CHAPTER 5

2113 Words
CHAPTER 5 (FLASHBACK) Dumating ang araw ng prom night nina Beatrice. At katulad ng sinabi ni Ronniel sa kanya ay sinundo nga siya nito mula sa kanilang tahanan. At tama nga ang sinabi niya na naging panatag ang kanyang mga magulang, maging ang kanyang mga kuya, nang malaman ng mga ito na si Ronniel ang makakasama niya sa pagdalo sa pagdiriwang na iyon. Beatrice was so beautiful in her elegant black dress. Manipis ang mga strap niyon, making her shoulder exposed to everyone. At dahil sa kulay ng kanyang kasuotan ay litaw na litaw ang kaputiang taglay niya na sadyang minana niya pa sa kanyang ina. Ang damit na kanyang suot ay pinasadya pang ipatahi ni Soledad, her mother. Mahaba ito at hanggang sa kanyang mga sakong ang laylayan. Kung titingnan ay payak lamang ang pagkakayari ng damit. According to her mom ay nais pa rin nito na ibagay sa kanyang edad ang damit na gagamitin niya sa kanyang prom night. Ngunit dahil sa magaling magdala ng kahit anong kasuotan si Beatrice ay nagmukhang elegante pa rin ang damit sa kanya. Dumating si Ronniel sa kanilang bahay para sunduin siya, isang oras bago mag-umpisa ang kanilang prom night. Matapos na makapagpaalam sa kanyang ama at ina ay tinahak na nila ang daan patungo sa eskwelahan na kanyang pinapasukan. Sa malawak na auditorium ng eskwelahan gaganapin ang pagdiriwang. Tahimik lamang si Beatrice habang lulan sila ng sasakyan ni Ronniel. Dahil sa may sarili naman itong kotse ay hindi na nila kailangan gamitin ang isa sa mga sasakyan ng kanyang pamilya. Panaka-naka ay tinatapunan niya ito ng tingin. Ronniel was handsome on his long-sleeved polo. Kulay puti ang suot nito na may dark blue na necktie. Isang itim na slack naman ang pangbaba nito. She was happy to know that Ronniel agreed to come with her. Ilang saglit pa ay nakarating sila sa kanilang eskwelahan. Karamihan sa mga estudyante, maging ang ilang guro na naroon na ay napapalingon sa kanila. Among all the students ay siya lamang ang may 'ka-date' na outsider ng eskwelahan. Halos lahat ay kaklase o 'di kaya ay mula sa ibang section ang mga kasama. "Certeza?" anang tinig sa kanilang likuran. Nang lumingon si Beatrice ay natanawan niya si Mrs. Villanueva. Isa ito sa pinakamatandang guro sa eskwelahan na iyon. Science at Math ang mga asignaturang itinuturo nito. "Good evening, Mrs. Villanueva," nakangiting bati dito ni Ronniel. From the looks of it ay mukhang dating naging guro ng binata si Mrs. Villanueva. Agad itong nilapitan ni Ronniel at nakipagkamustahan sa matanda. "Bea," tawag sa kanya ng isang tinig. Si Mildred, isa sa mga malapit niyang kaibigan. Nasa tabi nito sina Katherine at Ruth. Ang tatlong ito ang pinakamalapit na kaklase niya sa kanya. Lagi ay silang apat ang magkakasama, sa canteen man o sa pag-aaral sa may library. Maging sa pamamasyal sa ilang mall ay itong tatlo ang kasa-kasama niya. Isang ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Ngunit bago pa man may mamutawi na ano mang salita mula sa kanyang mga labi ay marahan na siyang nahila ni Mildred sa kanyang kamay at iginaya na siya sa mesang inookupa ng kanyang mga kaibigan. Agad na siyang naupo sa silyang naroon. Lahat ng mesang nasa loob ng auditorium ay may kulay rosas na sapin. Sa gitna ng bawat mesa ay bulaklak na may magandang pagkakaayos. Maging ang mga silyang inuupuan nila ay may balot na telang kasingkulay ng sapin sa mesa. Isang malaking ribbon na pula naman ang nasa likod ng mga ito. Pagkaupo ni Beatrice ay saglit niya pang tinanaw ang kinaroroonan ni Ronniel. Maliban sa matandang guro na tumawag dito kanina ay may kaharap na rin itong dalawa pang miyembro ng faculty. Base sa mukha ng mga ito ay halatang kilala ng mga ito ang binata. They must be Ronniel's teachers when he was still in high school. At gusto niyang mainis sapagkat dapat ay siya ang kasama nito. Pero hayun at hindi na tinantanan ang binata ng mga nakakakilala dito. "Who is he, Bea?" Narinig niyang tanong ni Mildred sa kanya. She turned to face her classmates. Ang tatlo ay nakaupo na rin at ngayon ay nakapalibot na sila sa mesa. "A family friend. He is my brothers' friend," sagot niya sa mga ito. "He is handsome," komento naman ni Katherine. "Is he courting you?" "No," maagap niyang tugon dito. Though, how she wish ay ganoon nga ang gawin ni Ronniel sa kanya. Nais pa sanang mang-usisa ng kanyang mga kaibigan ngunit napigil na iyon ng mag-umpisa nang magsalita ang emcee ng programa. Ipinahayag na nito na mag-uumpisa na ang program. Lahat sila ay natuon na ang pansin roon. Ilang minuto na ang lumipas nang magsimula ang kanilang prom night. Naroon lamang siya at nakaupo. Ngunit hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya nilalapitan muli ni Ronniel. When she looked at him again, she saw him talking to one of their student teachers. Kilala niya ang babaeng iyon. Isa iyon sa mga nagpa-practice teaching sa eskwelahan nila. She must be of the same age as Ronniel. O baka ilang taon lang ang agwat ng dalawa. She was not sure. Ang nasisiguro niya ay naiinis siyang makita itong masayang nakikipag-usap kay Ronniel. Hanggang sa mayamaya ay nagsimula na ang sayawan. Sina Mildred, Katherine at Ruth ay nakailang sayaw na kasama ang ilan sa mga kaklase nilang lalaki. But Beatrice remained on her seat. Hindi dahil sa walang nais makipagsayaw sa kanya. Kung tutuusin ay hindi na niya mabilang kung ilang kaeskwelang lalaki ang lumapit sa kanya para ayain siya sa gitna ng bulwagan at sumayaw. Maging ilang mula sa ibang section, and even from forth year high school asked her to dance with them. Ngunit isa man ay walang pinaunlakan ang dalagita. She was waiting for someone else to dance with her. Nang mayamaya ay may humila sa silyang nasa kanyang kanan. Nag-angat siya ng kanyang mukha at nalingunan si Ronniel na naupo sa kanyang tabi. Tipid itong ngumiti at mataman muna siyang tiningnan bago nagsalita. "Nalulungkot ako para sa mga lalaki na nais kang maisayaw ngunit tinanggihan mo," saad nito sa kanya. Saglit siyang natigilan. Bakit nito alam ang tungkol sa bagay na iyon gayong abala ito sa pakikipag-usap sa babaeng iyon? "H-How did you know?" tanong niya dito. "Ako ang kasama mo sa pagtungo dito. I should make sure that I will bring you back home safe. Kaya hindi maaaring lubayan ka ng mga mata ko," wika nito sa kanya. "So, bakit hindi ka makipagsayaw sa mga kaklase at kakilala mo? Minsan lang makadalo sa prom night, Bea. Make the best of it." "I am not in the mode," seryoso niyang saad dito. "Is there something wrong?" puna nito sa kanya. "N-Nothing," tipid niyang sagot dito. Everything is wrong--- iyon ang gusto niyang sabihin dito. Hindi man lang ba siya nito aayain na sumayaw? O kung sana man lang ay natuon ang oras nito sa kanya sa buong durasyon ng programa ay ayos na sa kanya kahit pa nakaupo lamang sila. Pero hindi. He spent his time talking to someone else. Mayamaya ay tumingin siya sa relo na kanyang suot. "Thirty minutes na lang ay tapos na ang programa. Matapos niyan ay awarding na lang naman," tukoy niya sa sayawan. "Let us go home." "Are you sure?" gulat nitong saad sa kanya. "You did not even enjoy the night, Bea." How could she? Masaya na sana siya sapagkat kasama niya ito nang gabing iyon. Ngunit paano naman niya ieenjoy ang mga sumunod na oras gayung hayun ito at mas ginugol ang mga sandali sa pakikipag-usap sa iba. Nagtataka man ay nagpahinuhod na ang binata sa pasya niya. Dahil sa kilala naman ito ng ilang guro ay ito na mismo ang nagpaalam sa kanyang adviser na uuwi na sila. His alibi was because she was not feeling well. Ilang saglit pa ay nasa daan na sila pabalik sa kanilang bahay. Tahimik lamang si Beatrice at mas itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Ni hindi na niya namalayan nang huminto ang sasakyan ng binata sa tapat ng kanilang gate. "Bea," banggit nito sa pangalan niya sa banayad na paraan. She turned to face him. At alam niyang nakita nito ang hinanakit sa kanyang mga mata. "You did not even dance with me, Ron." Saglit itong natigilan bago mistulang hinawi ang sarili at ngumiti sa kanya. "Bea, marami ang lumapit sa iyo at nag-ayang sumayaw ngunit lahat ay tinanggihan mo. Was it because you were waiting for me to dance with you?" Marahan na pagtango ang kanyang ginawa bilang tugon dito. "You were with me but you stayed with someone else," himutok niya pa dito. "Sinadya ko iyon," wika nito sa kanya dahilan para mapatitig siya sa mukha nito. Nanatili lamang siyang tahimik at hinintay ang iba pang sasabihin nito. "They are of your age, Bea. Marapat lamang na gugulin mo ang gabing ito na kasama ang mga kaedaran mo. You should have enjoyed it with them." "But you were with me..." "And I am glad to be invited by you," susog nito sa mga sinabi niya. "Matagal na ring panahon mula nang huli akong makadalo sa ganoong pagtitipon. But it does not mean na ako lamang dapat ang pagtuunan mo ng pansin sa gabing iyon, just because you were with me." "I like you, Ron," walang kaabug-abog na pag-amin niya sa binata. Nakayuko lamang siya sa kanyang kandungan at iniiwas ang mga mata mula sa binata. But she was so sure that Ronniel heard her confession. Narinig niya pa nang nagpakawala ito ng isang buntong-hininga. Mas itinutok nito ang mga mata sa unahan ng kotse. For a moment no one of them spoke. Ilang minuto din ang lumipas bago muling nagsalita ang binata. "Lumaki akong walang kapatid, Bea. My mother died when I was still young kaya marahil hindi na ako nagkaroon ng tyansang magkaroon pa. But I am glad that the three of you are there. Malapit ang mga pamilya natin sa isa't isa. At para na rin akong may kapatid dahil sa inyong tatlo." She was hurt because of what he said. Hindi man tuwiran ngunit alam niyang pagtanggi na nito iyon. "Ron---" "You are still so young, Bea. Only fifteen," putol nito sa mga sasabihin niya pa. "Kapag natuon ang pansin mo sa ibang bagay ay makakalimutan mo rin iyang sinabi mo." "I doubt it," matapang niyang tugon dito. "It is late, Bea. Pumasok ka na sa inyo," wika nito sa kanya. "Ronniel, what I said is true. Gusto kita," naiiyak na niyang wika dito. Bakit ba pakiramdam niya ay pinabababa niya ang sarili sa harap ng lalaking ito? "When you grew up, humarap ka ulit sa akin at sabihin mo sa akin ang mga bagay na iyan. But I will assure you, Bea. Hindi na iyan ang mararamdaman mo sa mga susunod na taon. Madalas lang tayong magkita at magkasama kaya sa akin natuon ang paghanga mo. But try exploring the world, princess. Marami ka pang makikilala. "Magkaibigan ang mga pamilya natin at pinagkatiwala ka nila sa akin sa gabing ito. Ayokong sirain ang tiwalang iyon. Besides, I just don't like you, Bea. I love you. You are like my sister that I never have." Tuluyang pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Kung tutuusin ay may mga nanliligaw sa kanya sa kanilang eskwelahan. Sa murang edad niya ay nakakakuha na siya ng atensyon ng ilang kalalakihan. But she declined all of them because of this man. Agad na nabahala si Ronniel nang makita ang mga luha sa kanyang mukha. Akmang pupunasan nito iyon ngunit agad na siyang umiwas. "Bea," anas nito. "I did not mean to hurt you. Pero maniwala ka, lilipas din iyang nadarama mo." "You can just tell me that you don't like me, Ron," saad niya dito. "Importante ka sa akin. At hindi iyon magbabago, Bea," wika nito sa kanya. Mayamaya ay bahagya itong lumapit sa kanya dahilan para mapasiksik siya sa sandalan ng passenger's seat. Inabot ng binata ang pinto ng sasakyan sa panig niya at ito na mismo ang nagbukas niyon. Saka ito muling umayos sa pagkakaupo. "Ilang buwan ulit akong madedestino sa malayo," wika pa nito. "Baka matagal ulit bago tayo magkita. You take care of yourself. Now, go and get some rest. Goodnight, princess." Princess--- sa maraming pagkakataon ay iyon talaga ang tawag sa kanya ng binata, bagay na nakasanayan niya na sa paglipas ng panahon. Wala ng ano mang salita na bumaba siya ng sasakyan nito. Parang dinudurog ang batang puso niya sa isiping walang katugon ang damdamin niya dito. Nasa loob na siya ng kanilang bakuran nang marinig niya ang tunog ng papalayong sasakyan ng binatang kanyang tinatangi. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD