Episode 6

1629 Words
"Magandang umaga po sa inyong lahat," bati ng sekretarya niya sa kanilang tatlo habang umiinom sila ng kape. "Kumusta po ang gising niyo? Ayos lang po ba kayo, mga Sir? Kung ako naman po ang tatanungin niyo, sobrang ayos lang po ako." Muntik na niyang maibuga ang kape na iniinom niya nang makita niya ang hitsura nitong talaga namang nakakasira ng araw. Kagaya ng nakagawian ay napakakapal na naman ng make-up nito kahit umagang-umaga pa lang. My goodness! 'Yong mata lang yata nito ang puti dahil puro itim na lahat. Hindi ba kinakati ang mukha nito sa make-up? Alas-singko y media pa lang tapos todo pustura na kaagad ang babaeng 'to na akala mo ay may inaakit. Hindi kaya isa sa mga kaibigan niya ang gusto nitong masungkit? Kung ganoon nga ang plano nito ay hindi niya hahayaan na mangyari iyon dahil ayaw niyang magdusa ang mga ito kagaya ng nangyayari sa kaniya ngayon na halos minu-minutong balisa. Kung siya kasi ang tatanungin, kaya niya itong labanan kahit papaano hindi kagaya ng mga kaibigan niya na mabilis mauto at hindi marunong mag-imbestiga. Naturingan na mga nakapag-aral pero tanga. Ni hindi man lang nagdududa sa hitsura ng babaeng kaharap nila. Ang hindi niya maintindihan kung bakit gandang-ganda ang mga kaibigan niya rito gayong ang hitsura nito ay nakakatakot lalo na kapag tinititigan ka nito sa mga mata mo. "Magandang umaga naman sa iyo, Miss Hope," pabalik na bati rito ni Samaniego na para bang na-starstruck ito kaya naman pasimple niyang sinipa ang binti nito. "Good morning din sa iyo, Hope. Kumusta ang gising mo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Napaismid siya sa tanong ni Genesis. "Good morning too, beautiful lady," bati naman ni Evangelista rito sabay tingin sa kaniya na para bang sinasabi nito na batiin niya rin ang babae. Ang mga kaibigan niya talaga ay may taglay na katangahan paminsan-minsan. Hindi niya alam kung tanga ba ang mga ito o bulag. Ang lakas talaga ng puwersa ng babaeng 'to. "Sira na ang umaga ko," pasaring niya. "Kayo na muna ang bahala rito. Lalabas na muna ako dahil baka masaktan ko kayong lahat." "Ingat po kayo, Sir." Kapag talaga may ibang tao ay napakagalang ng babaeng 'to pero kapag silang dalawa lang ay hindi ito nag-aalinlangan na sagot-sagutin siya. "Ano po ba ang gusto niyong ulam ngayon para po maihanda ko na? Magaling po akong magluto ng iba't ibang putahe, Sir. Marunong din po akong mag-bake." "Eh, 'di ikaw na ang talented, ako na ang walang alam!" inis niyang sambit dito dahil nakangiti pa ito habang isa-isang isinasampal sa mukha niya ang mga kaya nitong gawin na hindi niya kaya kahit sa panaginip. "Ano pa ang mga alam mo? 'Wag mong sabihin sa akin na kaya mong lumipad kahit walang pakpak? Kaya mo rin bang lumangoy kahit walang tubig? Ano, kaya mo pa rin ba? Kung kaya mo ang mga iyon, masasabi kong bukod kang pinagpala sa lahat ng mga babae dito sa balat ng lupa." "May hangganan din naman po ang mga kakayahan ko, Sir. Hindi naman po kasi lahat ay kaya kong gawin, eh. Ordinaryong babae lang din po ako kagaya ng iba. Sadyang lumaki lang po ako sa probinsiya kaya po ganoon." "Hindi ko tinatanong, babae," pambabara niya rito. Naiinis talaga siya kapag tumatawa ito. Sarap manakit pero hindi puwede dahil babae pa rin naman ito kahit pagbali-baliktarin niya ang mundo. "Sorry po." "Bakit ba ang init ng ulo mo sa sek–" Bago pa man makapagtanong sa kaniya si Samaniego ay sinalpakan niya ng tinapay ang bibig nito. Sigurado kasi siya na siya na naman ang palalabasin nitong masama at ang sekretarya na naman niya ang mabuti. Napagdesisyunan niya na lang na lumabas habang bitbit ang kape niya pero sa kamalas-malasan ay sinundan din pala siya ng sekretarya niyang mangkukulam. Pumihit siya paharap dito. "What?" "Ang sabi po ni Ma'am Margarita, 'wag ko raw pong ilalayo ang mga mata ko sa inyo." "At bakit naman? Sekretarya ang trabaho mo at hindi pangalawang anino ko kaya tumigil ka sa kasusunod sa akin," suplado niyang tugon dito na ginantihan lang nito ng isang nakakakilabot na ngisi. Mabilis siya nitong nilapitan at pagkatapos ay tumingkayad ito sabay hawak sa kuwelyo ng suot niyang damit. "Alam mo, kanina pa ako nagtitimpi sa iyo. 'Yang ugali mo bago-baguhin mo kung ayaw mong ikaw ang isunod ko sa mga naging biktima ko. Gusto mo bang hindi na mapakinabangan 'yang p*********i mo, ha? Umayos ka dahil baka bukas itlog mo na lang matira." Itinulak niya ang mukha nito sa pamamagitan ng palad niya dahil natatalsikan na siya ng laway nito. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo? Abogado ako, mangkukulam ka lang, babae. At alam mo kung ano'ng ginagawa sa mga mangkukulam, ha? Ginagahasa hanggang sa mamatay." Nakita niyang napalunok ito habang nanlalaki ang mga mata nito. As if naman na gagahasain niya ito. Baka sa oras na ipasok niya ang p*********i niya rito ay baka mag-lock ang mga ari nila. Oh, f**k! Bakit ba kung ano-anong masasama ang naiisip niya? "Pumasok ka na sa bahay at magluto ka na," utos niya rito pero umiling-iling ito. "Si Sir Francis na lang daw po ang magluluto, Sir." "Ayaw mo talaga?" "Si Sir Francis na nga lang daw–ano po iyang ginagawa niyo, Sir?" Inilapag niya sa lupa ang tasa ng kape na hawak niya at nagmamadali siyang binaklas ang suot niyang sinturon at pagkatapos ay isinunod niya agad ang pantalon niya. "Gagahasain ka," pananakot niya. "'Yon naman ang gusto mo kaya ka sunod nang sunod sa akin, 'di ba? Well, pagbibigyan kita, babae." "A-ano po? Naku po, hindi po! Mali po kayo, Sir!" natataranta nitong tugon. "Huwag ka ngang magkunwari na inosente ka pa dahil hindi halata. 'Yang bibig mo mukhang ilan na ang naisubo base diyan sa kulay ng ngipin mo, babae." Huhubarin na sana niya ang brief niya nang biglang sumulpot ang mga tanga niyang kaibigan kaya naman mabilis pa sa alas-kuwatro na isinuot niya ulit ang mga saplot niya sa ibaba. "What the heck, Alonzo! What are you trying to do?" pasigaw na tanong sa kaniya ni Evangelista na kulang na lang yata ay magpari dahil sa sobrang pakikialam nito sa buhay niya. "Hoy, Kazimir? Napa-injection-an ka ba ni Tita Margarita no'ng bata ka pa?" tanong naman sa kaniya ng abnormal ni Samaniego. "'Wag kang mahiyang magsabi dahil marunong naman kaming umintindi kung hindi pa." "Alonzo, ayos ka lang ba? Ba–" "Tumahimik ka nga, Genesis!" putol niya rito dahil mukhang may gusto rin itong sabihin. "Bakit ganiyan ang mga tingin niyo sa akin? Masama ba kung umihi ako?" "Iihi ka lang ba?" si Francis. "Eh, bakit naabutan ka namin na ibinaba mo iyang brief mo?" si Samaniego. "Bakit? 