Kundiman's POV Nagising ako sa napakabahong amoy na nasisinghot ng aking ilong. Nang mapansin kong nasa sala pa rin ako ay agad kong tiningnan ang katabi ko - si Kring-Kring. Ginising ko siya. Ilang beses ko rin siyang niyugyog at sa wakas naidilat niya rin ang kaniyang mata. "Ang baho! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" "Pasensiya ka na, Kring. Hindi ko nga rin namalayang nakatulog ako e. Nagising ako sa amoy patay na daga." "Ipagpaumanhin mo. Pareho pala tayong nakatulog. Pero iba ang pakiramdam ko e. Parang may nagpatulog sa atin." "Ganoon din ang naramdaman ko, Kring. Kailangan na nating kumilos. Kailangan nating umalis sa bahay na ito - sa islang ito." "Ang mabuti pa hanapin mo ang mga lalaki at ako naman ang aakyat sa taas upang puntahan ang mga babae." Tumango ako sa sinabi