Episode 5

1813 Words
"Sir, saan po ba tayo pupunta?" Kanina pa siya tinatanong ng sekretarya niya pero hindi niya ito sinasagot dahil sayang lang ang laway niya. "Sir, bakit po puro kakahuyan 'tong dinadaanan natin? Saan po ba talaga tayo pupunta?" "Sa bakanteng lote." "Po? Ano po ang gagawin natin sa bakanteng lote?" "Ano ba ang puwedeng gawin ng dalawang tao sa bakanteng lote?" "H-huwag niyo pong sabihin na gagaya tayo sa mga viral video na nagse-s*x kung saan-saan? Naku po, Sir! Hindi ko po kaya ang ganoon! Pinalaki po ako ng amang at inang ko ng maayos at kabilin-bilinan nila na sa magiging asawa ko lang dapat ibigay ang virginity ko!" Napabuga siya ng hangin habang nagmamaneho dahil sa kadaldalan ng mangkukulam niyang kasama. Sa tingin ba nito maniniwala siya rito na malinis pa ito gayong naririnig niya ito na laging may kausap at laging bulbol ang topic ng mga ito? "Baba!" sigaw niya rito dahilan para manahimik ito. "Sir, 'wag po!" Pag-arte nito pero halatang hindi naman ito takot. "Let's go!" aniya at hinawakan ang damit nito sa bandang balikat. Dinala niya ito sa bahay niya rito sa Antipolo para paakyatin sa puno ng niyog. Gusto niyang pahirapan ito para naman maisipan nitong mag-resign na sa trabaho. Pagdating nila sa bahay niya ay naroon na ang mga kaibigan niya na sina Francis, Nicholai at Genesis. Ang tatlo ay animo'y nakakita ng multo nang makita ang babaeng kasama niya lalong-lalo na si Samaniego. "Kanina niyo pa ba ako hinihintay?" casual na tanong niya sa tatlo. "Natagalan ako kasi hinintay ko pa ang taong aakyat sa buko." "Nasaan na ba?" tanong ni Francis sa kaniya na masasabi niyang matino ng kaunti sa kanilang apat. "Nasa harapan niyo na," aniya na ang tinutukoy niya ay ang babaeng kasama niya na dinaig pa si Maleficent sa damit at sa hitsura nito. Sigurado siyang ang laylayan ng damit nito ay puro na tae mamaya dahil sa pupuntahan nila ay mayroong mga tae ng kalabaw. "Alonzo, baliw ka na ba? Gusto mo bang madisgrasya iyan?" Halatang ayaw ni Francis sa plano niya. "Magbabayad na lang ako ng taong aakyat kaysa naman iyan ang paakyatin mo." "Huwag po kayong mag-aalala dahil magaling po akong umakyat," sabad ng sekretarya niya at bahagya pang iniliyad nito ang dibdib na halatang nagyayabang. "Kung sakaling madulas po ako at malaglag, kayo na po muna sana ang bahala sa mga kapatid ko. 'Yon lang po ang hiling ko sa inyo." Sa pagkakataong iyon ay hinatak na siya ng mga kaibigan niya at halos bitbitin siya sa isang lugar kung saan hindi sila maririnig ng sekretarya niyang may saltik. "Nababaliw ka na ba?" "Uminom ka ba ng droga?" "Anong masamang espirito ang sumanib sa 'yo para paakyatin mo ang sekretarya mo sa puno ng niyog? Paano kapag namatay iyan?" Halos mahilo siya nang sabay-sabay na magsalita ang tatlo niyang kaibigan. "P'wede bang isa-isa lang?" Hinampas siya sa ulo ni Samaniego gamit ang leather jacket nito. "Papatay ka ba ng tao, Alonzo? Kung ayaw mong magbayad ng taong aakyat, ako na lang! Sagot ko na, gago ka! Sa tingin mo ba kapag namatay iyan hindi kami madadamay dito?" "Alam niyo, hindi namamatay 'yang babaeng 'yan," pabulong niyang sabi sa mga ito. "Kung mamamatay man ang babaeng 'yan ay siguradong kayang buhayin iyan ng mga kamag-anak niyan." "Bakit naman?" tanong ni Francis. "Dahil anak ng mangkukulam iyan!" aniya habang palingon-lingon sa babaeng nakatingin na sa kanilang apat ngayon. "Actually, mangkukulam din ang babaeng iyan. Hindi niyo ba napapansin ang hitsura niyang kakaiba? Siya lang ang ganiyan, 'di ba?" "Baliw ka na talaga! Tigilan mo iyang kakadroga mo para umayos ang takbo ng utak mo," sermon ni Francis sa kaniya. "Akala ko malala na 'tong si Samaniego pero mas malala ka pa pala. Sayang lang ang pagpunta ko rito. Kung alam ko lang na nagsama-sama na naman kayong mga abnormal, eh, 'di sana hindi na ako nagpunta." "Wow! Nagsalita ang matino! Kaya pala, iyong nurse inangkin mo sa loob ng sasakyan mo habang galit na galit ka dahil sa selos!" "What the! Paano mo nalaman iyon, Samaniego?" "Because I was in the backseat for the whole time, Moron," balewalang sabi ni Samaniego. "Siguro nakalimutan mo na magkasama tayo noong time na iyon. Gusto ko nga sanang umangal kaya lang hinubaran mo na, eh." "Kahit kailan talaga tsismoso ka!" "Tsismoso lang pero hindi ako abnormal kagaya niyong tatlo." "Bakit nadamay ako? Ano'ng alam ko diyan? Bahala kayong tatlo diyan. Kapag may nangyari sa babaeng iyan, labas ako riyan," wika ni Genesis sabay takbo papunta sa direksiyon ng bahay niya. Nang akmang hahakbang si Samaniego paalis ay hinawakan niya ang suot nitong brief na lumagpas sa suot nitong pantalon. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang hawak ang brief nito kaya naman sinamaan siya nito ng tingin. "Malamang uuwi na." "Bakit? Akala ko ba gusto niyong kumain ng buko ngayon?" "Magkano lang ang buko sa palengke, baliw ka! Thirty-five pesos lang makakakain na ako ng buko." "Pero, fresh dito, Dude. Doon hindi na fresh." "At least, hindi ako magkakaproblema–What the f**k is she doing up there?" Sabay-sabay silang napatingala sa itaas nang makita nila si Hope sa itaas ng puno ng niyog habang ang damit nito ay nakalaylay hanggang sa kalahati ng katawan ng puno. "Paano siya nakaakyat diyan?" takang tanong ni Francis. Ni isa man sa kanila ay walang nakakita sa babae kung paano ito nakaakyat sa itaas na tila ba sanay na sanay ito. "Member ng akyat-bahay gang iyan kaya 'wag na kayong magtaka. Huwag kayong kukurap dahil mamaya lilipad na lang iyan pababa." "Holy s**t!" anas ni Francis nang may sunod-sunod na malaglag ang buko. "Ang galing niya naman. Tangina! Mas makapit pa yata iyan kaysa sa butiking nakita ko kagabi, eh. She's f*****g amazing! Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kayang umakyat ng puno ng niyog!" "You're right. That girl is one of a kind," sang-ayon ni Samaniego kay Francis. Hindi niya inaasahan na hahanga ang dalawa sa sekretarya niya. Mukhang malabo siyang tulungan ng mga ito na idispatsa ang babae. Kahit siya ay nagtaka pero hindi niya ipinahalata. "Masyado kayong bilib sa babaeng iyan samantalang kaya ko namang gawin iyan," aniya sa dalawang lalaki na katabi niya. "Alam namin! Alam namin na kayang-kaya mong malaglag diyan. Huwag ka ngang magpasikat, Kazimir," sikmat sa kaniya ni Samaniego na halatang walang tiwala sa kakayahan niya. Bata pa lang siya ay umaakyat na siya. Hindi niya ipinapaalam sa mga kaibigan niya dahil baka bumilib ang mga ito. "Sige nga, umakyat ka nga sa puno na katabi nang inakyatan ng sekretarya mo? Kapag naakyat mo iyan, isang taon kitang pakakainin sa restaurant ko ng walang bayad." Si Francis ang nagsalita na ngayon ay pinupulot na nito ang mga bukong nakuha ni Hope. Ang sekretarya niyang walang pag-asa pero hope ang pangalan. "Isang taon, ha? Siguraduhin mo lang!" "Gusto mo, habang buhay pa, eh." "Okay na po ba 'yan, Sir Kazimir?" tanong ng sekretarya niya mula sa itaas. "Sakto na po ba iyan sa inyo?" "Okay na 'to, Miss!" sagot ni Nicholai rito. Halos mapanganga silang tatlo nang padausdos itong bumaba na tila naglalaro lang sa padulasan. What the f**k! Isa na iyon sa patunay na hindi talaga normal na tao ang babaeng 'to! "May itak po ba kayo? Babalatan ko na po sana ang mga iyan." Turo nito sa mga buko. "Para po makakain na kayong tatlo." "Kami na lang. Kaya na namin 'to, Miss," nakangiting wika ni Evangelista sa sekretarya niya sabay punas ng pawis sa noo nito. "Alam mo, maganda ka. Next time, nipisan mo lang iyang make-up mo para lumitaw ang totoo mong ganda. Mas maganda kasi kung simple lang." Kahit madilim ang mukha ng sekretarya niya dahil sa make-up nito ay napansin pa rin ng mga malilinaw niyang mga mata kung paano mamula ang pisngi nito. "At tungkol naman diyan sa mga damit mo, mas maganda siguro kung abot-tuhod lang para makita ang hubog ng katawan mo," dagdag naman ni Samaniego sa mga sinabi ni Evangelista. "Gusto mo bang bilhan ka namin ng damit?" "Po? 'Wag na po mga, Sir. Nakakahiya naman po sa inyo." Sabay na umiling ang mga kaibigan niya. "Isipin mo na lang na bayad namin iyon sa pag-akyat mo diyan sa puno. Pasensiya ka na kung kuripot iyang boss mo. P'wede naman kasi siyang magbayad ng tao pero ikaw ang inutusan niya." Doon na siya sumabat. "Narinig niyo bang sinabihan ko siyang umakyat diyan? Nagulat na nga lang ako nasa itaas na iyang aswang na iyan, eh." "Paanong hindi siya aakyat, eh, ganoon din naman talaga ang plano mo kaya inunahan ka na niya!" singhal ni Francis dahilan para kalabitin ito ng sekretarya niya. "Ayos lang po, Sir. Matagal na rin po akong hindi nakakaakyat ng puno kaya po natuwa ako kanina no'ng sinabi ni Sir Kazimir na aakyat ako ng puno. Sa totoo lang po, 'yan po ang trabaho ko sa probinsiya. Minsan pa nga po kawayan ang inaakyat ko, eh. Kapag nga po may nagpapaakyat doon para ikuha sila ng panggatong ay ako po ang tinatawag nila, eh. Huwag niyo na pong awayin ang boss ko dahil ginusto ko rin naman po at saka masaya po ako sa ginawa ko," makabagbag-damdamin nitong pahayag kaya naman awang-awang ang dalawa samantalang siya ay napaismid na lang sa kawalan. Ano'ng akala nito malolo siya ng gano'n-gano'n lang? Maaaring kaya nitong maloko ang lahat ng taong nakapaligid sa kaniya pero siya ay hinding-hindi siya madadala sa acting nito na matagal ng bumenta sa kaniya. "We will buy you make-up and clothes that suit you," pahayag ni Evangelista rito. Tumingin sa kaniya ang sekretarya na tila ba nagpapaalam kung maaari nitong tanggapin ang mungkahi ng kaibigan niya. Nang hindi siya umiimik ay tinanggihan nito ang kaibigan niya. "Saka na lang po, Sir. Sa birthday ko na lang po siguro kasi po tumatanggap ako ng regalo kapag birthday ko pero kapag normal na araw lang po ay tumatanggi po ako." "Kailan ba ang birthday mo?" tanong ni Samaniego rito. "Sa November one pa po." "Great! Kaya siguro magaling ka dahil November ang birth month mo." "Ang sabihin niyo, may black magic ang babaeng iyan," sabad niya. "Bakit 'yong kakilala ko, November one din naman ipinanganak pero namatay kaagad noong nalaglag sa puno? Partida, ang baba lang ng inakyatan no'n, ah." "Baka hindi po magaling umakyat, Sir Kazimir," tugon ng sekretarya niya. "Magaling siya! Sadyang kakaiba ka lang kaya hindi ka nalaglag!" "Eh, kasi nga po iyan talaga ang trabaho ko." "Huwag ka na ngang sumagot!" Nang akmang bubuka ang bibig nito ay pinagbantaan niya ito. "Sige magsalita ka pa, lulunurin kita sa batis kapag nagsalita ka pa!" "Sorry po, Sir." Sinamaan siya ng tingin ng dalawa niyang kaibigan at pagkatapos ay kapwa inakbayan ito nang dalawa. "Halika rito, Miss. Umupo ka muna roon para makapagpahinga ka. Ipagbabalat ka namin ng buko para makainom ka ng sabaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD