CHAPTER 3
Nagising si Beatrice nang sumunod na araw dahil sa labis na p*******t ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay may kung anong pumupukpok sa parteng iyon ng kanyang katawan. Mariin niyang nasapo ang kanyang ulo na wari bang sa pamamagitan niyon ay maiibsan kahit konti man lang ang nadarama niyang sakit.
Unti-unti ay minulat niya ang kanyang mga mata. Puting kisame ang agad ay tumambad sa kanyang paningin. Beatrice's forehead furrowed instantly as she looked at the unfamiliar ceiling.
Hindi ba at mapusyaw na kulay rosas ang pintura sa kanyang silid? Bakit ibang kulay ang nakikita niya ngayon?
Disoriented, Beatrice's eyes widened as her gaze roamed around the room. Napuno ng pagtataka ang kanyang sarili. Bakit ibang kulay ng pintura ang bumungad sa pagbukas niya ng kanyang mga mata?
Agad siyang napabangon nang mapunang isang hindi pamilyar na silid ang kasalukuyan niyang kinaroroonan. Beatrice was so stunned by it that she experienced a moment of total disorientation.
Ilang segundo din na nakaupo lamang siya sa ibabaw ng kama. Nang bigla ay agad niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Pilit niyang binalikan sa kanyang isip ang mga naganap kagabi.
It was his brother's wedding day yesterday. Hindi pa man tapos ang kasiyahan sa bakuran sa harap ng kanilang bahay ay nagpaalam na siyang papanhik sa kanyang sariling silid. Ginawa niyang dahilan ang p*******t ng ulo niya, which is partly true. Talaga namang nakaramdam siya ng pagod kahapon sa araw ng kasal ng kanyang kapatid. Nang dumating siya ng bansa ay nagpresinta siyang tumulong sa ilan pang kakailanganin sa kasal ng kanyang Kuya Jake at ni Francheska.
But Beatrice knew it better. Maliban doon ay may mas mabigat pa na dahilan kung bakit maaga siyang pumasok sa kanyang silid kagabi.
She was hurting yesterday. Her heart broke when she saw Ronniel and his girlfriend. After how many years ay kahapon lamang sila ulit nagkita ni Ronniel. Ngunit labis lamang siyang nadismaya nang malaman niyang malapit na rin pala itong ikasal sa ibang babae.
Hanggang sa natagpuan ni Beatrice ang kanyang sarili na nagmamaneho ng kanilang sasakyan na walang katiyakan kung saan ang patutunguhan.
Until she went to that place... the bar!
Beatrice almost groaned. What happened last night? Hindi ba at payapa lamang siyang umiinom nang mag-isa doon? She was alone at the bar's counter... until one man sat beside her.
Agad siyang napatuwid sa kanyang pagkakaupo. Pilit niyang inaalala sa isip niya kung ano ang naging takbo ng pag-uusap nila ng estranghero.
"Damn!" Beatrice almost hissed on her breath.
Ganoon ba karami ang nainom niya kagabi at hindi niya maalala ang nangyari pagkatapos ng pag-uusap nila ng lalaking iyon? Ang estranghero ba na iyon ang nagdala sa kanya sa lugar na ito? And what is this place, anyway?
Mayamaya ay marahan niyang niyuko ang kanyang sarili. Maliban sa kanyang mataas na sandals ay nasa katawan niya pa ang lahat ng kanyang kasuotan. She was not naked. May damit pa rin siya. And somehow, that was a relief.
"I did not have a one-night stand with anyone," she said to herself. It was like she was convincing herself than stating a fact.
Maliban sa kanyang ulo ay wala nang may masakit sa kanyang katawan. And if ever she made 'it' with someone, she would know it. Mararamdaman naman niya iyon. At dahil walang madamang kakaiba sa kanyang katawan si Beatrice ay nakahinga agad siya nang maluwag.
*****
MARAHAN na ipinarada ni Beatrice ang Land Crusier sa kanilang bakuran. Lumabas siya mula sa sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Dire-diretso siya sa loob at akmang aakyat na sana patungo sa kanyang silid nang mahinto siya sa kanyang paglalakad. Mula sa kanyang tagiliran ay isang tinig ang kanyang narinig.
"Where have you been, Bea?" mapanganib na tanong sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jake.
Nang lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig ay nakita niya itong papalabas mula sa kanilang komedor. Karga pa nito ang kanyang pamangkin na si Lucas.
"Good morning to you too, Kuya," saad niya dito.
"Exactly, Beatrice. Umaga na ngayon pero kauuwi mo pa lang." Mariin ang mga katagang wika nito sa kanya. At alam ni Beatrice na may bahid ng galit ang tono nito.
Mula sa likuran ng kanyang kapatid ay nakita niyang lumabas mula sa komedor si Francheska. Inabot na nito si Lucas mula kay Jake at kinarga na ang anak ng mga ito.
"Sa hardin na muna kami ni Lucas," malumanay na wika ni Francheska at saka humarap sa kanya. Isang mabining ngiti ang iginawad nito sa kanya bago naglakad palabas patungo sa kanilang hardin.
Sinundan niya ng tingin ang mag-ina habang papalayo ang mga ito sa kanila. Who would have thought that Francheska would be her brother's wife? Hindi ba at masamang babae ang unang pagkakakilala dito ng kanyang kuya? Jake thought the worst of her at first. At ngayon, sinong mag-aakala na kay Francheska pala ito magpapakasal?
Ano mang tumatakbo sa isipan niya ay bigla nang naputol nang agad na siyang hinarap ni Jake nang mapagsolo na ulit silang dalawa.
"Bakit kauuwi mo lang, Beatrice?" tanong nito sa naninitang tono.
Napabuntong-hininga na lamang si Beatrice bago naglakad patungo sa may sofa. Doon ay naupo siya. Nakararamdam pa rin siya ng p*******t ng kanyang ulo dahil sa pag-inom na ginawa niya kagabi. And what she needs right now is to take a shower to ease the pain and her hangover.
Ngunit mukhang malabo na magawa niya agad iyon sapagkat heto at sinundan pa siya ng kanyang nakatatandang kapatid. Jake followed her and looked at her intently.
"Kailan man ay hindi ako naging pabor nang ginusto ng papa na sa ibang bansa ka mag-aral. Look at you now. Nakuha mo na ba ang kulturang mayroon sila at---"
"Kuya Jake," putol niya sa paglilitaniya nito. "Ngayon lang ako umuwi nang ganitong oras. It was not as if I was doing this in Florida."
"Then why?" nananantiya nitong tanong sa kanya. "Maaga kang umakyat sa silid mo kahapon hindi pa man tapos ang reception ng kasal namin ni Cheska. Your excuse was because you had a headache? Then all of a sudden, you left and..." Sadyang ibinitin nito ang pagsasalita at mataman siyang tinitigan. Alam niyang alam nito na nakainom siya kagabi.
"Lumabas lang ako, Kuya Jake. I just needed to breathe," wika niya dito.
"Breathe?" hindi kumbinsido nitong pahayag. "Goodness, Beatrice! Anong klaseng paghinga ba ang gusto mo? Having a night life? Uminom at magpaumaga ng uwi?"
Hindi siya nakasagot dito. She has two brothers--- sina Jake at Vincent. The two men were opposite to each other. Ang kanyang Kuya Jake ay ang tipong istrikto at seryoso. Madalas ay mas istrikto pa ito kaysa sa kanilang ama noong nabubuhay pa ito. While her Kuya Vincent? Sa maraming pagkakataon ay mas kasundo niya ito. Siguro ay dahil na rin sa pagiging magaan nitong makisama. Unlike Jake, si Vincent ay maraming kalokohan sa buhay, lalo na nang kabataan pa nito. Kaya kung ikukumpara niya ang dalawa ay masasabi niyang mas malapit siya sa kanyang Kuya Vincent.
Nevertheless, she loves both her brothers. Magkaiba man ang mga ito ay kapwa niya mahal ang dalawa.
"Natahimik ka na, Beatrice," muling saad ni Jake na naging dahilan para bumalik ang atensyon niya rito.
"Ito lang ang unang beses na nangyari ito, Kuya Jake. I-It... it won't happen again," aniya sa mababang tinig.
"Were you with someone?" usisa pa nito sa kanya. "Saan ka nagpalipas ng gabi?"
Agad na napalunok si Beatrice dahil sa sunod na mga naging tanong nito. Mas lalo nang hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang kapatid.
Was she with someone? Hindi ba at may kasama nga siyang estranghero kagabi? At kahit hindi niya matandaan ang ibang nangyari ay nakasisiguro siyang ito ang nagdala sa kanya sa hotel na kanyang pinanggalingan.
Kung kasama niya man ito sa buong magdamag ay hindi na niya alam. Hindi niya masabi sapagkat talagang wala siyang maalala maliban nang nasa bar pa lamang sila.
"Beatrice," pukaw sa kanya ni Jake. He seemed to be impatient for her answer.
"I... I was with my f-friend. High school friend... Yeah, that's it," nauutal niyang sagot dito kasabay nang muling magtayo mula sa sofa.
She could not tell it to her brother. Alam niya ang ugaling mayroon ang kanyang Kuya Jake. Kapag nalaman nito na lalaki ang kanyang kasama kagabi ay paniguradong malilintikan siya. He is so strict and dominant in some ways. At alam niyang hindi nito magugustuhan ang nangyari kagabi--- ang pagdala sa kanya ng isang estranghero sa isang hotel.
"Excuse me, Kuya. Papanhik lang ako sa aking silid," paalam niya dito. Hindi na niya hinintay pa na makasagot ito. Agad na niyang itong linampasan upang pumanhik sa kanyang kwarto.
Jake just followed her with his gaze. Nasa may puno na siya ng hagdan nang muli itong magsalita.
"Siguraduhin mo lang na walang magiging konsekwensiya itong ginawa mo, Beatrice," saad nito sa seryosong tinig bago lumakad na patungo sa may hardin para sundan ang mag-ina nito.
Beatrice was left puzzled. Ano naman ang magiging konsekwensiya ng nangyari kagabi? She was so sure that there would never be a chance that she would see that stranger from the bar again. Napakalaki ng Metro Manila para muli pang magtagpo ang mga landas nila.
At nasisiguro din ni Beatrice na makakalimutan din ng kanyang kuya ang pag-uusap nilang ito. Jake is a busy man. Kapag naging abala na ito sa kompanya ay hindi na itong muli mang-uusisa sa kanya.
She heaved out a deep sigh and headed to her room. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang ipinatong ang pouch na kanyang dala sa ibabaw ng tokador. Naglakad siya palapit sa kama at doon ay nababagot na naupo.
Agad na pumasok muli sa kanyang isipan si Ronniel--- her first love. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman ngayong nakahanap na ito ng pag-ibig sa katauhan ng ibang babae. Hindi niya man gustong aminin ay talagang nasasaktan siya sa kaalaman na iyon. Kahit pa alam niya sa kanyang sarili na wala siyang karapatan na makadama ng ganoong damdamin.
She was fifteen when she first felt this way towards Ronniel. At her young heart, she knew she was attracted to him. Pero lagi na ay pinabubulaanan iyon ng binata. That she was still young and did not know anything about attraction. Bagay na hindi siya sang-ayon.
Yes, she admitted her feelings to him... which Ronniel declined. Sinabi nitong bata pa siya at huwag pagtuunan ang ganoong bagay. And so, she waited 'til she grew up. At ngayon ngang ganoon na siya ay iba naman na ang tinatangi nito.
And she can't help but to be hurt.
Bigla ay inihiga ni Beatrice ang kanyang sarili sa kama. She stared at the ceiling. Paano nga ba nagsimula ang damdamin niya para kay Ronniel?
Parang agos ng tubig sa ilog na dumaloy sa kanyang balintataw ang mga alaala noong siya ay kinse anyos pa lamang. . . . .