'Pag umiihi ba kayo, hindi niyo ibinababa iyang brief niyong mga animal kayo?" tanong niya sa mga ito. "Ang akala kasi namin ay gagahasain mo na si Hope, eh," katuwiran ni Samaniego. "Gigil na gigil kasi iyang mukha mo na para bang gusto mong manakit." "Oo nga. Akala namin ay may masama kang balak kay Miss Hope kaya napatakbo kami rito," wika naman ni Genesis na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng sekretarya niya. "So, ayos lang kayo?" "Mukha ba kaming hindi ayos sa paningin niyong tatlo? Lumayas nga kayong tatlo sa harapan ko," wika niya sa tatlo at pagkatapos ay binalingan niya si Hope na kabaliktaran ang hitsura sa pangalan nito. "At ikaw naman, 'wag kang masyadong magpakita sa akin dahil baka mapusoy ka ng hindi mo nalalaman. Pasalamat ka, dumating ang mga kaibigan ko dahil kung hindi katapusan mo na sana." "Po?" Tsk! Porke nakaharap ang mga kaibigan niya, bumait na naman ito bigla. Kaya tuloy nagmumukha siyang masama sa mga mata ng mga uto-uto niyang kaibigan. "Wala naman po akong ginagawang masama sa inyo, eh. Gusto ko lang naman po kayong samahan dahil ang bilin po sa akin ni Tita Margarita ay bantayan ko raw po kayo palagi para hindi kayo mapahamak." Luminga-linga pa ito sa paligid. "Baka po may ahas na lang na biglang sumulpot diyan sa tabi o 'di kaya'y kung anong mabangis na hayop na puwedeng maging sanhi ng pagkapahamak niyo kaya po hindi ako umaalis sa tabi niyo. Alam niyo po, bilang sekretarya ay kaya ko po ibuwis ang buhay ko para lang sa kaligta–" Tinakpan niya ang bibig nito para matigil ito sa paglilitanya. "Ang dami mong sinasabi. Ano ka, superhero, ha? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa, mas nakakatakot pa 'yang mukha mo kumpara sa ahas o sa kahit anong mabangis na hayop sa paligid kagaya ng sinasabi mo." Hindi niya pa sana bibitiwan ang bibig nito kung hindi siya hinatak ng tatlo niyang kaibigan. "Hay, buhay!" sigaw niya kaya nagulat ang apat. "Kazimir, dati ka bang tanga?" tanong ni Samaniego sa kaniya. "Umayos ka nga. Daig mo pa iyong abnormal, ah. Ano ba talaga problema mo?" "Oo nga. Kanina, okay naman ang gising mo tapos hindi nagtagal naging tarzan ka na," segunda naman ni Genesis. "You know what? Let him do what he wants. Pumasok na tayong apat sa loob at iwanan natin ang baliw na iyan dito," saad ni Francis sabay hawak sa braso ni Hope at inakay papunta sa loob ng bahay niya. Sina Genesis at Samaniego naman ay nakasunod dito habang paatras na naglalakad. Dinadasalan siya ng dalawa kaya inismiran niya ito. Nang lakasan pa nang dalawa ang pagdadasal ay dumampot siya ng medyo may kalakihan na bato at ibinato niya sa mga ito kaya naman halos maiwan ang puwet nang dalawa dahil sa bilis ng pagtakbo papunta sa direksiyon ng bahay niya. Hays! Ang tatanga talaga! Masyadong nagpapaniwala sa kabaitan na ipinapakita ng aswang. Nakakainis talaga ang mga hayop na 'to! Ang sasarap sikmuraan hanggang sa sumuka ng dugo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD