Chapter 2

2208 Words
"Ate, wala pa ba si Vanessa? Wala ba siyang text? Hindi ba siya natawag sa cellphone mo?" naiinip at hindi maipinta ang mukhang anas ni Angelo habang pabalik-balik siya sa tabi ng Ate Caren niya. Kasalukuyan itong may ginagawa sa kusina at nasa living room naman ang kambal na abala sa paglalaro. Ang panganay naman nitong anak na babae na si Carla Jane ay kasama ng mom at dad niya para doon magbakasyon. Abala naman ang Kuya Jayvee niya sa laptop nito at nandoon din ito sa loob ng kitchen na hindi na niya ipinagtaka dahil kung nasaan ang Ate Caren niya ay nandoon din lagi ito. Kahit nga yata sa bathroom ay magkasama lagi ang mga ito. It's already nine in the morning pero hindi pa dumadating si Vanessa at kanina pa niya ito hinihintay. Kanina pang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil inaasahan niyang paggising sa umaga ay nandoon na si Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren pero halos tanghali na ay wala pa ito. Kagabi pa niya ito gustong makita pero gabi na siyang nakarating sa isla kaya pinalipas niya muna ang magdamag (whole night) total naman ay pupunta rin doon si Vanessa. Pero heto nga at tanghali na pero wala pa rin ito. Damn! Ginagalit yata siya ng babaeng 'yon.. "Wala siyang text at hindi rin siya tumatawag, Angelo. Huwag ka ngang makulit diyan. Kanina ka pa pabalik-balik dito at ako ang nahihilo sa'yo. Umupo ka na nga lang doon sa living room at doon mo hintayin si Vanessa. O mas mabuti kayang puntahan mo na siya sa bahay nila," wika ng kapatid niya habang abala ito sa ginagawa. Alam niyang nakukulitan na ito sa kanya dahil hindi lang iisang beses na niya itong tinanong tungkol kay Vanessa. At hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na. "Yeah, mas mabuti pa nga. Kanina ko pa ring naiisip 'yan. Makikita talaga ng babaeng 'yan ang hinahanap niya pag wala siyang magandang dahilan kung bakit hindi siya pumunta dito ngayon," nakasimangot na anas niya na mahina lang tinawanan ng dalawang kasama niya sa kusina. Mapaparusahan niya talaga ito.. "Relax lang, Angelo. Baka naman may ginagawa lang si Vanessa. At isa pa, first day ngayon ng bakasyon kaya baka gusto muna niyang magpahinga bago pumunta dito," wika ng Kuya Jayvee niya habang hindi nito inaalis ang atensyon sa laptop nito. May punto naman ang sinabi ng Kuya Jayvee niya pero bakit hindi man lang ito nagpaalam. May cellphone naman ito at alam nito ang phone number ng Ate Caren niya. Damn! Inuubos yata nito ang pasensya niya. "Yeah. Pero bakit hindi man lang siya nag-text o tumawag para ipaalam na hindi siya makakapunta ngayon? Damn! Dapat talaga kinuha ko na ang cellphone number niya noon. Tss.." Naiinis na ginulo na lang niya ang buhok bago lumabas ng kusina. "At ano ba ang inirereklamo mo diyan? May sariling buhay naman si Vanessa kaya natural lang na hindi lang sa'yo at sa kambal umiikot ang mundo niya. At isa pa, bakit ba masyado kang mahigpit kay Vanessa? Daig mo pa ang boyfriend o asawa niya kung umasta ka. Pabayaan mo nga siya sa mga gusto niyang gawin," dinig pa niyang anas ng kapatid niya na hindi na lang niya pinansin. Baka hindi lang niya mapigilan ang sariling sabihin sa mga ito ang totoong estado ng relasyon nila ni Vanessa. Gustuhin man niyang ipaalam sa lahat na asawa na niya si Vanessa pero inirerespeto pa rin naman niya ang desisyon nito. Kahit na kadalasan ay siya ang nasusunod sa kanilang dalawa pero minsan naman ay iniisip niya rin ang desisyon ni Vanessa. Lumabas na lang siya ng bahay at sumakay sa kanyang sasakyan. Binuhay niya agad iyon at minaneho patungo sa bahay ng magulang ni Vanessa. Siguraduhin lang nitong may maganda itong rason o dahilan kung bakit hindi ito pumunta sa bahay ng Ate Caren niya. Mabibigyan niya talaga ito ng parusa. Isang parusang tatatak sa isipan at buong pagkatao nito na kahit kailan ay hindi nito makakalimutan. Medyo malayo ang bahay ng magulang ni Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren kaya medyo mahaba ang kanyang naging biyahe. Habang nasa daan ay napupuno ng imahe ni Vanessa ang isipan niya at lalo siyang nasasabik na masilayan ito dahil ilang buwan din ang lumipas buhat ng huli niya itong makita. At aaminin niyang sobrang namimiss na niya ito. Sobra.. Wala silang ibang komunikasyon kapag nasa lungsod siya dahil baka lalo lang siyang hindi makatiis para puntahan at laging bantayan ito kapag nagkausap sila through phone. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya kinukuha ang phone number ng dalaga pero ngayon ay pinagsisisihan na niya iyon dahil hindi man lang niya ito ma-contact. Hindi naman niya iyon magawang hingin sa kapatid dahil baka makahalata ito. Wala rin siyang maisip na magandang dahilan kung sakaling kunin niya ang number ni Vanessa sa kapatid. Dalawang taon na buhat nang sekreto niyang pakasalan si Vanessa. Ginawa niya iyon para magkaroon siya ng karapatan kung sakaling hindi niya mapigilan ang sariling angkinin ito. Para magkaroon din siya ng karapatan na ipagdamot ang dalaga sa iba. Para magkaroon siya ng karapatan sa pagiging possessive at territorial niya dito. Dahil para sa kanya, pagmamay-ari niya si Vanessa mula noong una pa niya itong masilayan. Para sa isang Carl Angelo Aldover ang isang Vanessa Joy Gayla. Bahala na kung anong isipin nito sa mga ginagawa niya. Isipin na nitong kaya niya ginagawa ang lahat ng iyon ay dahil ginagamit niya lang ito. Oo nga at may parteng ginagamit niya lang si Vanessa pero hindi naman umabot sa puntong dito niya ibubuhos ang paghihiganti niya sa ama nito. Ginamit niya lang iyong dahilan para mapasunod niya ito sa lahat ng gusto niya. He's just using her para mapalabas at mahuli ang ama nito dahil alam niyang mahal si Vanessa ng totoo nitong ama. Alam niyang hindi ito makakatiis lalo na pag nakita nitong nasa mga kamay niya si Vanessa. Lalo na kung ipakikita niya ditong ginagamit niya lang ang dalaga kahit na ang totoo ay may iba pa siyang rason kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon. May iba pa siyang plano at mangyayari lang iyon kapag nahuli at nakulong na ang ama nito. Ginagamit niya si Vanessa pero wala siyang planong paglaruan at saktan ang damdamin nito. Alam niyang malaki ang posibilidad na masasaktan ito sa mga plano niyang gawin pero aayusin niyang lahat 'yon kapag nagawa na niyang maisakatuparan ang plan A niya. At iyon ang makulong ang ama nito para pagbayaran nito ang kasalanan nitong ginawa sa pamilya niya lalo na sa kanyang Ate Caren. Nakahanda na rin ang kanyang plan B at sekreto muna 'yon sa ngayon. At silang dalawa lang ni Vanessa ang involve sa plano niyang iyon. Alam niyang hindi maiiwasang masaktan si Vanessa sa mga gagawin niya lalo na at ang alam lang nito ay ginagamit niya lang ito sa kanyang paghihiganti. It's also part of his plan. Hahayaan niyang isipin nito iyon para hindi ito mahulog sa kanya na baka maging dahilan pa para magbago ang kanyang pinaplanong paghihiganti. May tamang oras para sa lahat lalo na para sa kanilang dalawa. Hindi pa iyon sa ngayon pero sisiguraduhin niyang sa bandang huli ay magiging kanya pa rin si Vanessa. Gagawin niya ang kanyang mga plano at hindi iyon mapipigilan ng emosyong nararamdaman niya para dito. Stick to plan A muna siya. Bago na ang plan B kapag nagtagumpay na siya sa kanyang plan A. Naputol lang ang malalim na pag-iisip niya nang makarating siya sa tapat ng bahay ng magulang nito. Agad siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa bakuran kung saan niya nakikitang naglalaro ang kapatid ni Vanessa habang abala sa paglilipat ng halaman ang mama nito. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito kaya tumigil ang mga ito sa ginagawa. "Kuya!" masayang sigaw ng kapatid ni Vanessa at tumatawang sumalubong sa kanya. Nakangiting ginulo niya ang buhok nito bago binati ang mama ni Vanessa na papalapit sa kanyang pwesto. "Magandang umaga po. Nand'yan po ba si Vanessa?" magalang na wika niya sa ginang. "Mgandang umaga din, Angelo. Wala dito ang anak ko. Hay naku.. Mukhang nakalimutan na ng batang 'yon na tawagan ang iyong Ate Caren para magpaalam na hindi siya makakapunta ngayong araw," naiiling na wika ng ginang na ikinakunot ng kanyang noo. Magpaalam? May pinuntahan ba ito? "Po? May pinuntahan po ba si Vanessa? Maaari ko po bang malaman kung saan siya nagpunta?" wika niya at tumango sa kanya ang ginang. Tss.. Balak pa yata siyang takasan ng babaeng 'yon. Hindi ba nito alam na napaka-importante para sa kanya ang bawat araw na nandito siya sa isla? Two months na nga lang niya itong makakasama tapos tatakasan pa siya nito. "Nagpunta siya sa ilog, Angelo. Ang sabi niya sa akin kanina ay bukas na lang daw siya pupunta sa bahay ng Ate Caren mo. Ipapaalam na lang daw niya sa kapatid mo na hindi siya makakapunta pero mukhang nakalimutan na ng batang 'yon. Puntahan mo na lang siya doon sa ilog. Pakisamahan mo na rin dahil wala siyang kasamang pumunta doon," wika ng ginang na ikinatango niya. "Sige po. Alis na po ako. Puntahan ko na lang po siya sa ilog," paalam niya bago siya tumalikod para bumalik sa kanyang sasakyan. "Sige. Mag-iingat ka, Angelo." May nabuong pilyong ngiti sa kanyang labi habang minamaneho ang sasakyan sa direksyon kung nasaan ang ilog. Hindi doon makakapasok ng diretso ang kanyang sasakyan kaya kailangan niyang maglakad. Pero ayos lang iyon sa kanya dahil sulit naman kung sila lang dalawa doon ni Vanessa. Dahil masosolo niya doon ang dalaga. No.. hindi na pala dalaga dahil asawa na niya ito. He smiled. Bumaba agad siya ng sasakyan nang marating niya ang dulo ng daan kung hanggang saan lang pwede ang kahit na anong sasakyan. Mga fifteen to twenty minutes pang lalakarin bago niya marating ang ilog dahil medyo malayo iyon. Kaya hindi rin 'yon masyadong pinupuntahan ng mga tao dahil bukod sa malayo ay mahirap pa ang daan patungo doon. Idagdag pa na medyo madulas at masukal ang daan. Hindi lang naman 'yon ang unang beses niyang pumunta doon dahil kadalasan ay doon naliligo si Vanessa. At kung nasaan si Vanessa ay dapat nandoon din siya kapag nandito siya sa isla. Umaalis lang siya sa tabi nito kapag nasa bahay na ito ng magulang. Halos araw-araw ay gano'n ang kanyang ginagawa na kinasanayan na ng dalaga. Alam niyang sobra na ang kanyang ginagawa pero masama bang bakuran ang pagmamay-ari niya? Masama bang bantayan ito lalo na at hindi lingid sa kanyang kaalaman na marami rin ang lalaking umaaligid dito? At ang alam nito ay wala siyang alam sa ilang kaibigang lalaki nito sa school pero doon ito nagkakamali. Dahil alam niya ang lahat ng tungkol kay Vanessa. Isang pagkakamali lang nito na magiging dahilan para lumabas ang iba pang katauhan niya.. tuluyan niyang aangkinin ang dapat lang ay matagal na niyang nakuha noon pa. Madali lang para sa kanya ang tahakin ang medyo mahirap at masukal na daan. Kaya mabilis lang n'yang narating ang ilog at buhat sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw niya si Vanessa na abala sa paglalangoy at sunod-sunod siyang napalunok nang masilayan ang katawan ng dalaga. Agad na nag-init ang kanyang pakiramdam kasabay nang pagpintig ng kanyang kaibigan sa ibaba. "s**t!" mura niya dahil sa magandang tanawin na kanyang nasisilayan. Hindi pa napapansin ni Vanessa ang kanyang presensya kaya malaya niya itong napagmamasdan. Tanging maikling shorts lang ang suot nitong pang-ibaba at isang puting brassiere naman ang suot nitong pang-itaas. Malaya niyang nasisilayan ang magandang hubog ng katawan nito lalo na ang may katamtamang sukat nitong dibdib. Mas nahubog pa ang katawan nito buhat ng huli niya itong makita at mas lalo itong naging kaakit-akit sa kanyang mga mata. Mas lalo rin itong gumanda na lalo niyang ikinahumaling sa dalaga na ngayon ay kanya ng asawa. Napailing na lang siya dahil mukhang magiging doble pa ang gagawin niyang pagbabantay kay Vanessa. Kaya pala mas dumami ang mga lalaking umaaligid dito habang nasa lungsod siya. Marami na naman siyang tatakutin at marami na ulit makakatikim ng kamao niya. Dahil kanya lang si Vanessa. Kanya lang ang kanyang asawa. Kinuha niya ang magandang pagkakataon habang nakatalikod sa kanya si Vanessa. Hinubad niya ang kanyang pang-itaas at pang-ibabang kasuotan at tanging boxer brief lang ang kanyang itinirang saplot sa kanyang katawan. Bago siya dahan-dahang lumusong sa tubig na hindi napapansin ni Vanessa at agad na sumisid sa ilalim nang tumingin ito sa pwesto niya. Mukhang naramdaman na nito ang kanyang presensya kaya sa ilalim na siya ng tubig lumangoy papalapit sa pwesto nito. Malinaw naman ang tubig at malalim din iyon kaya alam niyang hindi siya nakikita ni Vanessa buhat sa ibabaw. Hanggang sa makita niya ang katawan nito sa ilalim at sa mismong harap siya nito umalsa/lumitaw na ikinagulat nito. "Angelo!?" namimilog ang mata at gulat na anas nito na ikinataas ng sulok ng labi niya. "Got yah, honey," nakataas ang sulok ng labing anas niya at agad na hinuli ang bewang nito nang akto itong lalayo sa katawan niya. Hinapit niya ito papalapit sa kanyang katawan dahilan nang pagdidikit ng dibdib nila na sunod-sunod niyang ikinamura sa kanyang isipan. f**k! Wrong move, Angelo.. wrong move.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD