tanong sa kanya ng binata. "Y-Yes," tugon niya dito sa nahihiyang tinig. "Exam na namin sa makalawa." "You are not studying," saad nito at tipid na ngumiti sa kanya. "Huh?" gulat niyang tanong dito. Napatingala pa siya sa binata dahil sa mga sinabi nito. Naupo muna si Ronniel sa upuang nasa kanyang harap bago nito sinagot ang naging tanong niya. "You are not studying," ulit nito sa mga sinabi kanina. "All your books and notes are closed. Hawak mo ang ballpen mo at nagsusulat sa papel na iyan. But look what you have been writing Bea." Tigalgal na napatingin si Beatrice sa binata. Hindi niya ito nakaringgan ng pagiging sarkastiko bagkus ay pawang puna lamang nito ang narinig niya. But then, hindi maiwasan ni Beatrice ang makaramdam ng pagkapahiya. He was right. She was not studying. Nasa harap niya ang ilang libro at notebook niya ngunit hindi man lamang niya iyon pinagkaabalahang buklatin. At ang sinabi nitong papel na nasa kanyang harapan na kanina niya pa sinusulatan, subconsciously? Ang makikita lamang doon ay ilang sketches niya ng mga bulaklak. So, he was right. Hindi nga siya nag-aaral. At dahil doon ay hindi niya maiwasang mahiya sa binata. Turn-off na ba ito sa kanya? Iniisip ba nito na tamad siya mag-aral at walang pakialam sa kanyang mga leksyon? "I-I... I am just---" "Nahihirapan ka ba sa lesson mo?" wika nito sa nag-aalalang tinig, dahilan para maputol ang mga sasabihin niya. Nais niyang sabihin dito na hindi. Kailan man ay hindi siya nahirapan sa pagsabay sa kanilang mga leksyon. She is a fast learner. At isa rin siya sa lagi ay nag-eexcel sa kanilang paaralan. She is intellegent. At kung talagang seseryosohin niya lang ang pag-aaral ay malamang na lagi siyang mag-uuwi ng mga parangal at medalya. "It is not like that," wika niya dito, saka bahagyang napayuko. Nakita niyang inabot ni Ronniel ang isa niyang aklat at marahan iyong binuklat-buklat. "So, why are you not even bothering to open your books?" Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "I have a classmate. She needs to maintain her grades to continue to have her scholarship. P-Payak lamang ang pamumuhay nila at kung hindi dahil sa scholarship na iyon ay baka hindi niya nagawang makapasok sa eskwelahang pinapasukan ko." "At ano ang kinalaman niyon sa tanong ko sa iyo kanina?" usisa nito sa kanya. His attention was caught by what she said. "You know that I am the top on our class," saad niya dito. "And this classmate of mine... she needs to be the top one in our section to be able to get that one-hundred percent of her scholarship. Pumapangalawa lamang siya sa akin sa aming klase." "Bea," saad nito kasabay ng muling pagtiklop ng kanyang librong hawak nito. "I can always go to any school that I want, Ron. Hindi ko kailangan ng scholarship para makapagtapos ng pag-aaral. My family can always provide for me. So, I am contented to be the second in our class." Ngumiti siya dito. Ang binata ay mataman lamang na nakatitig sa kanya na wari ba ay hindi pa makapaniwala na sinabi niya ang mga iyon. Alam niyang nabigla ito sa nalamang nagawa niya ang ganoong bagay. She does not mind at all. Ang mahalaga sa kanya ay hindi siya bumabagsak sa mga asignatura niya. And being second in their class is not bad at all. Ang ngiting nasa labi niya ay napalitan ng mabining pagtawa nang hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makahuma sa kinauupuan si Ronniel. "Don't look at me like that, Ron. It is as if I committed a crime." "You did not. But I was just... surprised," wika nito sa mababang tono. "Why are you here anyway?" tanong niya dito na iniba na ang takbo ng kanilang pag-uusap. "Bumisita lang. Akala ko ay narito na si Jake," tugon nito sa kanya. "Mayamaya pa ang uwi ni Kuya Jake." Jake is currently training on their company--- ang Olvidares Manufacturing Corporation. Bilang panganay sa kanilang magkakapatid ay dito naatang ang responsibilidad bilang papalit sa kanilang ama. "I see," tumatangong tugon ng binata sa kanya. "I just want to visit them... kayo actually, bago man lang ako madestino ulit sa ibang lugar." Bigla siya muling nakaramdam ng panlulumo sa kaalaman na madedestino ulit ito sa malayong lugar. Sa uri ng trabaho nito ay malamang na laging ganoon ang mangyayari sa binata. At nalulungkot siyang isipin na ilang buwan na naman bago niya ito makitang muli. "W-When... When are you leaving?" tanong niya dito. "Next week," tipid nitong sagot sa kanya. Agad ang pagpasok ng isang ideya kay Beatrice. She smiled at him and told him her thoughts. "So meaning, you are still here this Saturday?" tanong niya dito na sinagot naman nito ng isang tango. "C-Can you accompany me then in our prom night?" "Prom night?" ulit nito sa sinabi niya. "You want me to be your date?" Nahihiyang tumango si Beatrice sa binata. Kung date man nga na matatawag iyon ay ikagagalak niya kung sakaling pumayag man si Ronniel. "Don't you think I will be out of place? I am too old to come with you," saad nito. "You are only twenty-three. Besides, doon din naman kayo nagtapos ng sekondarya nina kuya. I am sure na may ilang teachers pa na makakakilala sa iyo," giit niya pa dito. "And I think my parents, maging ang mga kuya ko ay mapapanatag kung kilala nila ang kasama ko sa gabing iyon." The last sentence that she said was just an alibi. Noong isang linggo pa siya pinayagan ng kanyang mga magulang na dumalo sa kanilang prom night. Nasabi niya lamang ito sa binata para may rason upang makasama niya ito bago man lang ito bumalik sa trabaho. "Okay," mayamaya ay saad ni Ronniel sa kanya. Agad na umahon ang pag-asa sa kanyang dibdib. "Dahil sa huli mong sinabi ay sasamahan kita. Anong oras ba ito?" Binanggit niya dito ang oras ng pag-uumpisa ng kanilang prom night. Then, Ronniel smiled to her and said, "Okay. Susunduin na lamang kita dito." Isang malapad na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Beatrice. She can't even contain the happiness that she was feeling right now. Ang pagpayag nito na samahan siya sa kanilang prom night ay labis na nakapagpasaya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD