Hapon na nang naisipan nilang umuwi at kasalukuyan silang sakay sa sasakyan ni Angelo. Tahimik lang siya sa tabi nito at doon niya lang naramdaman ang pagod sa ginawa niyang pagliligo at paglalangoy sa ilog.
Sinamahan siya doon ni Angelo at hindi na ito umalis sa tabi niya.
Nagligo din ito at hindi naman nito sinira ang araw niya pero ang ginulo naman nito ay ang kanyang isipan dahil sa nangyaring halik sa pagitan nila. Hindi na naman 'yon naulit dahil dumidistanya siya dito na tinatawanan lang ng pilyong asawa niya. Yeah, asawa niya. Wala din naman siyang ibang magagawa kun'di tanggapin ang katotohanang asawa na niya ito.
Hindi naman sa ayaw niya dahil magsisinungaling lang siya sa sarili kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang ideyang asawa siya ni Angelo. Sa halos twelve years na kasama niya ito ay hindi maiiwasan ang mahulog ang loob niya dito pero iyon ang matagal at pilit niyang sinusupil at pinipigilan dahil alam niyang masasaktan lang siya.
Inaamin niyang may lihim na pagtingin siya kay Angelo pero wala siyang planong sabihin iyon dito. Wala din siyang balak na palalimin pa iyon dahil mas lalo lang siyang mahihirapang makaahon kapag masyado na siyang nahulog dito. At hindi niya ito masisisi pag nangyari iyon dahil mula sa umpisa ay malinaw pa sa sikat ng araw na kaya lang siya nasa tabi nito ay para pagbayaran ang kasalanan ng kanyang ama.
Ginagamit lang siya nito sa paghihiganti kaya hangga't kaya niya ay pipigilan niya ang sariling huwag mas lalong mahulog dito. Dahil hindi din naman siya nito magagawang saluhin. Babagsak lang siya at sa bandang huli ay wala siyang ibang mapapala kun'di ang lumuha, madurog at masaktan. At baka sa mga oras na iyon ay walang isang Carl Angelo ang magbangon sa kanya. Iyon ang masakit na katotohanan.
Masakit at mahirap tanggapin pero hindi bale nang masaktan sa katotohanan, huwag lang patuloy na umasa sa isang bagay na alam na niyang malabong mangyari. Dahil habang patuloy siyang aasa, patuloy lang din siyang masasaktan. Kaya tanggap na niyang isa lang siyang kasangkapan sa buhay ni Angelo. Dahil ginagamit lang siya nito at imposibleng magkaroon siya ng pag-asa dito.
"Gusto ko paggising ko bukas ay nasa bahay ka na ni Ate Caren. Huwag mong subukan muling paghintayin ako dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Naputol ang malalim niyang iniisip nang marinig niya ang boses ni Angelo sa tabi niya.
Inikutan na lang niya ng mata ang pagiging bossy nito bago siya humarap dito pero napangiwi siya nang makitang nakatingin pala ito sa kanya. At base sa magkasalubong na kilay at seryosong ekspresyon ng mukha nito ay nahuli nito ang ginawang pag-irap niya.
Wala sa sariling nakagat niya ang sariling labi dahil nakasanayan na niyang gawin 'yon kapag kinakabahan siya. Doon agad natuon ang atensyon ni Angelo pero agad din itong nag-iwas ng tingin at tumikhim na tila may bara ang lalamunan nito.
"Stop biting your lips. Sa susunod na gawin mo pa 'yan, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka kahit sa harap ng magulang mo o kahit sa harap ng maraming tao," saad nito at pinigilan niya ang muling ikutan ito ng mata dahil baka mahuli na naman siya nito. Hindi na lang siya nagsalita at nag-iwas na lang dito ng tingin kahit na deep inside ay halos umusok na siya sa inis kay Angelo.
Wala naman siyang masamang ginagawa at kailan pa naging bawal ang kagatin ang sariling labi? At hindi na siya magtataka kung dumating ang araw na kahit pagngiti at pakikipag-usap sa iba ay ipagbawal din nito. Lalo na sa mga lalaki. Napaka-possessive pa naman nito pagdating sa kanya pero siya kaya? May karapatan din kaya siyang pagbawalan at maging possessive rin dito? Asawa lang naman siya nito sa papel at hindi naman sila nagmamahalan. Siya lang ang lihim na nagmamahal dito. One sided love lang ang mayroon sa kanilang dalawa.
"Wala naman akong naaalala na pinagbawalan kitang magsalita pero bakit ang tahimik mo ngayon?" bakas ang pagka-inis sa boses nito pero hindi niya ito pinansin. Nanatili lang siyang tahimik pero agad siyang napatingin dito nang bigla nitong ihinto ang sasakyan. Ano na namang problema nito?
"Magsasalita ka ba o hahalikan kita?" magkasalubong ang kilay na anas nito at bakas ang pagka-inis sa mukha ni Angelo. Umayos siya ng upo dahil sa kaseryosohan nito at pinigilan niyang kagatin ang labi kahit na kinakabahan siya.
"Wala naman akong sasabihin," mahinang anas niya at nagbaba ng tingin sa kanyang mga kamay na nasa kandungan.
"Look at me," utos nito na kaagad niyang sinunod. Sunod-sunod siyang napalunok dahil sa kabang nararamdaman lalo na nang lumapit ang mukha nito sa kanya. "Natatakot ka ba sa'kin?" marahang anas nito and she nodded dahil iyon ang totoo. Natatakot siya dito. Natatakot siya sa maaaring gawin nito.
Narinig niya ang malalim nitong paghinga bago niya naramdaman ang magaang paglapat ng labi nito sa labi niya. Marahan siya nitong hinalikan pero agad din itong humiwalay sa kanya pero nanatiling magkalapit ang kanilang mukha.
"I'm sorry. Pero huwag kang matakot sa'kin dahil hindi kita magagawang saktan. Possessive lang ako, bossy at masyadong demanding pero kahit kailan hindi kita pagbubuhatan ng kamay. Maaaring masaktan kita emosyonal pero umasa kang hindi kita pisikal na sasaktan. Pagpasensyahan mo na ang pagiging moody ko," malumanay na wika nito bago siya matagal na hinalikan sa noo. Pinatakan din siya nito nang magaang halik sa labi bago ito umayos ng upo at sinimulan muling imaneho ang sasakyan.
Wala siyang naging sagot sa sinabi nito at nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay ng kanyang magulang. Maya't-maya niyang naririnig ang buntong-hininga nito pero wala na siyang narinig na salita galing kay Angelo. Lalabas na sana siya sa sasakyan pero hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya dito. At nais niyang matawa sa ekspresyon sa mukha nito dahil para itong problemado sa pagiging tahimik niya.
"Galit ka ba?" tila nag-aalangang anas nito at umiling lang siya bilang sagot. "Then talk to me, honey. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May nagawa ba akong mali? Tell me, honey.. Tungkol ba sa pagiging possessive at demanding ko? Kahit mahirap, babawasan ko. Sa halik ba? Wala na akong magagawa pagdating sa bagay na 'yon. Masanay ka na lang dahil higit pa sa halik ang gagawin natin kapag handa ka na," pagpapatuloy nito na parang hindi mapakali dahil sa silent treatment niya dito.
Kunot-noo lang siyang nakatingin dito dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon at ikinikilos ni Angelo sa pagiging tahimik niya. Masama bang maging tahimik dahil wala siyang gustong sabihin? Idagdag pa na napagod siya sa ginawa niyang halos maghapon na paglalangoy kanina kaya gusto na niyang magpahinga. Kaya tamad na tamad din siyang magsalita at idagdag pa na wala naman siyang gustong sabihin dito.
"Talk to me, please.. Ayaw ko ng ganito. Para akong mababaliw honey. Pangako, magbabago na ako. Babawasan ko na ang ayaw mo sa ugali ko," pagpapatuloy nito at kinuha ang kamay niya at bahagyang pinisil 'yon.
Gustong-gusto niya ang mga lumalabas na salita sa bibig nito at hindi niya maiwasan ang hindi umasa na may nararamdaman din ito sa kanya pero alam naman niyang malabong mangyari iyon. Hindi lang ito sanay sa pagiging tahimik niya dahil kadalasan ay sinasalungat niya lahat ng sinasabi nito kaya ganito ang reaksyon ni Angelo. Dahil kadalasan ay para silang aso't pusa kapag magkasama sila.
"Pagod lang ako, Angelo. At isa pa, wala naman akong karapatang magalit sa'yo. Wala rin akong karapatan na magreklamo sa lahat ng gusto mo. Pinagbabayaran ko ang kasalanan ng ama ko sa pamilya mo kaya wala akong karapatang suwayin lahat ng mga gusto mo. Alam ko namang ginagamit mo lang ak—" Naputol ang lahat ng sasabihin niya nang angkinin ni Angelo ang labi niya. Malalim siya nitong hinlikan at tumigil lang ito ng pareho silang kapusin ng paghinga.
"Huwag mo nang ituloy ang gusto mong sabihin, honey. Masakit sa tenga at hindi naman ako ganun kasama. Inaamin kong may katotohanan naman ang mga sinabi mo pero may iba pa akong rason, Vanessa. At malalaman mo rin iyon pagdating ng tamang panahon," wika nito na ikinaikot ng kanyang mata. Mahina lang nitong tinawanan ang ginawa niya bago siya mabilis na ninakawan ng halik sa labi.
"Bakit? Masakit bang marinig ang katotohanan? At kailan pa dadating ang tamang panahon na 'yan? Kapag wala na ako sa tabi mo?" masungit na anas niya dahil biglang nabuhay ang palaban side niya. Napangiwi ito pero agad din na sumeryoso ang mukha nito.
"Hindi ko itinatanggi ang katotohanang 'yon pero hinding-hindi mangyayari na mawawala ka sa tabi ko. Asawa na kita kaya dapat lang na nasa tabi kita habang tayo ay nabubuhay at hindi kita hahayaan na makalayo sa'kin. Lagi mong tatandaan na nakatali ka na sa akin, Vanessa. At kahit anong gawin mo ay hindi ka na makakawala. Akin ka lang and always remember that, honey. You. Are. Mine," seryosong wika nito at muling inangkin ang labi niya. Mas mapusok at mas malalim. Tila nang-aangkin at wala siyang ibang nagawa kun'di ang magpaubaya at magpadala sa bawat galaw ng labi nito.
Hindi niya alam kung papaano nangyari pero natagpuan na lang niya ang sariling nakaupo sa kandungan ni Angelo habang patuloy pa rin nitong inaangkin ang labi niya. At ang mas nakakagulat ay ginagantihan niya ang halik nito na parang nasa ilalim siya ng isang hipnotismo. At wala siyang lakas para labanan iyon dahil lolokohin niya lang ang sarili kung itatanggi niyang hindi niya nagugustuhan ang bawat halik ni Angelo.
"f**k!" daing nito pagkatapos nilang maghiwalay sa malalim at matagal na halikan. Parehas nilang habol ang paghinga at may naglalarong ngiti sa labi ni Angelo na parang sobra itong nasiyahan sa ginawang pagtugon niya sa halik nito.
"Papasok na ako sa bahay," nahihiyang anas niya habang hindi makatingin sa mga mata nito. Nakatagilid siyang nakaupo sa lap nito at nasa hita niya ang kamay ni Angelo. At doon lang nagsink in sa kanya ang kanilang posisyon.
"Much better, honey.. Dahil baka hindi ako makapagpigil at maangkin kita dito," nakataas ang sulok ng labi na anas nito na mas lalong ikinapula ng kanyang mukha. Umalis siya sa mga hita nito pero ninakawan pa siya nito nang mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang nakaalis sa kandungan nito.
Lumabas siya ng sasakyan at agad na pumasok sa kanilang bahay. Naabutan niya sa kusina ang mama niya na abala sa pagluluto ng kanilang magiging hapunan. Nandoon na rin ang Tito Ziggy niya habang nasa mga hita nito ang kanyang bunsong kapatid.
"Nandito ka na pala, Vanessa. Si Angelo? Pinuntahan ka ba niya sa ilog? Siya ba ang naghatid sa'yo? Hindi mo muna siya pinapasok para dito na maghapunan," wika ng mama niya nang mapansin siya nitong nakatayo sa bukana ng kusina.
"Opo, Mama. Pero nakaalis na po siya," wika niya at tumango naman ito.
"Oh siya, pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Malapit na rin akong matapos dito. Sabay-sabay na tayong kumain bago ka magpahinga."
"Mauna na lang po kayong kumain, Mama. Mamaya na lang po ako kakain at magpapahinga lang po muna ako sa kwarto," wika niya at pumayag naman ang kanyang mama dahil nahalata nito ang pagod sa kanyang mukha. Totoo namang pagod siya at ang gusto niya lang gawin sa mga oras na iyon ay ang humiga at matulog sa ibabaw ng kanyang kama.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at muntik pa siyang napasigaw sa gulat ng may kamay na humila sa kanya papasok at agad na tinakpan ang kanyang bibig ng kamay nito. Namimilog ang matang tiningnan niya ang taong gumawa no'n at medyo napahinga siya ng maluwag nang makitang si Angelo ang nasa harap niya.
"A-anong ginagawa mo dito?" mahinang anas niya nang alisin nito ang kamay sa bibig niya. Umalis naman ito sa kanyang harapan bago humiga sa ibabaw ng kanyang kama.
"Wala din naman akong gagawin sa bahay ng kapatid ko kaya dito na lang muna ako. Uuwi na lang ako kapag nakatulog ka na," simpleng wika nito at napahinga na lang siya ng malalim para kalmahin ang sarili.
Nagulat lang siya sa ginawa nitong paghila kanina pero hindi na siya nagulat nang makitang nasa loob ng kanyang kwarto si Angelo. Dahil sa mga nakalipas na taon ay malaya itong nakakapasok sa kwarto niya, gusto man niya o hindi. Dumadaan ito sa maliit na balkonahe ng kanyang kwarto at hindi niya alam kung papaano nito nabubuksan ang pinto doon.
Wala naman itong ibang ginagawa sa kanya at tinatabihan lang siya nito sa ibabaw ng kanyang kama. At wala din naman siyang ibang magawa para pigilan ito dahil kahit ilang beses na niyang itong pagsabihan ay hindi ito nakikinig sa kanya. Para itong batang pagsabihan, hindi nakikinig at napakakulit. Sobrang tigas ng ulo at ang gusto lagi ang nasusunod.
"Come here. Alam kong pagod ka at gusto mo nang magpahinga. May space pa naman dito sa tabi ko," wika nito at wala siyang nagawa kun'di ang humiga sa tabi nito. Kanina pa gustong pumikit ng kanyang mata dahil sa pagod na nararamdaman.
Malaki naman ang tiwala niya kay Angelo na wala itong ibang gagawin sa kanya dahil kung may binabalak man ito ay dapat noon pa lang ay ginawa na nito. Dahil katulad nga nang sinabi niya ay hindi lang 'yon iisang beses na nangyari. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong napasok ang kanyang kwarto at doon lagi ito natutulog sa tabi niya. Minsan nga nagigising na lang siyang nasa tabi ito.
"Goodnight. Dream of me, honey," mahinang anas nito at niyakap siya buhat sa likod. Naramdaman din niya ang paghalik nito sa kanyang buhok bago siya tuluyang hilahin ng pagod at tangayin ng antok bago siya nakatulog.